Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kapag hindi ako naka duty at wala akong scheduled flight ng dalawang araw,Madalas kong paalam kina Tatay at Nanay na tatambay lang sa rest house namin sa BATANGAS. Pero lingid sa kaalaman nila, Paborito kong ginagawa kapag bakante ako ay mag PARAGLIDING. Hobby na hindi sinasadyang matutunan ko nuon nagsisimula pa lang ako sa pag aaral magpalipad ng eroplano.
"Captain! Tamang tama ang dating mo,Naka set na yung grupo natin. Ikaw na lang ang inaantay!_Captain Herrera.Nasa thirties pa lang si Captain Rick at mahilig sa sports.Kahawig sya ni Dereck Ramsey. Na meet ko lang sya nuon sa isang pagtitipon ng mga piloto at sya din ang nagsali sa akin sa grupo nila.
"Okey po Captain,Ihahanda ko lang po yung mga gamit ko.Pasensya na at medyo nahuli ako.Malayo din po pala kasi itong lugar kaya naligaw ako ng daan._AKO.Since hindi naman kasi ako gala,Kaya kahit gumamit na ako ng ways,naligaw pa din ako sa pupuntahan.
"Hahahaha.Ganyan talaga ang mayayaman.Hindi sanay bumyahe ng walang driver.Wag kang mag alala,Understanding naman ang grupo kaya walang problema kahit late ka.Sige,Kita na lang tayo dun sa spot natin later._Captain Herrera.Saka ako mabilis na dumiretso sa area kung saan may mga nag aantay na sa akin para i assist ako mga gamit ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Paraglider,Harness at reserved parachute.Simple lang ang kailangan para makalipad ka na hindi nakasakay sa eroplano.Ang kagandahan pa sa sports na ito,Madami kang kasama habang lumipad ka sa ere.Dito lang sa CAVITE ang location kaya malapit lang sa Manila.Nakaka aliw pang pag masdan ang ibat ibang kulay ng parachute kapag nasa himpapawid.
"AJ anak,Saan ka ba nagsusuot at palagi ka na lang umaalis ng bahay? Hindi ka naman dating mahilig gumala ah.Sigurado ka bang hindi babae yang pinupuntahan mo kaya hindi mo sinasabi sa amin kung saan ka nagpupunta?_Nanay Sally.Bungad na tanong nya kaagad sa akin pagbaba ko pa lang ng sasakyan.Siguradong nalaman na nila ni tatay na hindi talaga ako sa Batangas nag i stay gaya ng paalam ko palagi sa kanila.
"Hello sa maganda kong Nanay.Namiss po kita.Sa loob na lang po tayo mag usap Nay.Medyo dyahe naman sa mga kasambahay na ang laki ko na tapos pinagagalitan mo pa ko._AKO.Mabilis ko syang inakay papasok sa loob ng bahay at saka ko sya ipa upo sa sofa sa may recieving area.
"Anak naman kasi,Bakit kailangan mo kaming paglihiman ng Tatay mo ha? Hindi mo ba alam na nag alala kami masyado ng malaman namin na wala ka pala sa Batangas?Naku,Agad na kinontak ng tatay mo si Sky.Tinanong kung saan ka naglalagi.Ang sabi naman ni Sky,Hindi nya din alam kung nasaan ka.Aba naman anak,Baka naman gusto mo kaming balitaan kung ano yang sikreto mo ha?_Nanay Sally.May biglaang meeting kasi si Tatay kaya wala sya ngayon sa bahay.Na ikinatuwa ko naman dahil mas mahirap kapag dalawa silang naninermon sa akin.
"Nanay,Mag relax ka po muna.Chill chill lang po.Hindi ko naman sinasadyang maglihim sa inyo ni Tatay.Nagkataon lang na hindi pa naman po ako kasi ako regular dun sa sinalihan kong sport kaya hindi ko na muna ibinalita sa inyo.Nag aral po kasi ako ng PARAGLIDING and after kong matuto,na hook na po ako sa sports na yun masyado.Sorry po Nay._AKO. Yumakap ako sa kanya bilang paglalambing at paghingi na din ng tawad sa di ko kaagad pagsasabi ng tapat.
"Paragliding? Yun ang sport na pinagkaka abalahan mo ngayon? Anak,Hindi kapa ba nagsasawa ng kakapalipad sa ere nyan?Pati ba naman hobby mo,Kailangan sa ere pa din?Aba'y nakakapagtaka lang kasi na ayaw na ayaw mo kapag niyayaya ka ng Tatay mo mag golf dahil kamo ayaw mong mainitan,Pero ngayon naman ay mas madali kang mangitim dyan sa bago mong pinagkaka abalahan ah!_Nanay Sally.This time hindi na pagalit ang tono nya.Siguradong nahimasmasan na sya sa paliwanag ko.
"Kaya nga po ayaw ko na munang sabihin kay Tatay.Siguradong magtatampo yun sa akin dahil ayaw ko syang sinasamahan sa pag go golf nya tapos mas mainit pa nga itong sports na sinalihan ko.Sabi ko kasi,Kapag nag exhibition na kami sa ere ng mga ka grupo ko,Saka ko kayo susurpresahin na lang na imbitahan.Sorry po talaga Nanay._AKO.
"Naku anak,Talagang magtatampo yun sayo.Pero ganun pa man,Wala naman kaming magagawa kung yan ang nakahiligan mong sport eh.Basta sa susunod lang sana anak,Magsabi ka ng maaga.Pati nga daw mga bodyguards mo,Hindi mo isinasama kapag umaalis ka.Isa pa yun sa ikinababahala namin ng tatay mo.Anak,Kaligtasan mo ang pinaka mahalaga.Mas mapapanatag kami ng Tatay mo kapag alam naming may kasama ka._Nanay Sally.Si Nanay Sally yung tipo ng nanay na malumanay magsalita pero tatamaan ka talaga sa puso.Kaya naman ayaw na ayaw namin syang bininigyan ng ikasasama nya ng loob.Kahit si Maui ay ilag na ilag ding mapapagalitan ng Nanay,Kasi ramdam na ramdam namin kapag nasasaktan sya.
"Wow naman,Sosyal ng hobby ni Brother ha.Paragliding!Kaya naman pala panay ang pahid mo ng sunblock kasi takot na takot kang mangitim. Hahahaha.Goodluck na lang sayo,Kasi baka mamaya nyan sa kakapalipad mo sa ere magmistulan ka ng negrito at hindi ka na namin makilala._Maui. As usual,Naghahanap na naman sya ng ipag aalaska nya sa akin.Kasi naman sya ang reyna ng pabebe kaya ayaw nyang magpapatalo.
"Dont worry my dear pabebe sister,Kumpleto ako sa gear at mga pangontra sa init stuff kaya hindi ako basta basta magiging negrito. At saka if ever na umitim man ako,Atlis umitim dahil sa pagpapalipad pa din.Di gaya ng iba dyan na umiitim kakaligo sa dagat na wala namang katuturan.hahahahha._AKO.Bukod kasi sa pagpunta punta sa BAR para gumimik,mahilig din sya sa beach para lang magpa cute sa mga boylet.
"Wow naman,Hiyang hiya naman ako sa sports na sinasabi mo.Hello! Para namang hindi din pampalipas oras lang din yang pinag gagagawa mo diba,Kasi naman wala kang lovelife kaya inuubos mo na lang yang oras mo sa ere mag isa.hahahahahah._Maui.May point naman si Maui duon. Isang paraan din yun ng paglilibang at pampalipas oras.Kasi nga ay wala naman talaga akong ibang pwedeng gawin.
"Kayong dalawa talaga,Kapag nagkasalubong.Hindi pwedeng di magtatalo.Hay naku,tama na nga yan at tayo ng mag dinner.Siguradong mamaya pa uuwi ang Tatay nyo dahil may kailangan pa syang hintaying ka business deal.Alam nyo naman ang tatay nyo,Hindi titigil hangga't hindi nagkaka sakit.Subsob palagi sa trabaho._Nanay Sally.Nagkatinginan na lang kami ni Maui at saka sabay na umakbay kay Nanay papasok ng dinning room.Alam naming magkapatid na pareho sila ng Tatay na sobrang dedicated sa trabaho nila.Maging si Nanay Sally din naman ay focus sa kanyang ginagawang pagma manage sa CK mall.
Pagdating sa pagpapatakbo ng kumpanya,Hats off kaming magkapatid sa kanilang dalawa.Kaya naman kapag tungkol sa pagiging loyal sa trabaho, Hindi na kami maka hirit pa.Kasi naman,Napakarami pa naming bigas na kakainin para marating namin ang mga narating nila.