Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Hindi lingid sa akin ang bansag at alias na itinatawag nila sa akin kapag hindi ako kaharap.(ISTRIKTA,MATARAY AT PARANG MATANDANG DALAGA)Hindi naman kasi ako manhid,At lalong hindi ako bingi.Pero hindi yun naging hadlang para di ko marating kung ano man ang kinalalagyan ko ngayon bilang(Senior head FA) ng VILLAREAL AIRLINES.
"Anak,Bakit ba naman kasi puro nalang pagta trabaho yang inaatupag mo. Wag mong sabihing gagayahin at susundan mo pa yung dalawang ate mong mga SULTERA? Aba'y papano naman dadami ang lahing ASUNCION nyan kung lahat kayo ay ayaw magsipag asawa ha?_Inang.Nasa 60's na ang inang at ako ang bunso sa aming tatlong magkakapatid na puro mga babae.
"Inang naman,Hindi pa naman ako ganun katanda.wala pa akong trenta.Nasa kalendaryo pa. Hindi naman siguro dapat tawaging Sultera ang mga kagaya ko dahil bata pa ako.At isa pa,Wala pa sa plano ko ang mga ganung bagay dahil mas madami akong trabaho ngayon sa VAL.Saka na yun kapag napa ayos ko na itong bahay natin._AKO.Hindi naman kami mahirap kung tutuusin.Bukod sa lahat kami ay professional,May mga naipundar din naman kasi ang mga magulang ko gaya ng lupain kung saan may mga taniman kami ng mga gulay.Pensyonada din ang Inang bilang dating principal dito sa aming lalawigan.
"At bakit,Ano bang problema dito sa bahay natin ha Margarita? Ayos na sa akin ang ganitong bahay at gamay ko na ang bawat sulok nito.Kaya kung ang balak mo ay ipagiba ito at papalitan,Aba'y hindi ako papayag.Hindi ko naman kailangan ang malaki at mataas na bahay,Ang gusto ko ay magkaroon na ng mga apong nagtatakbuhan dito.Yan ang gusto kong gawin mo._Inang.Madalas na ganito palagi ang topic namin.Paulit ulit nya akong sinasabihang mag asawa na daw para may mga apo na syang makakarga at malalaro.
"Nanang naman,Paulit ulit nalang tayo sa ganyang topic.Bakit ba ako na lang palagi ang kinukulit nyong mag asawa na,Samantalang sina Ate naman ang dapat at nasa tamang edad na para duon.Sila nalang muna ang i push nyong magsipag asawa na wag ako._AKO.
"Malapit ng magkwarenta ang mga ate mo,Sa palagay ko wala ng balak magsipag asawa ang mga iyun.Dahil kung talagang gusto nila,Nuon pa sana.Kaya nga ikaw na lang ang ipinu push ko para hangga't bata kapa at pwede pang mag anak ng mas madami,Mas mabuti.Suko na ko sa kakapilit dun sa dalawang ate mo na hindi nalang sana nagsipag kolehiyo at dapat nagsipag MADRE na lang!_Inang.Nailing na natawa lang ako sa mga sinasabi ng Inang.Kaya nga ayaw magsipag bisita dito ng dalawa kong ate dahil yun ang palaging sermon sa kanila ng Inang at rinding rindi na daw silang madinig yun.
"Kung ako ba ang magmamadre,Papayag ba kayo Inang?Pwede pa namang humabol kasi wala pa akong trenta.Siguro naman,Walang age limit ang pagpasok sa kumbento basta kaya mo pang mag novena hindi ba?_AKO.Pinigil ko ang matawa dahil alam ko namang ayaw na ayaw ng Inang na nagbibiro ako ng ganun sa kanya.
"Maanong tumigil ka dyan Margarita! Wag mong dinadaan sa biro ang pagmamadre at baka sumpain ka ng Dyos sa pinagsasabi mo.Puro ka kalokohan.Seryoso ako sa sinasabi ko sayo.Gusto ko ng magka apo at kapag hindi moko binigyan ng apo,Maglalayas ako at hindi na magpapakita sa inyong magkakapatid!_Inang.Saka sya tumayo at pumasok sa kanyang silid.Bahagya naman akong naalarma.Ngayon ko lang kasi naringgan si Inang ng ganung salita na tila nagbabanta.Baka nga totoohanin yun ng Inang at seryosohin nyang gawin ang paglalayas.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hahahahah.Naloka ako kay Mader dear,Talagang ganun sya ka desidido na magka baby kana kaya ganun ang sinabi nya sayo.Lalayas daw sya sa bahay nyo kapag hindi mo pa sya binigyan ng apo?Grabeh!_Martha.Ang Bestfriend kong isang magaling na pintor.Kapag pareho kaming bakante at sabay na walang trabaho,Naglalaan talaga kami ng oras para magkamustahan.Mag share ng mga nangyari sa amin sa ilang araw at linggo na hindi kami nakakapag usap.
"Kaya nga eh,Hindi ko alam kay Inang kung seryoso ba sya or basta na lang nya yung naisipang sabihin out of nowhere.Hindi nya naman siguro yun gagawin lalo pa at alam na alam naman nyang wala akong karelasyon.Ano yun,Basta basta na lang at kung sinong available na guy dyan sa tabi tabi ay magpapabuntis ako para lang di nya gawin yung pagbabantang sinasabi nyang maglalayas sya?_AKO.
"Ay sa tabi tabi talaga? Hahahahha.Loka.Ang gusto lang ni Inang kasi ay magka nobyo kana.Iniiisip nya lang siguro ang future mo if ever.Ayaw nyang matulad ka sa dalawang ate mo na until now ay wala yata talagang balak mag sipag asawa.Mahirap nga namang tumanda mag isa._Martha. Gaya ko ay single pa din naman si Martha.Ang kaibahan lang namin...May mga nakaka relasyon naman sya pero panandalian lamang dahil sa trabaho nga nya bilang isang landscape artist.Hindi kagaya ko na NBSB talaga.
"Naku para ka ding si Nanang eh.Kung maka push akala mo kay dali daling makahanap ng makakapartner sa buhay.As if naman may panahon ako sa ganyan lalo pa ngayong malaking pressure ang naka atang sa akin bilang senior head.Ang dami na naman kasing mga bagong FA na ako ang naka assign para sila turuan kaya siguradong mas malaki ang time na gugugulin kong magturo kaysa makipag date._AKO.Hindi naman ako ilang at iwas sa mga lalaki,Kaya lang ay sadyang hindi ako madaling magtiwala at di madaling mabola.Madami din naman kasi ang nagpaparamdam para manligaw pero ni isa ay wala akong matipuhan kaya dini dedma ko sila.
"Masyado ka naman kasing dedicated dyan sa trabaho mo.Kulang na lang, Ikaw na ang pumalit sa pwesto ng CEO ng VAL dahil sa pagsi seryoso mo sa kumpanya nila.Dapat lang talagang ikaw ang tanghaling Best EMPLOYEE of the year taon taon dahil sa magaling at deserving ka naman talaga._Martha.Napangiti lang ako sa kanya.Sa lahat naman kasi talaga ng ginagawa ko,Naglalaan ako ng isang daang porsyento sa trabaho.Lalo pa at gustong gusto ko ang ginagawa ko.
"Wag kang mag alala,Idodonate ko naman sa HAPPY SOUL itong perang natanggap ko dun sa Anniversary ng VAL noh!Kaya hayaan mo na akong magpaka dalubhasa sa trabaho ko para mas madami pa akong ma i donate.hahahah.Btw,Siguro naman pwede na tayong kumain? Kanina pa tayo kwentuhan ng kwentuhan pero hindi mo pa ako pinatitikim nyang garlic shrimp with the twist mo eh.Gusto kong matikman yang pinagmamalaki mo at ng masentensyahan na kung talagang masarap at pwede ka ng mag asawa._AKO. Komportable kami ni Martha sa isat isa. Halos para na kaming magkapatid mula pa nung college hanggang ngayon kaya naman wala kaming sikreto sa isa't isa.
Sa edad kong bente syete,Minsan ay nakakaramdam din naman ako ng pangungulila.Nang pagka bagot at pagka lungkot.Pero wala akong pinagsasabihan ng nararamdaman ko dahil ayaw kong pati sila ay maapektuhan.Sa totoo lang,Nakaka pressured din ang edad ko.Hindi na ko bumabata,at ayokong tumanda na mag isa.Pero bakit pakiramdam ko, Hindi ko pa mahanap yung "THE ONE?