Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Unforgetable para sa akin ang naganap na lunch namin together ni Gari.Kasi naman ay nakita ko din ang other side nya at hindi lang yung pagsusunget nya. At ipinakita ko din naman sa kanya na hindi ako kagaya ng ibang anak mayaman na pasosyal at choosey sa lugar na kakainan.
"Hello Nanay,I just want you to meet my friend here... Si Gari.Im sure kilalang kilala mo sya dahil sya lang naman ang pinaka magaling na FA ng VAL diba?_Maui. Nag promise kasi si Maui na dadaan muna kay Nanay bago umuwi kaya sumama na din ako.
"Ofcourse I remember her! Kamusta ka naman iha? Hindi nga ako makapaniwala sa sinasabi nitong anak kong si Maui na close nga daw kayo,Kaya ngayon ay talagang naniniwala na akong talaga dahil kasama ka nila. Kamusta naman ang pagsa shopping nyo,Madami ba kayong napamili ha?_Nanay Sally.
"Good afternoon po Madam.Nice to see you again po. Nag enjoy naman po ako sa pagsa shopping.Masaya po kasama itong si Maui at nakaka aliw silang magkapatid lalo na kapag nag aasaran.Para po silang mga bata._Gari.
"Hahahaha.Naku ganyan talaga ang mga batang yan. Palaging nag aasaran.Lalo na yang si Aloha,Walang araw na hindi nya inaasar yang kapatid nya.Kaya yung isa naman inis na inis sa kanya._Nanay Sally.
"Actually po,Mapang asar pong talaga si Captain Aloha. Isa din po kasi ako sa madalas na biktima nya eh. As in hindi po sya titigil hangga't hindi na nasisira ang araw ko.Ganun po._Gari.Napakamot naman ako ng batok.
"Talaga? As in palagi ka din nyang inaasar? Wow ha! Ngayon ko lang nadinig yan alam mo ba Gari.Kasi ako lang talaga sa buong mundo ang gustong gustong inaasar nyan eh.Pero hindi ko alam na pati pala ikaw din.Uhmmmm... _Maui.Yung tingin nya sa akin na nang aasar din
"Ano bang nakakagulat dun Maui,Obvious naman na mapang alaska talaga yang si Captain AJ diba? Ewan ko lang kung hindi ka masiraan ng ulo kapag sya ang kasama mo sa flight.Super pasaway talaga._Gari.
"Well,Hindi kasi yun ang pagkakakilala ko sa kanya before.Ang alam ko lang kasi kapag nasa work yan,Masyadong formal at seryoso.At kahit na palabati sya sa mga ka work nya,Hindi pa din yan mahilig mangulit at mang asar. Kasi nga ayaw nyang may masasabi sa kanya ang mga taga VAL.Baka daw kasi hindi sya irespeto kapag hindi sya nag seryoso.Kaya nakakapagtaka na nangungulit pala sya sayo palagi kahit nasa trabaho kayo._Maui.
"Depende siguro sa kakulitan.Mukha naman kasing masayahin din itong si FA Gari eh.Tama ba ko Miss Gari?_Nanay Sally.
"Naku Nanay,Ang suplada po kaya ni Miss A. Kaya ang sarap nyang asarin kasi ang bilis nyang mapikon.Saka mas maganda sya kapag nagtataray,Parang mas lumalabas yung natural nyang ganda.Tama ba ko Miss A?_AKO.
"Hahahahha.Gandang ganda ka kay Gari ha,Kambal! Sabagay,Totoo namang maganda yang si Gari.Saka maswerte ang magiging kasintahan nyan kasi nga NBSB pa sya. _Maui.Napalingon ako kay Gari na bahagya pang namula pagka banggit ng NBSB ni Maui.
"NBSB as in No boyfriend since birth?Seryoso ba yan? Bihira na ngayon ang babaeng NBSB ah.Lahat halos ay may mga ka partner na in life kahit na nasa High School pa lang._AKO
"Excuse me,At sayo pa talaga nang galing yan ha,AJ? Para namang ikaw hindi? NGSB ka din naman ah! Saka ibahain mo si Gari kasi masyado syang mapagmahal sa magulang,Kaya mas priority nya ang Inang nya bago ang lahat.Diba Gari?_Maui.
"Actually,Totoo po yung sinabi ni Maui.Never pa po akong nagkaroon ng nobyo eversince.Mas naka focus po kasi ako sa trabaho at sa Inang ko.Nag iisa na lang po kasi sya sa bahay kaya mas gusto ko pong palagi ko syang nakakasama._Gari.Totoo pala yung nabalitaan ko na sobrang mapagmahal na anak si Gari sa mother nya.
"Ganun ba?Kaya naman pala. Napaka swerte ng magulang mo sa pagkakaroon ng mabait at mapagmahal na anak gaya mo.Tama si Maui,Maswerte ang lalaking mamahalin mo,Kasi'y nakapa responsable mong anak at mabuting bata.Pero solo ka lang bang anak iha?_Nanay Sally.
"May dalawa pa po akong nakatatandang kapatid.Pareho pa po silang wala pang asawa kaya lang ay may sarili na silang tirahan malapit sa mga pinapasukan nila.Kaya ako na lang ang mag isang nakakasama ng Inang ko sa bahay.May mga kasama naman po kaming mga kamag anak duon pero mas makakampante po ako kapag palagi kong nakikita ang Inang ko kaya hindi po ako naghanap ng matitirahan na malapit sa opisina ng Val._Gari.
"Dapat pala,Ihanap na talaga kita ng makaka date mo.Baka kasi magaya ka sa mga ate mo na sa sobrang nalibang sa pagta trabaho kaya nakalimutan ng magsipag asawa. Sayang naman ang beauty mo kung ibuburo mo lang yan sa bahay nyo diba?_Maui.
"Hahahaha.Ayos lang naman ako.Kung may dumating e di tatanggapin ko.Pero kung wala,Okey lang naman din kasi nga mas priority ko talaga ang Inang ko bago ang lahat. Saka hindi naman ako nagmamadali.Alam kong kusa yang darating kapag ibinigay ng Diyos.Parang kayo ni Zee. Talagang meant to be._Gari.
"Syanga naman Maui,Hayaan na muna natin si Miss A na i enjoy ang pagiging single nya.Ang sarap kaya ng single lang,Walang bawal at saka walang sakit ng ulo diba tama Miss A?_AKO
"OO na nga,Tama na kung tama.Kahit kelan talaga toh si kontra.Nanay look!Hindi manlang kami tinirhan ng makakain.Inubos lahat ng fruits na pinahanda mo._ Maui.Saka ko lang din narealize na oonga,Naubos ko lahat ng prutas na nasa mesa kakapakinig sa mga kwentong buhay nila.
"Hahahha.Hayaan mo na anak,Magpapakuha na lang ako ulit. Masyado kasi tayong nalibang sa pag uusap.Masaya ako na nandito ka Miss Gari,Sana ay wag kang madadala sa paanyaya ng mga anak ko sayo.Sa totoo lang,Kahit nuon pa ay magaan na talaga ang loob ko sayo.At natutuwa ako na kasundo mo din ang mga anak ko._Nanay Sally.
Kahit ako man ay ganun din kagaan ang kalooban kay Gari mula pa ng una ko syang makita.Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang saya ko kapag nakikita ko sya at nakakausap.Posible kayang magka gusto ako sa isang mataray na FA ko?