45.GARI

712 33 4
                                    

May usapan kami ni Gold na sasabay ako sa kanya sa pag uwi,Kaya naman habang nag aantay sa opisina ay naupo na muna ako sa sofa at nagbrowse sa fone ko ng kung ano ano lang para hindi mainip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May usapan kami ni Gold na sasabay ako sa kanya sa pag uwi,Kaya naman habang nag aantay sa opisina ay naupo na muna ako sa sofa at nagbrowse sa fone ko ng kung ano ano lang para hindi mainip.Ito ang main office para mga pilot at mga senior FA na kagaya namin ni Gold.Bihirang tumambay dito ang mga Junior FA dahil nandito lahat ng mga nasa mataas na katungkulan sa Val.

Maya maya pa ay sunod sunod na sa pagpasok ang mga opisyales ng Val kaya naman medyo nahiya ako na dito ko pa napiling maghintay kay Gold.

"Miss Gari? Nandito kapa pala,Akala ko ay nakauwi kana sa inyo.May problema ba?_Capt.Serrano.Hindi ko din alam na darating sya ngayon kaya nagulat din ako sa pagsulpot nya

"Inaantay ko pa kasi si Gold,Sabay daw kaming uuwi kaya dito ko na lang sya inantay.Kayo din Captain,Bakit nandito kayo?_AKO.Sakto namang pagpasok din sa pintuan ni Capt.Aloha.Tumingin lang sya sa amin ni Eric at saka pumasok na sa opisina ng head na si Capt.Policarpio.

"Ganun ba? Pasensya na pero need ko ng pumasok sa loob.
Maiiwan na muna kita dyan ha Gari._Capt.Eric.Tumango tango naman ako kahit na may pagtataka.

"Good evening po sir Jaime.Mukhang may emergency meeting po yata kayo?_AKO. Maging si Capt.Mariano at si capt.Bernardo ay kasabay din ni Sir jaime ng dating.Bagay na mas pinagtataka ko dahil pati sina Aloha at Eric ay kasama din sa mga meeting with the officials.

"Miss Asuncion.Its nice to see you here.Uhmmmm...Nandito kaba para sumuporta sa dalawang piloto natin?
Well,Hindi naman ako magtataka na pag awayan ka ng dalawang makisig nating mga kapitan.Kasi naman ay napaka galing mong FA talaga.At napaka ganda din._Capt.Bernardo

"Hahahaha.Sang ayon ako sa sinabi mo dyan Kapitan.
May dahilan nga naman sila para magsapakan kung ganyan kaganda ang pag aagawan.Just kidding Miss Asuncion.Anyways,Maiwan ka na muna namin at baka nag uumpisa na ang meeting.Seeyah Miss Gari._Capt.Mariano.

"Sir Jaime,Ano po bang sinasabi nina Capt.Mariano? Ano pong nag aaway at sino po ba ang nagkasapakan daw?_AKO

"Mamaya na tayo mag usap Miss Gari.Kailangan ako duon sa loob.Wag kang mag alala,Hindi ka naman madadamay sa isyu kung sakali dahil wala ka namang alam duon kahit na ikaw ang dahilan ng pag aaway nilang dalawa._Sir Jaime.Tinapik nya ako sa balikat saka sya pumasok na din sa loob ng opisina ng head.

Imbis na makampante ay mas lalo pa akong naguluhan sa nadinig ko.Hindi ko tuloy alam kung aalis ba ako o mag aantay sa kung anong napag usapan nila duon sa loob.Para kasing napaka selan ng isyu dahil sa opisina pa ng pinaka mataas na opisyal ng Val sila kailangang mag meeting.

"Naku Gari,Pasensya na at nalate ako ng dating.Kasi naman ay nag inarte pa yung isang VIP namin.Mantakin mong may natapakan sa baba ng eroplanong bublegum.Ayun galit na galit.Kesyo mamahalin daw yung sapatos nya.
Bakit daw may chiklet dun sa daan,Madumi daw ang airport etc etc..._Gold.

"Gold,Parang hindi na muna ako makakauwi ngayon.Kasi naman ay may gusto pa akong i confirm.Para kasing ako yung pinaka ugat ng problema nila duon sa loob.According to Sir Jaime.Nagkasagutan daw yata sina Capt.Aloha at capt.Serrano ng dahil sa akin._AKO

"Really? As in sila yung nandun ngayo sa loob ng opisina  ng head? Dahil daw sayo kaya nag aaway yung dalawa? Ay inday,ang haba ng hair mo day! Ikaw na talaga ang reyna ng taon!_Gold.

"Seryoso nga.Andun sila ngayon.Pero nakakapagtaka naman yun dahil hindi naman ako gusto at nililigawan ni Capt.Aloha diba? Papano mangyayari na mag aaway sila dahil sa akin.Parang ang gulo lang diba?_AKO.

"Uhmmmm...Uu nga naman.Pero baka kaya inaway ni Eric si Aloha ay dahil nga sa pang aasar sayo ni Villareal.
Akala nya siguro ay seryoso si Aloha sa pang aasar sayo kaya nya pinagsabihan.Syempre ito namang si Aj ayaw magpatalo at ayun bigla nyang sinapak si Eric.Baka ganun._Gold.

"Ano kaba naman.Hindi naman gagawin ni AJ ang manakit ng tao basta basta.
At saka hindi naman talaga nya ko inaasar.Mabait naman syang tao at saka hindi yun pala away._AKO

"Ayun,At talagang dun ka talaga kakampi sa kanya kaysa kay Eric? Im sure naiinsecure yang si Aloha kay Eric  kasi nga mas madaming nagkakagusto sa kanya.Tapos malamang nyan,Ayaw nya na pinagsasabihan sya kaya hinarass nya si Eric.Baka tinakot pang tatanggalin sa Val kaya lumaki ng husto ang isyu._Gold.

"Ang bilis mo namang mag conclude.Hindi pa naman natin alam ang totoong dahilan.Pero kahit na ano pa yun,Hindi naman ako syempre basta na lang mananahimik.Lalo na kung ako nga ang totoong dahilan ng pag aaway nila._AKO.

"Naku papano na yan,Hindi ka na ba uuwi sa inyo nyan ha?
_Gold

"Hindi na muna siguro.Tatawag na lang ako kay Inang na hindi makakauwi.Idadahilan ko na lang na nagkaroon ng biglaang meeting para hindi sya mag isip na baka may nangyari sa akin.Baka kay Martha na muna ako makitulog mamaya._AKO.

"Sige,Ikaw ang bahala.So papano yan.Anong gagawin mo?
Aantayin mo silang lumabas lahat dyan sa loob at kakausapin isa isa? Para namang nakakahiya yung basta mo na lang iiinvolve ang sarili mo gayung di ka naman nila isinasali sa isyu._Gold.

May katwiran naman si Gold sa sinabi nya.Alangan namang mag feeling dyosa ako sa harapan nilang lahat at saka biglang mag tanong kung bakit nila ako pinag aawayan.
Nakakahiya naman talaga yun considering na wala namang ibang nakaka alam ng isyu kundi yung mga officials lang at sina Aloha at Eric.Nagpasya akong sumama na lang muna kay Gold palabas ng opisina ng Val at saka kami nagpunta na muna sa cafeteria para duon mag usap.

"Kung kausapin mo kaya si Eric paglabas nya sa opisina ng Head? Sa kanya ka mag usisa,Siguro naman hindi ka nya magagawang paglihiman kahit pa sabihing confidential ang naging usapan nila dun sa loob._Gold.Yun nga din sana ang balak ko kaya lang mas parang si Aloha ang una kong gustong pakinggan ang panig kaysa kay Eric


" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon