Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Back to normal na muli sa VAL at simula na naman ng trabaho ko.Halos magkakasunod ang naging duty ko sa malalayong destination kaya talagang wala akong pahinga.
"Kamusta na INDAY? Ano ng balita sa panliligaw sayo ni capt.Serrano ha? Nagparamdama na ba?_Gold.Taga Cebu ang pamilya nina Gold kaya marunong syang mag bisaya.At nakasanayan na nyang inday ang itawag sa akin kapag kaming dalawa lang ang magkausap.
"Nagparamdam na nga ba?Parang OO.Kasi the last time na nagkita kami,Nagpaalam sya sa akin kung pwede daw ba kong maimbitahan mag dinner daw kami._AKO
"Talaga?Eh ano namang sabi mo,Wag mong sabihing tinanggihan mo?_Gold.Mula ng makausap nya si Capt.Serrano ay naging magaan na ang loob nya dito. Kaya alam ko na bet nya ito para sa akin.
"Hindi ko naman totally nireject pero sabi ko busy pa ko sa trabaho kaya hindi ko pa maisingit ang paglabas.Ang sabi nya naman,Willing syang mag antay kaya hindi na nya ko ulit tinanong._AKO
"Bakit mo kasi sinabing busy ka!Gari naman eh,Papano kang magkaka jowa nyan kung palagi mo na lang inuuna yang trabaho mo ha?Basta dapat matuloy na ang dinner date nyong dalawa.Tatawag ako ngayon sa kanya at sasabihin kong abangan ka sa aiport para sabay na kayong mag dinner pagka lapag nitong eroplano natin._Gold.Mabilis nyang kinuha ang fone nya sa bag nya at saka tumawag sa telepono.Napailing na lang ako pero wala naman na akong magagawa. Saka mas okey na din yun para malaman ko na din kung may chemistry ba kaming dalawa ni Captain Serrano o wala.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bakas sa mukha ni Eric(Capt.Serrano) ang kasiyahan habang magkasama kaming kumakain ngayon sa isang mamahaling restaurant malapit lang din dito sa Val airport.Infairness naman din sa kanya...Gwapo talaga at malakas ang dating nya lalo pa sa malapitan.Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanya habang magkausap kami.
"Salamat sa pagpapaunlak mo sa paanyaya ko Miss Asuncion. Sobrang na excite talaga ako ng tawagan ako ni Miss Gold at sabihin sa aking pumapayag ka ng makipag dinner sa akin.Salamat talaga._Eric.
"Gari na lang ang itawag mo sa akin.Lalo na at wala naman tayo sa trabaho.Salamat din sa pagdala mo sa akin dito,Ngayon ko lang nalaman na may ganitong resto pala na malapit lang dito sa Val.Mukhang mayayamang tao lang ang nagpuounta dito._AKO.Napalinga ako sa paligid.Nagbabakasakali na may makita ako dito na gusto kong makita.
"Kung Gari ang gusto mong itawag ko sayo,Dapat Eric na lang din ang itawag mo sa akin at wag ng Captain.At tama ka naman,Wala tayo sa trabaho ngayon kaya dapat hindi tayo masyadong formal sa isa't isa._Eric.Ngumiti ako sa kanya at saka tumango bilang pag sang ayon.Hindi naman mahirap kausap si Eric kaya napalagay na din ako sa kanya kahit papano.
"So kamusta naman yung baby mo?Ilang taon na nga ba sya?_AKO.Wala kasi akong maisip na topic kaya yun ang naitanong ko kaagad.
"Actually,3 years old na sya.Madaldal na nga at makulit kaya ang saya kapag uuwi ako tapos bigla nya akong sasalubungin ng yakap at halik.Nakakawala ng pagod._Eric
"Naku,Kalikutan stage na nga yun.Ang saya nga siguro kapag may baby sa bahay ano,Kaya siguro gusto din ni Inang na may bata na daw sa bahay na tumatakbo takbo. Nakakawala nga naman ng pagod._AKO
"Totoo yun.As in kapag nalulungkot ako or stress sa work.Basta nandyan ang baby ko at sinasayawan ako... Wala na..As in nakakalimutan ko ng maging malungkot. Pati yung stress ko sa work...Nawawala din kaagad._Eric
"Hahahaha.Mukha nga.Kaya pala parang hindi kapa mukhang daddy na.Kasi may taga alis ka ng stress._AKO
"Hindi ba halatang daddy na?hahahahha.Kaya lang syempre minsan di din maiwasan na yung bata naghahanap ng mommy nya.Naaawa nga ako sa kanya kasi minsang nanaginip siguro...Tinatawag yung mommy nya.Wala naman akong magawa kaya ako na lang ang yumakap sa kanya._Eric.
"Kawawa naman...Mahirap din yang lumaki na.Madami ng tanong im sure.Papano kapag naghanap na yan ng mommy nya talaga na gusto nyang makasama,Mahirap namang mag explain na wala na yung totoong mommy nya at sasabihin mong nasa kabilang buhay na._AKO.
"Kaya nga sabi ko,Bago pa man lumaki ng husto ang anak ko...Gusto ko ng makahanap ng babaeng maipakikilala kong magiging mommy nya.At sana nga pumayag yung tao na yun na magkilala pa kami ng lubusan._Eric.Bahagya akong napayuko.Alam ko naman kasi na ako yung tinutukoy nya.
"Ahmmmm...Kumain na muna tayo.Medyo malamig na yung pagkain eh.Sayang naman kung di natin titikman mukhang mahal pa naman ang mga iyan._AKO.
"Okey.Pasensya kana.Masyado akong madaming kwento.Nakalimutan kong galing kapa nga pala sa Malaysia nyan.Sige,Kumain na muna tayo._Eric.Tahimik kaming kumain at saka bahagyang nag ngingitian lang.
Matapos ang dinner ay pinaligpit na ni Eric ang mesa at saka sya umorder ng kape at tea naman para sa akin.
"Ahhhhhmmm...Gari.Pasensya kana kung kakapalan ko na ang mukha ko.Sasamantalahin ko na din ang pagkakataong ito para mag ask sayo ng permission kung pu pwede ba kong manligaw? I mean...Magpapa alam din sana ako sa Inang mo kung pwede kang ligawan._Eric.
"Well,Nasabi na nga sa akin ni Gold yan at ngayon nga ay ikaw na mismo ang nag ask...Hindi naman kita pagbabawalan na ligawan ako.Nasayo yun.Pero hindi ko lang maipapangako na mabibigyan kita ng sapat na oras at panahon dahil sa ngayon ay naka focus talaga ako sa trabaho at sa Inang.Gayun pa man,Hindi ko din naman hahadlangan kung ano ang gusto mong gawin at kapag naman may panahon ako,bibigyan din kita ng chance na kagaya nito._AKO
"Talaga?Naku Maraming salamat Gari.Wag kang mag alala.Hindi naman ako demanding sa time.Kasi ay nauunawaan ko naman ang trabaho mo at ganun din naman ako.Salamat kasi binigyan mo ako ng chance na mapalapit sayo.Wag kang mag alala.Hindi ako magiging sagabal sa trabaho at pamilya mo._Eric.Natuwa naman akong madinig yun sa kanya.Atlis ngayon,Alam nya na hindi ko talaga prioridad ang pakikipag date pero hindi ko naman totally isinasara ang puso ko para magmahal.
Maya maya lang ay nag decide na kaming umuwi dahil ayokong gabihin masyado sa byahe pauwi sa amin.Nag insist pa syang ihahatid daw ako pero sinabi kong saka na lang.Hindi pa ko handang magdala ng lalaki sa bahay unless hindi pa ko siguradong sya na nga ang "THE ONE" for me.
Saktong palabas na kami ng resto ng makasalubong namin ang dalawang tao na hindi ko inaasahang makikita ko sa mga oras na ito.