49.GARI

764 33 5
                                    

Ngayong gabi ang pinag usapan naming araw na magkikita ni Eric Serrano.Gabi kung saan,Aaminin ko na sa kanya ang totoong nilalaman ng puso ko.Simpleng casual dress lang ang suot ko.Kaunting make up at saka tinernuhan ko ng mga abubot na fancy bracelet at kwintas.Isang di naman kamahalang high heel sandals ang sapatos na suot ko.

Isang di naman kamahalang high heel sandals ang sapatos na suot ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"You look gorgeous tonight Gari.Bagay na bagay sayo yang damit na suot mo._Eric.Sya man ay gwapo din sa suot nyang asul na polo at itim na pantalon.Lalo pang nadagdagan ang karisma nya dahil sa suot nyang salamin.

"Salamat.Ikaw din naman.Bagay din sayo yang eyeglass mo.
Nagmukha kang businessman._AKO.Siguro ay gusto nya lang magmukhang matured kaya sya nagsalamin ngayon.

"Actually,Hindi naman totally malabo ang mga mata ko kaya ako nag eye glass.Napasukan kasi kanina ng parang buhangin kaya nagpa check up ako.Ang sabi sa akin ay gamitin ko nga daw muna itong salamin para proteksyon sa mata ko._Eric.

"Ganun ba,Wala naman palang grado yang salamin mo.Pang proteksyon lang.Anyways,Gusto mo bang kumain na muna tayo bago tayo makapag usap?_AKO

"Ang mabuti pa nga ay kumain na muna tayo.Baka kasi kapag nagsimula na tayong mag usap ay hindi na ako makakain sa sobrang saya ko.Saglit lang at tatawag na ako ng waiter._Eric.Saka sya mabilis na kumaway sa counter ng resto.Isang unipormadong crew ang lumapit sa amin at itinanong ang order namin.

Isang unipormadong crew ang lumapit sa amin at itinanong ang order namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aaminin kong good catch din naman itong si Capt. Serrano talaga.Hindi ko naman sinasabing perfect gentleman pero so far,Wala naman akong napapansing hindi tama sa mga ikinikilos nya pagkaharap ako.Nagkaroon din ako ng bagong kaibigan sa katauhan nya.Kaya masaya akong naging magka close din kami sa loob ng apat na buwan.

"Para yatang ang lalim ng inisip mo ah.Pinag iisipan mo ba ng husto kung talagang sasagutin mo na ko o sasabihang hindi kapa din ready?hahahha.Just kidding._Eric.

"Actually,Yun nga ang iniisip ko ngayon.Kung papano ko sasabihin sayo ang talagang nilalaman ng puso ko.Pero hindi ko na patatagalin pa ang paghihirap mo.
Kasi alam ko naman na matagal tagal ka na ding nanunuyo sa akin.Gusto ko namang mas unahin mo na munang pagtuunan ng pansin ang anak mo kaysa sa akin...

"IM SORRY ERIC PERO kahit na anong pilit ng utak ko na sagutin ka,Talagang nahihirapan akong kumbinsihin ang puso ko na mahalin ka.Kaya hindi ko na patatagalin pa ang pag uusap natin,Mas makabubuti na ibigay mo nalang ang oras mo para sa anak mo na lang._AKO.

"Pero Gari...Akala ko ba ay ngayon mo ko sasagutin? Bakit bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin? May tao bang nag brainwash sayo at siniraan ako sayo ha Gari? Si Aloha ba yun?Sinabi nya ba sayo na handa nyang ibigay sayo ang VAL basta lang sya ang piliin mo?_Eric.Napakunot ang nuo ko sa huling sinabi nya.

"Teka,Ano nga ulit yung sinabi mo? At bakit nasali sa usapan si Aloha? Anong kinalaman nya sa di ko pagsagot ng OO sayo?At anong ibibigay nya sa akin ang Val?_AKO

"Hindi ba sinabihan mo na si ALOHA nuon na ayaw mo sa tomboy?
At gustong gusto na ng Inang mo na magka baby kana.
Pero bakit nagbago na yata ang preferrence mo ngayon.Don't tell me na pumapayag kang daliri lang ang magpapaligaya sayo?_Eric.Mabilis ko syang ginawaran ng sampal.Hindi ko na kasi nagugustuhan ang mga sinasabi nyang kabastusan.

"How dare you!Wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan.Kung sino at ano man ang piliin kong maging nobyo ay labas kana dun at lalong wala ka ng pakialam dun!_AKO

"Sino kaya sa atin ang mas bastos ha? Pinaasa moko eh.
Buong akala ko,Hinayaan mo kong ligawan ka dahil may pagtingin ka din sa akin.Pero sa huli pala,Sa tomboy lang din ang bagsak mo!Hindi naman ako na inform na ayaw mo pala ng jumbo hotdog at mas gusto mo ng MANI. Nasayang lang ang apat na buwan kong panunuyo sayo. _Serrano.

"Alam mo pasalamat ka at sampal lang yang inabot mo eh!
Mabuti na lang pala at tama ang desisyon kong hindi ka sagutin.Dahil kung nagkataon,Baka pagsisihan ko lang din na ikaw ang pinili ko kahit wala naman akong makitang magandang qualities mo bukod dyan sa itsura mo._AKO

"Sa totoo lang din naman,Maganda ka lang din pero matanda ka na kumpara sa akin.Bukod sa mataray at suplada ka,Wala ka pang matinong mga kaibigan kundi yung wierdong pintor lang at si Gold na wala naman ding choice kundi pakisamahan ka dahil mas malakas ang kapit mo sa taas._Eric

"Wala ka na bang iba pang sasabihin? Kasi kung tapos kana ay pwede na siguro akong umalis? Nasasayang lang ang oras ko sayo.Mas gusto ko pang matulog na lang sa bahay kaysa kausapin ka.Salamat na lang din sa oras mo.
Dont worry,Bayad ko na tong kinain natin.MAHIRAP NG BAKA ISUMBAT mo pa yan sa akin kung sakaling ikaw ang magbabayad!_AKO.Saka ako tumayo na at umalis ng biglaan.

"Aba'y gago naman pala yang Capt.Serrano na yan eh! Napakamapagpanggap!Akala mo napaka bait pag kausap mo yun pala demonyo ang loko! Sarap nyang balatan ng buhay!
_Gold.Agad nya kasi akong tinawagan para makibalita at kinwento ko naman sa kanya ang nangyari kanina.

"Kaya naman pala parang kanina lang bet na bet mo sya.
Tapos ngayon ganyan kana.Anyways,Hayaan na lang natin yun.
May point din naman syang magalit sa akin ng ganun dahil sa "HINDI" ang sagot ko sa kanya at hindi OO na inaasahan sana nya.Intindihin na lang natin._AKO

"Pero hindi ko gusto yung mga pinagsasabi nya sayo.
Masyado naman yata syang bitter para umabot pa sa pagiging bastos nya.Humanda sya sa akin bukas kapag nagkita kami.Talagang makakatikim sya sa akin ng di nya gustong matikman._Gold.

"Wag na,Pabayaan mo na.Baka mamaya makaroon pa ng kontrobersya sa VAL dahil dyan sa gagawin mo eh.
Mamaya dyan ikaw pa ang mapahamak.Magaling pa namang mag alibi yun._AKO.

"Ngayon na ko naniniwala talaga na siya ang nagsimula at hindi si Capt.Aloha ng away nila! Ang kapal ng mukha!
Nakakabwisit!Sarap hampasin ng payong kapag nagkasalubong kami.Gwapo lang pero BASTOS! WALANG MODO AT MAL EDUKADO._GOLD.

"Mabuti na din na nangyari yun,Para hindi ako maguilty sa pambabasted ko sa kanya.Mabuti na lang at hindi ko talaga sya gusto kaya para akong nabunutan ng malaking tinik.Ngayon ako mas naniniwala na wala talagang kasalanan sa away  nila si Aloha at sya lang ang gustong masira ang imahe ni Aloha kaya sya gumagawa ng isyu.
_AKO.

"TAMA! Ginamit kapa nya para may dahilan syang awayin si AJ.Ang kapal din ng mukha nyang manira eh,Anak pa ang boss nya ang pinuntirya.Akala naman nya ka level nya si Aloha at Sky porke mga bago din kagaya nya.Kung ako jan kay ALOHA,Ipasisibak ko na agad agad yan para hindi na maghasik pa ang lagim sa VAL!_Gold.

Pagkatapos ang usapan namin sa telepono ni Gold ay nahiga na din ako para matulog.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon