Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dito sa Bangkok International Airport na kami dumiretso after naming bumisita sa Phuket.Nauna na kasi sina Boss GD at Madam Sally pabalik ng Pilipinas habang nagpaiwan naman muna si Maui sa bahay nina Bri para mag catch up sa matagal tagal din nilang di pagkikita.Kaya naman kami lang ni AJ ang magkasabay pabalik sa Manila tonight.
"Sa Bulacan kana ba dididretso nyan pag balik natin?_AJ Tumango tango naman ako.Kahit papano ay nabawasan na din naman ang ilangan naming dalawa after naming mag usap kanina sa resort.
"Pero hindi ba delikado ang pagbyahe mo ng gabi na? Hindi kaba pwedeng mag stay na muna sa apartment ni Martha or mag hotel kana muna?_AJ
"Hindi naman delikado ang byahe papunta sa amin.Sanay na ko dun.Mas okey nga kapag gabi ang byahe kasi walang traffic.Saka ang alam ng Inang ay duon ako didiretso ngayon kaya hindi pwedeng di ako tumupad sa sinabi ko kasi mag aalala yun._Gari.
"Okey sige ganito na lang,Ipahahatid kita sa driver namin para makasigurado lang na safe kang makakabalik sa inyo.Kasi naman ay kami ang umabala sayo,kaya dapat lang na makasigurado kami na ayos kang uuwi sa inyo._AJ
"Naku hindi na.Okey na okey lang ako.Saka hindi kasi ako sanay may ibang kasama sa byahe lalo pa at hindi ko kakilala.Naiilang ako.Tapos babalik pa sya ng alangaing oras pagkahatid sa akin.Mas lalo akong mag aalala nun._AKO
"Sige ganito na lang,Ako na lang ang maghahatid sayo pauwi.Tapos para hindi ka mag alala na magba byahe pa akk pabalik,Bakit hindi mo na lang ako patulugin na lang dun sa inyo.Kahit sa sofa lang pwede ako.Tapos kapag nag umaga na,Saka ako uuwi._AJ
"Ano?Ikaw ang maghahatid sa akin sa bahay? Naku hindi na.Mas lalong ayokong ikaw pa ang maghahatid sa akin pauwi gayung may flight kapa bukas.Mapapagod kapa.Ano na lang ang sasabihin ng parents mo sa akin.Na wala akong consideration sa taong pagod at antok na.Ako na lang ang uuwi mag isa.Wag mo ng problemahin pa yun.Kaya ko ang sarili ko._AKO
"Sige ikaw ang bahala.Gisingin mo na lang ako kapag nasa Manila na tayo ha.Gusto kong matulog muna._AJ.Saka sya umayos ng paghiga nya at saka nakatulog na nga din kaagad.
May tatlong oras at bente minutos lang naman ang byahe mula Thailand hanggang Manila kaya hindi naman nagtagal ay nandito na kami sa Naia.Ginising ko si AJ na nag inat inat muna at saka tumayo para ayusin ang sarili nya. Sinuklay ang buhok gamit ang kamay nya,At saka kumuha sa bag nya ng panyo at ipinahid sa mukha nya.Nag spray din muna sya ng mamahaling pabango at saka kami sabay ng naglakad palabas ng eroplano.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Teka teka...Bakit dito mo ako pinasakay sa kotse mo? Magta taxi na lang ako pauwi sa amin para mas mabilis._AKO
"Ako na lang ang magda drive papunta sa inyo.Tapos yung ibabayad mo sa taxi,Sa akin mo na lang din ibayad.Wag kang mag alala,Hindi ako makikitulog sa inyo dahil uuwi din naman ako kaagad._AJ
"AJ naman eh! I mean Captain naman eh!Sinabi ko ng wag mo na kasi akong ihatid.Nakakahiya.Libre na nga travel ko at accomodation,Tapos pati paghatid sa bahay libre pa at ikaw pa ang driver ko.Nakakahiya!_AKO.Pilit kong binubuksan yung pintuan ng sasakyan pero naka lock.
"It's better to call me AJ than captain.Lalo pa at wala naman tayo sa trabaho ngayon.Saka wag ka ng mahiya sa akin kasi kami naman ang gumambala sayo eh.Ibinilin ka din ni Tatay sa akin na wag kitang pabayaang umuwi mag isa kaya nga ihahatid na lang kita para sure._AJ
"Hindi mo naman kailangang gawin ito.Pwede naman sigurong driver nyo na lang ang maghatid sa akin.Alam kong pagod ka na at antok kaya mas nakakahiya na ikaw pa ang abalahin ko ng husto._AKO
"Wag kang mag alala,Nakatulog ako sa byahe natin kanina kaya hindi na ko inaantok ngayon.At lalong hindi ako pagod dahil sanay naman akong magtravel.Don't panic,Maghahanap na lang ako ng malapit na hotel sa inyo na pwede kong pag isteyan since maghahating gabi na pag uwi ko._AJ
"Bakit ba ang kulit kulit mo? Ganyan ba kayong mayayaman talaga...Kapag gusto nyo at naisipan nyo gagawin nyo? Haaaaissst! As if may magagawa paba ako ha? Wag ka ng maghanap ng hotel,Dun ka na lang sa kwarto ko matulog. _AKO
"Really,Sa kwarto mo ako matutulog?Ibig sabihin magkatabi tayong matutulog sa kama mo?_AJ.Saka ako biglang namula.Bakit ba pagkasabi nya nun ay bahagyang may kung anong pumasok sa isip ko.
"Captain! Ang dumi mo mag isip.Hindi tayo magkatabi kasi sa kwarto ng ate ko ako matutulog muna.Ikaw ang gagamit sa kwarto ko muna pansamantala.Basta magbehave ka sa Inang ha.Wag kang pasaway._AKO
"OPO! Masusunod po mahal na reyna! Teka,Bakit bigla kang namula pagkasabi ko na tabi tayo matulog,May iba kang iniisip noh?hahahhaa._AJ.Muli na naman akong pinamulahan ng mukha
"Sira!Wala akong iniisip na iba ha.Namula lang ako kasi mainit._AKO
"Papanong mainit eh ang lakas ng ac nitong sasakyan ko? Hahahahha.Aminin mo na kasi,May iba kang naisip pagkasabi kong magkatabi tayo sa kama mo._AJ
"Wala nga sabi eh!Isa pang pang aasar at bababa talaga ako dito sa kotse mo!Nakakainis ka talaga! Haaaaaist! Bakit ba kasi sa dinami dami ng makakasabay,Ikaw pa ang nakasabay ko ngayon._AKO
"OKEY,Sorry na.Magbi behave na ko.Baka mamaya nyan mag bago pa isip mo at hindi mo pa ako patuluyin sa bahay nyo.Wag kang mag alala,Promise ko sayo na hindi kita ipapahiya sa Inang mo._AJ.Hindi na nga sya muling nang asar pa at tahimik lang kami pareho sa sasakyan.Malapit na din kasi kami sa bahay namin.
Hindi ko alam pero nagtataka ako kung bakit kinakabahan akong ipakilala si AJ sa Inang.Hindi pa naman kasi ako nakapagdala sa bahay ng kaibigang kagaya nya...I mean papano ko sasabihin kay Inang na isang Lesbian ang kasama ko ngayon?Anong magiging reaksyon nya at papano kaya nya ito tatanggapin sa bahay?
Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan ni AJ sa mismong harapan ng bahay namin.