78.ALOHA

779 30 4
                                    

Enjoy na enjoy si Gari sa pamamasyal namin dito sa Thailand

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Enjoy na enjoy si Gari sa pamamasyal namin dito sa Thailand.Maging ang sikat na beach nila ay hindi namin nakaligtaang puntahan kahit na may kalayuan din mula sa Bangkok.Kahit ang Inang at ang mga kapatid nya ay masayang masaya din sa family outing na inorganize ko.

"Kapitan,Salamat ha. Kundi dahil sa tulong mo,hindi kami magiging ganito kasaya ngayon.Pati na din sa pagmamahal at pag aalaga mo sa bunso namin.Malaki ang nabago sa kanya mula ng maging magkasintahan kayo.Hindi na sya gaanong nagsusungit at istrikta gaya nuon._Ate Marie.
Tinabihan nya ako sa upuan habang nakatingin lang kaming dalawa kina Gari na masayang nagpipicture sa boat na sinasakyan namin.

"Ate,Wala yun.Actually ako yung super thankful sa inyo dahil sa pagtanggap nyo sa akin bilang kapamilya nyo eh.
Eversince na nakilala ko kayong lahat,Mainit at walang halong kaplastikan ang pagtanggap at pakikitungo nyo sa akin.Kaya naman mas lalo pa akong napamahal kay Gari dahil napakabuti nyong lahat sa akin._AKO.

"Pero nakakabilib ka din naman talaga.Kahit na iba ang estado mo sa buhay,Very humble at napaka down to earth mo kasi.Kaya naman wala kaming masabi sayo.At gaya nga ng palagi kong sinasabi sayo,Ikaw na ang bahala sa kapatid namin ha.Kahit na mataray yan at istrikta,Mabait at loyal yang kapatid ko.Ikaw lang ang nakapagpa lambot ng puso nyan.Kahit kaming mga ate nya ay ilag sa kanya kapag nagsalita yan._Ate Marie.
Inamin nga sa akin before ni Gari na hindi sya masalita sa mga ate nya,Pero nagagalit sya kapag di nila nadadalawa ng Inang nila ng matagal.Talaga daw lumalabas ang katarayan nya kapag ganun.

"Sa totoo lang Ate Marie,Kahit ako din naman before ay madalas makatikim ng pagtataray nya eh.
Lalo pa nung hindi nya pa alam na anak ako ng may ari ng VAL,Grabe sya sa akin magsunget.Pero ang talagang nasaktan ako ay nung madinig ko sa kanya na hindi daw sya magkaka gusto sa kapwa nya babae din.Mabuti na lang at binawi nya din yun sa bandang huli._AKO

"Hahahaha.Talaga ba?Sinabi nya yun sayo yun mismo ng harapan? Iba din talaga yang kapatid ko na yan noh.
Buti na lang pala at hindi ka madaling sumuko.
_Ate Marie.

"Sinabi mo pa ate,Hindi ko talaga sya sinukuan.
Grabe ang tama ko sa kanya eh.As in!
Basta unang beses ko pa lang syang nakita,Naramdaman ko ng iba ang dating nya sa akin kahit pa sabihing suplada talaga sya.Tapos after nun,Nagsimula na akong magparamdam.Tuwang tuwa ako kapag nakikita ko syang naiinis sa akin.Parang naging stress reliever ko na sya.
And believe it or not,Until now na magkasintahan na kami,Ganito pa din kalakas ang pagtibok ng puso ko para sa kanya._AKO.

"Wow naman,Wala akong masabi.Talaga nga yatang totoo ang sinasabi nilang gayuma,Mukhang nagayuma ka nyang sister ko eh.Obvious naman kasi na talagang in love na inlove ka sa kanya.Ano ba ang gayumang ginamit nya sayo at nabighani ka nya ng husto ha?_Ate Marie.Natawa na lang kami pareho sa biro niya.

"Hey!Anong gayuma yang pinag uusapan nyo ha?
Don't tell me nag aask ka ng gayuma kay AJ ate Marie para magkabalikan na kayo ni Doc Ayen anoh?_Gari.

"Hahahahaha.Kaloka!Ako ba talaga ang kailangan ng gayuma e ako nga itong nakipag break? Hindi gayuma ang pinag uusapan namin kundi RAYUMA! Kasi nag ask ako dito kay Kapitan kung ano ang gamot sa nananakit kong paa.Ano nga ba yung gamot na sinasabi mo Capt,Efficascent oil yun diba?_Ate Marie.Saka sya sumenyas sa akin na wag sabihin ang napag usapan namin.

"Hahahahha.Yes Ate Marie,yun nga yun.Pero ang sabi ko nga mas mabuti kung iinum ka ng gatas na with calcium para mas matibay ang buto._AKO.

"Ewan ko sa inyo,Halata namang iniba nyo lang ang usapan.Syanga pala Ate Marie,Tawag ka nga pala dun ng Ate Issay sa loob.Tulungan mo daw syang magkaliskis ng isda.hahahah._Gari.Kapag kasi trabahong pang kusina ay walang masyadong alam si Gari.

"Okey,Pasok na muna ako sa loob.Kapitan,Basta yung pinag usapan natin ha,saka na natin ituloy ulit._Ate Marie.
Nabanggit ko din kasi sa kanya na balak ko ng yayain si Gari na magpakasal bago matapos ang taon.

"Honey,Tumawag nga pala si Martha.Nanganak na daw si Katie sa Canada.Ang ganda ganda daw nung baby.Super cute saka ang puti puti.
_Gari.Kahit si Maui at Zee din naman ay malapit ng maging mga magulang.Nasa New York naman sila at kasama sina Nanay at Tatay duon.

"Really? Wow,Im sure super saya at proud na proud ang mag asawa sa baby nila.Grabe,Parang kelan lang noh tapos ngayon mga nanay at tatay na sila.Parang ang sarap sigiro sa pakiramdam kapag karga karga mo na yung baby mo tapos nakatingin din sya sayo.I cant imagine!_AKO.

"Uhmmm,Sa palagay ko mas lalo pang magiging masaya ang pagsasama nila Gucci at Katie dahil sa baby nila.Ibang klaseng blessing yun na hindi matutumbasan ng kahit na ano pang kayamanan sa mundo.Ilang araw na lang at pati sina Maui at Zee ay magbibiyayaan na din ng blessing at siguradong napakasaya din nila sa araw na yun._Gari

"Totoo yan honey.As in super excited na talaga sina Nanay at Tatay sa magiging apo nila.What more pa yung pakiramdam ni Maui at Zee,Im sure sobrang kabado at excited na silang dalawa sa baby.Kahit nga din ako ay nai excite na din syang makita at makarga eh._AKO
Actually,Susunod pa ako sa NY after makapanganak ni Maui.
May flight pa kasi ako sa day ng pagli labor nya kaya hindi ako makakabot.Hindi din naman makakasama si Gari dahil mayroon din syang trabaho sa araw na yun.

"Basta honey ha,Mag videocall ka kaagad kapag nandun kana sa NY para makita ko kaagad si baby.Ipagdarasal ko din ang maayos na panganganak ni Maui._Gari.
Mahigpit ko syang niyakap at saka hinalikan sa buhok nya.

Walang idea si Gari na nagsisimula na akong magplano ng paunti unti para sa wedding namin.Pero sa ngayon ay hindi na muna ako nagbabanggit sa kanya ng tungkol duon para masurpresa sya.Gusto ko na din kasing magka baby na kami as soon as possible para hindi naman nalalayo sa age ng anak nina Maui at Zee.

Gusto ko na din kasing magka baby na kami as soon as possible para hindi naman nalalayo sa age ng anak nina Maui at Zee

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon