2.AJ (TRAINEE)

1.5K 54 0
                                    




Kadarating lang namin ni Sky from Magallanes kaya late na late na kaming nakarating sa awarding ceremony ng VAL.Nagkaroon kasi ng emergency sa isa sa mga chain nila ng Happybee dahil sa may nawala daw silang mga stocks.Ayon sa kuha ng cctv cam ay isa sa mga crew nila ang kumuha.Bff kaming matatawag ni SKY since mga bata pa kami at hanggang ngayon ay kaming dalawa na talaga ang magkasangga.Pati ang kursong tinapos namin ay pareho din.

Gupit at pormang lalaki kaming parehong magkaibigan kahit na pareho kaming babae ng pinanganak.Mula pa nuong magkaisip ako,ramdam ko na sa sarili ko na kakaiba ako kaysa sa ibang mga batang babae.
Pero ng dumating si Skyler mula sa Canada,dun na din ako nagkalakas ng loob para ilabas ang tunay kong pagkatao.At sabay naming hinarap ang mundo bilang mga bagong Piloto ng VILLAREAL AIRLINES na pagmamay ari ng pamilya ko.

"Welcome to Villareal Airlines.We are expecting so much from you kaya sana ay pagbutihan nyo ang mga duties nyo bilang mga piloto ng VAL.
Alam nyo naman na walang puwang sa kumpanya ang failures at kapalpakan kaya dapat maging alerto at magagaling kayo palagi sa pagsagupa sa mga di inaasahang mga insidente sa himpapawid._Chief Pilot Steven Jacob

"Wala pong problema dun Chief.Asahan nyo po na gagalingan namin ng maige para hindi naman nakakahiya sa buong management._Ako.Confident na sagot ko.Kailangan kasing ipakita namin sa simula pa lang na hindi sila nagkamali na tinanggap nila kami dito at hindi dahil sa amin ang kumpanya.

"Syanga pala,This is our pride and glory,Ang pinagmamalaking FA ng VAL  na si Miss  Gari Asuncion,
Sya ang most awarded na Stewardees natin dito.Kung may mga kailangan kayong itanong tungkol sa mga dapat gawin pagdating nyo sa loob ng eroplano,Si Gari ang bahala sa lahat._Co pilot Randy Chen.Sya ang partner ni Captain Jacob sa pagpipiloto.

"Welcome po sa VAL Sir...I mean Captain._Miss Asuncion.Matipid at walang kangiti ngiting tingin nya sa amin ni Sky.Agad ko namang iniabot ang kamay ko sa kanya para kamayan pero parang nag aalangan pa syang abutin ang kamay ko kaya ako na ang nagkusa.

"Thank you Miss Asuncion.Sa palagay ko,Magiging masaya ang mga flight na darating sa amin sa mga susunod na mga araw kapag ikaw ang  FA  na mag aassist sa aming byahe._AKO.
Malaki ang ngiting ibinigay ko sa kanya pero consistent sya sa pagiging tikom ang bibig.Isang kindat ang pasikreto kong gesture sa kanya na syng lalong nagpakunot sa nuo nya.Lihim akong natawa.Masunget nga syang talaga.Pero infairness,maganda sya ay halatang smarte at matalino.

"Hahahahaha.Ayos yan Captain,Mas maganda ng maging friendly tayo sa awardee na si...Ano nga ulit ang name mo Miss?_Skyler. Napakamot sya ng ulo dahil sa hindi nya maalala ang name ni Miss Suplada.

"Margarita Asuncion po Captain...Nice meeting you po ulit  and Welcome ulit sa VAL.But Im  pretty sure na hindi siguro tayo magkakasama sa mga byahe natin dahil sa First class na flight  ako palagi naka assign.Anyways, mauuna na po ako at kailangan ko pang makausap yung mga junior FA ko. Sige po.Magpapa alam na ko._Miss Asuncion.At saka sya nagmamadaling umalis at iniwan kami ni Skyler.

"Wow! Napaka confident ni Ate F.A ah.Talagang pinangunahan na tayo na hindi natin sya pwedeng maksabay sa flight.hahahhaa.Hindi nya kasi tayo kilala for sure lalo kana AJ kaya nasabi nya yun.Pero mas okey na din na hindi sya ang maka trabaho ko,Ang suplada eh.Mukhang estrikta._Skyler.
Bagay na pinagtataka ko dahil kahit ako man ay inis din sa mga babaeng suplada pero bakit pag sya ang kaharap ko,Naaaliw akong makita syang sinusungitan at iniirapan ako.

"Hindi nga nila kasi tayo masyadong nakilala dahil late na tayo dumating.
Sabi naman kasi sayo,Hayaan mo na yun sa kaibigan ni Gucci at sya na ang bahala.Ayan tuloy,late na tayo.Kita mo pati sina Mom and Dad masama ang tingin sa akin._AKO.

"Ano kaba,Nag sorry na nga ako diba? Malay ko ba na traffic pala papunta dito.Sana nagpasundo na lang tayo sa chopper para mas mabilis.Dont worry,Ako na ang bahalang mag explain kina Ninong at Ninang.Im sure naman maiintindihan nila tayo kapag sinabi ko ang reason ng pagka late natin._Skyler.Mabilis kaming nagmano at humalik kina Mom and Dad pagkakita namin ni Sky sa kanila.

"Hello Mom and dad.We're sorry were late.Akala nga namin wala na kaming taong aabutan dito sa stadium.Im glad na naka abot pa kami at madami naman din kaming nakilalang mga opisyales kanina._AKO.Nakasanayan na naming Tatay at Nanay ang tawag naming dalawa ni Maui sa kanila kapag nasa bahay. Pero kapag may ibang tao kaming nakakasalamuha,Daddy at mommy ang tawag namin sa kanila as formality lang.

"Yes po Ninang,Ninong.Sobra po akong humihingi ng paumanhin.Kaka umpisa pa lang namin ay late na kaagad.Actually po,Walang kasalanan si AJ talaga.Ako lang po ang nagpilit sa kanyang magpasama saglit dun sa fastfood naming ninakawan.Biglaan po kasi.Hindi naman po namin alam na matraffic pala kaya SORRY po talaga._SKY.Tahimik lang ako at hindi umimik.Magaling din naman kasing umakting itong si Sky at alam kong agad na maniniwala sina Tatay sa kanya.

"Ganun ba,Kamusta naman yung magnanakaw.Nahuli nyo ba? Naku,Napakahirap din talaga kapag may mga ganyang problema sa negosyo.Hindi mo naman pwdeng palampasin na lang basta basta.
Ano na ang nangyari?_Tatay.

"Ahhh,Ehhhh.. Naayos din naman po kaagad.Actually,si Dad nga ang nagsabi na wag ng palakihin pa ang isyu basta tanggalin na lang yung taong gumawa ng masama.Yun pong matalinong kaibigan ni Gucci ang nakipag usap sa mga pulis at sya na din ang pinag asikaso ni Dad._Sky.
First time kong nakita nga yung henyong kaibigan at kaklase ni Gucci at naging magaan ang loob ko sa kanya kahit na hindi kami masyadong nakapag usap.

"It's okey mga anak,Ang mahalaga ay nandito kayo ngayon at ganap ng mga lisensyadong piloto.Sobrang nakaka proud kayong dalawa.Alam kong kahit ang mga magulang mo Sky ay sobra ding proud sayo.Sayang nga lang at nataong nasa Canada sila ngayon kaya hindi sila nakadalo ngayon.
Ang mabuti pa ay magsikain na tayo at saka tayo mag kwentuhan muli.
_Nanay Sally.Masaya akong makita na masaya at proud ang parents ko sa akin.Alam kong wala silang ibang gusto kundi ang makita kaming successful na magkapatid. Ngalang,Si Maui na kakambal ko ay ubod ng tamad sa pag aaral at gusto lang ay gumimik palagi.Kaya naman bukod sa pagiging pabebe nya at kaartehan ay hindi ko din gusto ang pagiging tamad nya sa pag aaral.

"Anak,Nakikita mo ba yung si Miss Asuncion? Yung Flight Attendant na palagi kong kinukwento sayo before? Look at her,Hindi ba't nakapa smarte nya at halatang malaki ang kumpyansa sa sarili?Ganyan dati ang pangarap kong maging si Maui sana.Pero syempre hindi naman failure ang kapatid mo ha, Sadya lang talagang hindi nya pa gustong mag seryoso sa buhay nya kaya hinahayaan ko lang sya._Tatay.

Napalingon ako sa sinasabi ni Tatay na stewardess.Kundi ako nagkakamali,Sya si Miss Margarita Asuncion.Sya din yung FA na pinagmamalaki ni Captain Jacob at Captain Chen kanina habang magkakausap kami.Para yatang napaka interesting ng babaeng yun para lahat sila dito sa VAL ay mapabilib nya ng husto.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon