77.GARI

778 30 1
                                    

Walang pagsidlan ang tuwa ko ng magplano si AJ ng isang engrandeng bakasyon para sa aming buong pamilya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Walang pagsidlan ang tuwa ko ng magplano si AJ ng isang engrandeng bakasyon para sa aming buong pamilya.
Maging ang Tiya Bering at si Berta ay kasama din namin sa pagbabakasyon sa Thailand.

"Ang sosyal naman nitong eroplano na ito Gari.Parang pang mayaman lang itong sinakyan natin ah.May kanya kanya pang telebisyon sa upuan.
Pero nakakatakot pa din talaga.Hindi ako makatingin sa labas ng bintana.Ay teka,Wag mong sabihing kina AJ din itong eroplano na ito?_Tiya Bering.First time nya lang makasakay ng eroplano kaya bakas sa kanya ang kasiyahan at kaunting takot.

"Tiya,Mag relax ka lang po.Sandali lang naman ang byahe pa Bangkok kaya wala kang dapat ikabahala.At Opo tama kayo,Kina AJ nga po pala itong eroplano na sinasakyan natin.Pero may bayad po ang pagsakay natin dito.Hindi po libre._AKO.Maging sina Inang ay natatawa kay Tiya.

"Naku,Siguradong mahal ang bayad natin dito.
Nakakahiya naman sa kanya._Tiya Bering.

"Wag po kayong mag alala Tiya Bering,Ikakaltas daw po iyan sa allowance nyo.hahahaha._Ate Marie.
Katabi nya naman sa upuan si Doc.Ayen.

"Wag kayong masyadong maingay at nakaka abala kayo sa iba pang pasahero.Ang mabuti pa ay magsi idlip na muna kayo para mamaya ay may energy kayo sa pamamasyal natin.
_Ate Issay.Sila naman ng asawa nya na si Ate Shin ang sumagot sa hotel na tutuluyan namin.

"Mabuti pa nga para naman hindi ako makaramdam ng takot habang nasa ere.Dyosko po,Sana ay makarating kami ng safe sa aming destinasyon._Tiya Bering.
Kami kasi ng Inang ang magkatabi sa upuan at tahimik lang kaming nag uusap di gaya ni Tiya Bering na malakas ang boses dahil sa nerbiyos.

"Kamusta naman kayo ni Aj anak?Hindi ka ba naman nya sinasabihang wag masyadong focus sa trabaho?Para kasing wala na kayong masyadong panahon sa isat isa dahil lagi kayong naka duty.Baka naman magtampo na yun sa iyo kakatrabaho mo?_Inang.

"Wag po kayong mag alala Inang,Hindi naman po kami nagkukulang sa isat isa kahit pareho kaming naka focus sa work.We see to it pa din naman po na kapag bakante at wala kaming schedule ay magkasama kaming dalawa._AKO

"Mabuti naman kung ganun.Pero hindi ka din dapat magpaka kampante.Iba pa din kapag mas malaki ang time nyong dalawa sa isat isa kaysa sa trabaho.Baka sa sobrang busy nyo ay di nyo na namamalayang hindi na pala kayo bumabata.Mabuti pa si Maui at Zee,May baby na ngayon.
Kayo ba ay wala pang balak dalawa?_Inang.Alam ko naman kung gano kasabik si Inang na magka apo na.

"Inang,Darating din po tayo dyan.Kaya nga lang po ay parehas po kami ni AJ na masyadong dedicated sa mga trabaho namin sa ngayon kaya wala pa po sa plano namin ang pagpapakasal at ang pagkakaroon ng baby._AKO. Saka ko muli na namang naalala ang ginawa kong pagpo prose kay AJ nuon.

Ilang saglit pa ay lumapag na ang eroplano kaya naman kaagad na kaming nagsipagbaba.Susunod na lang kasisi AJ sa amin dahil mang gagaling pa sya sa HK.May naka abang na sa aming Van para ihatid kami sa hotel na tutuluyan namin.

May naka abang na sa aming Van para ihatid kami sa hotel na tutuluyan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Inang,Tiya at Berta,Dito po kayo sa room na ito mag i stay.Mas malaki po ito kaysa sa mga kwarto namin para malaki ang space nyo sa pag kilos.Kapag po may kailangan kayo,Tawagan nyo lang po kami kaagad._Ate Issay. Magkakaiba kasi kami ng mga room lahat at kami ni AJ ang magkasama sa isang kwarto.

"Dito na muna ako ako mag i stay sa room nila Inang  habang wala pa si AJ ate.Sasamahan ko na muna sina Inang.Mamaya na ako lilipat sa room ko._AKO.Lumabas na sila Ate Issay at Ate Marie kaya kami kami na lang ang naiwan sa kwarto.

"Loook Ate Gari,Ang ganda ng view dito oh!Parang sa Makati na matataas din ang building.Bukas ba ng umaga na tayo mag gagala ate?_Berta.Gusto daw kasi nya sanang maglakad lakad mamayang gabi sa downtown at kumain ng streetfoods.

"Di ko pa sure kung what time darating ang Ate AJ mo eh.
Kapag hindi sya ginabi masyado,Maglalakad lakad tayo sa labas mamaya.Pero sa ngayon,Ayusin mo na muna yung mga damit mong nakakalat.Kababae mong tao napaka kalat mo._AKO.Pero sa totoo lang,Maaasahan si Berta sa bahay.
Bukod sa masipag sya ay marunong syang magkusa. Matalino din sya sa eskwela kaya alam kong may mararating sya sa buhay pagkatapos nya ng kolehiyo.

"Talagang pasaway yang si Berta eh.Pagalitan mo nga yan Gari.Panay na ang sermon ko pero matigas pa din ang ulo at nag shift na naman ng course nya.Gusto naman daw ngayong mag sundalo!_Tiya Bering.Napalingon ako sa kanya

"Berta? Anong gusto mong magsundalo ha? Hindi bat napag usapan na natin na tatapusin mo na yung management course mo? Last year mo na duon hindi ba?_AKO

"Ate Gari,Tatapusin ko naman yung management course ko eh.Pero gusto kong mag sundalo kaya pagka graduate ko sa Business course ko dun na ko dideretso._Berta.

"Teka,Bakit bigla mo namang naisipan yang pagsusundalo ha? Anong meron duon at gusto mong maging bayani ng bayan ata?_AKO

"Exactly ate!Gusto ko talagang makatulong sa bayan.
Naisip ko kasi na ang dami ng gusto mag teacher,Mag pari,maging politician.Mas kailangan natin ng mga tagapagtanggol sa bayan kaya gusto ko sanang dun ako mag focus after kong maka graduate._Berta.

"Kita mo na yang pinsan mo na yan ha Gari.Sino ba namang nanay ang di sasakit ang ulo kapag ganyan katigas ang ulo ng anak ha? Ang dami daming pwedeng pasukan,tapos sundalo pa ang gusto._Tiya Bering.

"Bering,Hayaan mo na ang anak mo sa gusto nya.Mas mahirap kapag ipinilit mo sya sa trabahong ayaw nya hindi ba? Kahit naman ikaw nuon ay ganyan din katigas ang ulo.Ang sabi ko ay mag teacher ka pero mas pinili mong mag abroad at duon magtrabaho.Hayaan mo si Berta kung saan sya mas magiging masaya._Inang.Wala ng nagawa pa ang tiya dahil si Inang na mismo ang nag apruba.

Kahit ako man ay ayaw din sanang magsundalo si Berta.
Ipapasok ko sana sya sa Val after nyang maka graduate.
Pero mas maige na din na hindi sya sa Val mag work para walang masabi ang iba na porke nobyo ko ang anak ng may ari ay madali ko na lang syang maipapasok duon.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon