Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isang text messages ang natanggap ko ngayon araw mula kay Doc.Ayen Soriano.Isang mensahe ng paghingi ng tawad. Isang mahabang mensahe na nag lalaman ng totoong nangyari.Kaya naman bigla akong na guilty sa pagiging mapagmatigas ko kay Aloha after kong mabasa ang text.
"Miss Gari,Good afternoon po.Mayroon daw po kayong delivery.Iaaccept ko na po ba or kayo na lang ang lalabas?_ FA Mira.
"Delivery? Parang wala naman akong inaasahang padala ngayon.Sige Mira,Palabas na kamo ako.Pahintay lang sandali kamo._AKO.Agad namang isinara ni Mira ang pintuan at saka ko saglit na iniligpit ang mesa ko.
"Good afternoon po Mam! Kayo po ba si Miss Margarita Asuncion ng FA department?_Delivery boy.Naka sumbrero sya ng kulay asul at naka jumper din ng kulay blue. May nakasulat na FLOWER FRESH dun sa logo ng patch nya
"Yes,Ako nga si Miss Asuncion.Para po saan yang idedeliver nyo kuya? At kanino daw po galing?_AKO.
"Ipina deliver lang po yan Madam.Kayo na lang po ang bahalang mag confirm.Nakasulat po sa sobre yung pangalan nung nagpadala.Paki sign na lang po dito._Kuya Deliveryboy.Iniabot nya sa akin yung papel na pipirmahan ko at saka nila ipinasok yung dinilever nila.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mistulang flower shop ang loob ng FA room sa dami ng mga ipinadalang bulaklak ni ALOHA sa akin.Naiyak pa ako ng bahagya pagkabasa ko sa note na "IM SORRY" Please forgive me na nakasulat dun sa card na huling inabot sa akin nung nag deliver.
"Ohhhh my gaaaad!Grabe naman sa dami ng flowers,Ang gaganda!_Gold.Saka sya lumapit sa akin at inabutan ako ng tissue paper.
"Miss Gari,Ang bongga naman ng manliligaw mo.Kung ganyang ang manliligaw sa akin,Sasagutin ko na kaagad!_FA Jed.
"Hahahaha. Actually,Sinagot nya naman na talaga yung manliligaw nya.Baka wedding proposal na yan kaya ganyan ka bongga!hahahha._Gold.Pinandilatan ko naman sya at saka sinenyasang wag maingay.
"Nakakainggit naman!Sana ALL! Kelan kaya ako magkakaroon ng boyfriend na kagaya ng kay Miss Gari? Haaaist! Kahit isang bouquet lang okey na ko eh._Miss Mira.
"Papano ka namang bibigyan ng bouquet eh halos lahat na lang ng makita mong gwapo,nilalandi mo.Sinong magsi seryoso nyan sayo noh?_FA Joed.Natawa naman kami ni Gild sa kanya.
"Tse! Inggit ka lang kasi pwede pa din akong maglandi. Ikaw kasi hindi na.hahahaha._Mira. Tumingin naman si Jed sa kanya at saka kumindat.
"Naku,Papano mo naman iuuwing lahat yan Gari? Isasakay mo ba sa bus yang lahat ng yan?_Gold.
"Naku hindi naman.Iiwan ko na lang yan dito.Hahayaan ko hanggang sa malanta.Dadalhin ko lang yung tatlong bouquet at ibibigay ko kay Inang at kay Tiya Bering.Yung isa lang ang itatago ko sa kwarto ko._AKO.Sa sobrang dami naman kasi ng mga bulaklak ay hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"So pupwede din akong mag uwi ng isang bouquet? Iinggitin ko lang yung asawa ko.Para magka idea naman sya na mahilig din naman ako sa bulaklak at hindi puro chicharong bulaklak lang ang gusto ko._Gold.
"Hahahaha.Humuhugot ka na naman dyan.Sige na,Pumili kana dyan ng gusto mo at iuwi mo sa inyo.Bigyan mo na din yung mommy mo para matuwa naman sya sayo._AKO.Piniktyuran ko na muna lahat ng mga bulaklak na padala ni AJ at saka ko sila pinakuha ng bulaklak na gusto nila.Pati nga sina Jed at Joed ay nakikuha na din.
Umuwi ako ng Bulacan na may bitbit na tatlong bouquet ng mga bulaklak.Natuwa naman si Inang at Tiya Bering ng iaabot ko sa kanila yung mga rosas.Nagmano muna ako sa kanila bago pumasok sa kwarto ko para magpalit ng damit. Kumuha din ako ng base para paglagyan ng mga pulang rosas at itinabi ko sa may bandang malapit sa kama ko.
"Anak,Gari.Bakit kaya hindi na masyadong tumatawag at nangangamusta si captain AJ sa Inang mo? May problema ba sa kumpanya nyo ngayon?_Tiya Bering.Bumulong lang sya sa akin para di madinig ng Inang.
"Siguro po ay busy lang sya ngayon dahil sa sunod sunod na flight schedule nya.Ang alam ko po ay maayos naman ang takbo ng kumpanya at walang problema.Hindi na po ba sya tumawag kay Inang since monday?_AKO.Sabado kasi nun ng mag away kami kaya malamang na nahiya syang makipag usap kay Inang dahil nga hindi kami in goodterms.
"Baka nga.Halika na duon sa kusina at tikman mo yung ginawa kong sumang kamoteng kahoy.Naku,Pagkasarap sarap ng ginawa ko.Kahit nga ang Inang mo ay nagustuhan din at naka dalawang balot sya._Tiya Bering.
"Sige po Tiya Bering,Miss ko na nga din po ang luto nyo eh.Si Berta nga po pala,Kamusta ang pag aaral?_AKO. Hinahanap ko kasi sya pagdating pa lang pero hindi ko sya nakita.
"Naku,Isa pa yung busyng busy din!Palaging nasa kwarto lang at palaging may kausap sa telepono.Ewan ko ba sa batang yun kung anong kalokohan ang pinag gagagawa.Kausapin mo nga mamaya pagdating._Tiya Bering.
"Ate Gari! Andyan kana pala!_Berta.Kaagad nya akong hinila sa isang sulok at saka nagpalinga linga muna.
"Teka,Ano ba yang para ka namang may ginawang krimen sa inaasal mo ha? Bakit sabi ng Tiyang,Palagi ka daw may kausap sa telepono at laging nasa loob lang ng kwarto? Hindi mo tinutulungan sina Tiyang at Inang sa gawaing bahay?_AKO
"Ate,Relax ka lang.Hindi ako puro sa telepono lang. May mga duty din ako dito sa bahay syempre.Bago ako humawak ng gadget,Tinatapos ko muna lahat ng gawian at assignment ko.Kaya nga lang kasi,Hindi ako pupwedeng madinig nila Nanay at Tiya na may kausap ako.Confidential lang syempre._Berta.
"Anong confidential at sino ba yang palagi mong kinakausap?Dont tell me may boyfriend kana ha? Hindi kapa tapos ng pag aaral mo._AKO
"Ate naman,Boyfriend ka dyan.Hindi.Wala akong boyfriend noh!Si Kapitan ang palagi kong kausap.Kasi nga ang dami nyang tinatanong sa akin.Kung ayos lang daw ba si Tiya. Kung ayos ka lang din daw ba.Kamusta ka daw kapag nandito ka.Saka puro ikaw ang topic namin palagi._Berta
"Talaga? Si Aj ang kausap mo palagi dahil sayo sya nangangamusta about Inang? Bakit daw hindi sya mismo ang mangumusta kay Inang at ikaw ang kinakausap nya?_AKO
"Kasi nga nahihiya daw syang humarap kay Tiya.Galit na galit ka daw kasi sa kanya dahil nakita mo syang may kayakap na iba,Pero hindi mo nga lang daw sya binigyan ng chance makapag paliwanag.Pero hindi ka naman nya sinisisi.Naiintindihan ka daw nya._Berta.After kong mabasa ang text ni Doc Ayen sa akin,Saka ko narealize na napaka close minded ko pala.Mas inuna ko ang "PAGSESELOS at hindi ko manlang pinakinggan ang paliwanag nya.