14.ALOHA

721 34 1
                                    

Hindi ko alam kung bakit kahit kambal kami ni Maui ay magkaibang magkaiba kami ng mga hilig at gusto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam kung bakit kahit kambal kami ni Maui ay magkaibang magkaiba kami ng mga hilig at gusto.
Kulay asul lahat ng kotse nya,Maging mga gamit at maging ang room nya sa mansyon ay kulay asul lahat habang puti naman ang sa akin.

"ALOHA? Ano naman ang ginagawa mo dito sa CK mall?
Himala yata ata tumapak ka sa sinasabi mong teritoryo ko,May kailangan kaba sa akin?_Maui.After kasi ng meeting ay naisipan kong sundan sina Gari at Maui dito sa CK mall.
Para mambwisit na din siguro.Ewan ko ba,Para kasing di kumpleto ang buong araw ko kapag di ko sya naaasar.

"Wow naman,Hindi ka naman masyadong humble nyan sis.
Hahahah.Just kidding.Sayo naman talaga itong CK mall kaya teritoryo mo ito.Hello there Miss A._AKO.Agad kong kinawayan si Gari na medyo nahihiya pang tumingin sa akin.

"Pwede ba,Wag mo ngang inaasar yang si Gari.Mamaya dyan hindi na ko ulit samahan nyan mag shopping noh!Ano ba kasing ginagawa mo dito ha?_Maui.Nasa isang boutique sila na madali ko namang nalaman dahil sa mga cctv ng mall.

"Hindi ko naman inaasar,Kinakamusta ko lang.
Saka bakit mo nga pala basta nalang isinama si Miss Gari dito ha...Alam mo bang may mga meeting ang mga FA at mga Junior Pilot kanina?Absent tuloy sya._AKO.Kay Gari ako napatingin na nawala ang katarayan ng malamang anak ako ng may ari ng VAL.

"Ipinaalam ko sya kay Captain Romero kanina.Sya lang kasi yung kakilala kong pilot duon na naka duty.
Sya na daw ang bahalang magsabi sa head nila.
Teka nga,Sino ba ang pinunta mo dito? Don't tell me dahil lang sa di pag attend ni FA Gari sa meeting kaya ka nandito ngayon ha?_Maui.

"Hindi naman,Napadaan lang din ako sa malapit dito kaya dumiretso na ako sa office ni Nanay.Tapos ayun,Nakita ko kayo sa tv monitor nya kaya sinundan ko kayo.
Bawal ba?_AKO.

"Hindi naman,Nagtataka lang ako na nandito ka.Anyways, since nandito ka na din.Samahan mo na lang kami pumili ng dress para dito kay Gari.Kasi sabi ko,Ihahanap ko sya ng ka date._Maui.

"Maui Its okey,Okey lang naman na ako na ang mamili ng damit ko.Baka may gagawin pa si Captain._Gari.Sa wakas ay nagsalita din sya.

"No,Its okey!Wala akong gagawin kaya sasamahan ko na kayo.Saka after nating mamili,pwede ba tayong kumain na muna,Nagugutom na kasi ako eh._AKO.
Arte ko lang yun since kumain na muna kami ni Sky bago pa kami nag hiwalay sa pag uwi.

"Tara let go na,Mamili na tayo ng damit para sayo Gari.
Mas okey siguro kung itong blue dress ang isukat mo, bagay sa kaseksihan mo._Maui kay Gari.

"Porke paborito mong kulay gusto mo yun din ang piliin nya?Hayaan natin syang pumili ng gusto nya.Itong white dress mas bagay sayo Miss A,Lalo kang magmumukhang bata._AKO.

"Ayun,Kasi white ang favorite color kaya white dapat?
Isa kapa din AJ eh!hahahaha.Wag kang maniwala dyan, super baduy kaya ng taste nyan ni AJ.Puro white lang ang alam na kulay nyan.hahahha._Maui.Kami lang yung maingay na nagsa shopping kaya lahat ng mga nandun ay nakatingin sa amin.

"Wag na kayong mag away dahil may napili na ko.Teka lang at susukatin ko saka nyo sabihin kung bagay ba o hindi.
Wait lang ha._Gari.Siguro ay naiirita na sya sa kaingayan naming magkapatid kaya nagmadali na syang namili ng damit.

Siguro ay naiirita na sya sa kaingayan naming magkapatid kaya nagmadali na syang namili ng damit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napanganga na lang ako pagkakita ko sa kanya ng maisukat nya na yung damit na napili nya.Hindi lang pala sya maganda magdala ng uniporme nya kundi kahit na anong damit na isuot nya ay bagay sa kanya.

"Ayan!Ang ganda...Bagay na bagay sayo Gari.Ang galing mo mamili ah! Pati tuloy itong kambal ko ay muntik ng tumulo ang laway pagkakita sayo.hahahaha._Maui.Saka sila sabay napatingin sa akin.Huling huli nga na tutok na tutok ako sa kanya.Bahagya tuloy syang natawa.

"Parang hindi naman nagandahan si Kapitan.Walang comment eh.Iba na lang ang bibilhin ko._Gari.

"No!Bagay na bagay sayo yang suot mo.Na starstruck lang siguro ako kaya hindi nakapag react kaaagad._AKO.

"Hhahaha.Ang sabihin mo,Gutom kana kasi kaya nagmamadali ka ng makatapos kami sa pagsa shopping namin.Pero for me, bagay sayo yan Gari kaya wag ka ng magpatumpik tumpik pa at ipabalot mo na yan._Maui.Ngumiti lang si Gari at saka bumalik na sa loob ng bihisan para magpalit.

"Saan mo ba gustong kumain ha AJ?Magpapa salon pa kami after this eh._Maui.Naglalakad na kami papunta sa Food alley.

"Gusto ko sana ng mainit at maasim na sabaw,Saan ba pwedeng makakain nun?_AKO.Mas kay Gari ako nag i expect ng sagot.Gusto kong malaman kung ano ba ang mga trip nyang kinakainan.

"Ahhh,Sinigang yan.Isda ba or pork?pwede ding hipon. May alam kabang masarap na makakainan ng sinigang ha Gari?_Maui.

"Uhmmm,Hindi ako sure pero ang alam ko lang na masarap at mainit na sabaw ng sinigang ay yung unli sabaw ng Mang Inasal.Pero syempre sa aming mga jologs lang masarap yun for sure kasi iba naman ang taste nyo kaysa sa amin._Gari.

"Mang Inasal? Teka meron ba dito nun?Parang gusto ko ding kumain dun at nang makahigop ng sabaw ng sinigang.
_AKO.Saka ako lumapit sa isa sa mga bodyguard namin para sya ang magtanong kung saan nakapwesto ang Mang Inasal na kainan.

"Parang may idea na ko sa sinasabi mo Gari.Dun ba yun sa unli rice din? Palagi ko nga yung nadidinig sa mga estudyanteng kasabay ko nuon sa gym.Panay daw kasi ang INASAL nila kaya sila tumataba.Parang type ko ding magpaka busog ngayon kaya tara na guys!_Maui.

"Tama,Yun na nga yun.Sa aming mga mahilig mag window shopping sa mall,kapag nakatapos na kami mamili at sa sobrang gutom namin,Dun kami nagpupunta ng mga ate ko.Mahilig din kasi silang kumain gaya ko eh._Gari.

"Sige lets go na.Alam na ni kuya Mario kung saan yun nakapwesto.Basta gusto ko ng mainit na sabaw kaya kahit saan pa yan,Kakain ako._AKO.Wala akong idea na may ganung fastfood na nag i exist pala.Na may Unli rice at unli soup pala hanggang sa ikaw na ang sumuko at umayaw.

Nagulat ako na madami palang tao na kumakain sa ganung fastfood.Yung tipong sa dami nyo,Hindi kana ma accomodate ng staff nila sa pwesto na gusto mo.
Pero masaya na din at mai experience ko ang ganitong klase ng mga kainan dahil kay Gari.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon