Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bukod sa pagkalat ng balita tungkol sa pagdidiner namin kamakailan lang ni Captain Serrano,Isa pang Kapitan din ang iniuugnay nila sa akin.Ang senior pilot na si Capt.Ali Bartolome.Sya kasi ang madalas na kasama ko sa sa picture taon taon bilang mga huwarang model ng VAL.
"Ay iba din ang beauty mo bespren!Talagang ikaw na ang Stewardess ng taon!Bukod sa junior pilot ay may senior pilot ka pang manliligaw.Bongga ka day!_Martha. Nasa headline kasi ako ng VAL magazine kaya wala akong kawala sa pambungad na pang aalaska nya sa akin.
"Pati ba naman ikaw ay naniniwala sa mga chismis na yan ha Martha?Alam mo naman na taon taon talaga ay nili link ako kay Captain Ali dahil nga kami ang model ng VAL. Para syempre pag usapan at saka tangkilin ang magazine na walang alam gawin kundi gumawa ng mga kwento. _AKO.Madalas kasi akong biktima nyan kaya alam ko na hindi lahat ng nakasulat sa mga tabloid at magazine ay totoo.
"Hahahahha.Oo na.Alam ko naman na walang kayo ni Captain Bartolome dahil pamilyado na yung tao.Pero papano naman yung kay Captain Serrano,Hindi ba't totoo namang nanliligaw sya sayo?_Martha.
"Well,Totoong nanliligaw nga sya pero pina unahan ko na sya na hindi pa ako ready na makipag relasyon sa ngayon. Sabi naman nya na willing syang mag antay at hayaan ko lang daw syang ligawan nya ko.So far,Ini enjoy ko lang din ang bawat araw at kapag may time...Sumasama akong makipag dinner sa kanya._AKO
"Mabuti naman kung ganun.Atlis kahit papano hindi mo totally isinara yang puso mo at nagbigay ka ng chance sa kanya.Pero ano sa palagay mo,May na feel ka bang spark sa unang date nyo?_Martha.Saka ako napaisip.Para kasing wala akong natandaang ganun sa unang date naming dalawa.
"Uhmmmm...Teka iiisipin ko muna kung meron ba. Parang wala akong maalala eh.As in normal lang yung pag uusap namin nung gabing yun.Mas tumatak pa nga sa akin yung paglabas na namin sa resto at nakasalubong namin sina Captain Aloha at si Doc Ayen na saktong papasok naman sa kinainan namin._AKO.
"Seriously? Sina Aj at Doc Ayen talaga of all people? Anong reaction ni Aloha after? Nagulat ba sya na may ka date ka or parang wala lang?_Martha.
"Wala naman,Mas nagulat pa ako kasi nga diba ang pinalabas nya kay doc Ayen before ay magkasintahan kami para wag na syang lapitan ni Doc.Tapos yun naman pala,Sila din ang magka date sa bandang huli. Kaloka diba?_AKO
"Baka naman hindi date yun at may ka meeting lang. Saka syempre,After ng nangyari sa kanya nuon...Need nyang mag ask ng second opinion regarding sa head injury nya.Sa palagay ko naman,Close lang talaga sila ni Doc Ayen kaya sila madalas magkasama._Martha.Saka ako napaisip na posible namang close nga sila kaya sila magkasama ng gabing yun at hindi sila magka date talaga.
"Bakit naman masyado mo yatang bini build up si capt.Aloha ngayon ha Martha? Anong meron at ang bait mo sa kanya ngayon?_AKO
"Hindi naman sa bini build up.Kaya lang hindi kasi talaga magaan ang loob ko dun sa gwapong piloto na manliligaw mo.Aminin natin na gwapo nga sya at saka maganda naman ang trabaho pero bakit parang hindi ako komportable sa kanya?Well anyways,Hindi ko naman sya ganun ka kilala para i judge.Ikaw na ang bahala kung sasagutin mo sya o hindi.Basta kung saan ka masaya dun ako syempre._Martha.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Naiyak naman ako sa speech mo bespren.Joke! Pero seryoso,Hindi ko pa naman sya sasagutin. Unang una,Gusto ko munang makilala pa sya ng lubos. 2nd...Para kasing di ko maramdaman na masaya ako kapag magkasama kami.Parang may kulang.And lastly,Dapat munang magustuhan din sya ng Inang bago ko sya sagutin.Kapag di sya gusto ng Inang,Syempre hindi ko din sya gusto._AKO
"Ganun ba?E di si AJ na lang ang gustuhin mo kasi bet na bet naman sya ng Inang mo hindi ba? San kaba nakakita na alam nya namang lesbian yung bisita ng anak nya ay pinayagan nyang pagtabihin sa kama?Ibig sabihin,May tiwala sya sa tao na yun.At saka wala namang bukambibig palagi ang Inang mo kapag dumadalaw ako duon kundi kamusta si ALOHA? Kelan daw ba papasyal dito si Kapitan?Magaling naba talaga sya? At higit sa lahat,Itinanong din sa akin ng Inang mo kung may KASINTAHAN na daw ba si ALOHA kaya hindi na nadalaw sa inyo._Martha. Hindi ko alam na ganun pala ka interesado ang Inang kay AJ kaya nagulat ako sa kwento ni Martha.
"Okey ka lang bespren,Gustuhin ko kamo si Capt.Aloha dahil bet sya ng Inang ko?As if naman gusto ako nung tao diba?Saka kilala ko ang Inang,Ayaw nun na makikipag relasyon kami sa kapwa naming babae din.Malabo yang sinasabi mo.Maybe nababaitan at natutuwa lang talaga si Inang sa kanya kasi nga anak ng boss ko pero hindi para maging kasintahan ko.Lalaki pa din ang gugustuhin nya para sa akin.Kasi nga gusto nya ng magka apo._AKO.
"Pwede din naman syang magka apo kahit parehas kayong babae ah!Anong ginagawa ng IVF diba? Pero ikaw ang bahala kung ayaw mong magka jowa ng kagaya ni ALOHA.Basta para sa akin,Mas bet ko sya kaysa dun sa single dad na si Capt.Serrano._Martha.Napailing na lang ako.Habang kontrapelo sya pagdating kay Eric,Kabaliktaran naman sya ni Gold na bet na bet si Captain Serrano.
"Syanga pala Martha,May ipatatanong ako kay Gucci regarding dun sa sinasabi ko sayong kotse na palaging sumusunod sa akin kapag uuwi ako sa amin sa Bulacan. Papano ko ba malalaman kung sino sya at bakit nya ko palaging sinusundan pauwi?Ano naman kaya ang motibo nya,Wala naman akong pera para kidnapin nya. At lalong hindi naman siguro nya ako type para gawin nya yun._AKO.
"Ay oo nga sige mag aask ako kay Gucci regarding dyan. Mag iingat ka palagi at saka wag kang sasakay na lang basta sa taxi o bus kapag nakaramdam ka ng kakaiba. Mabuti na yung alerto ka at saka palagi mong itext sa aming mga kaibigan mo yung plate number ng sasakyan mo._Martha.
Mabuti na lang at hindi ako madalas nakakaluwas sa Bulacan ngayon dahil loaded ang skedyul ko. Kaya may Martha muna ako tumutuloy pansamantala kapag sunod sunod ang byahe ko.Tatlong beses ko na din kasing napapansin na may kotseng sumusunod palagi sa sinasakyan ko kapag papauwi ako ng Bulacan