Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Talaga yatang sinasadya ng pagkakataon na mag kasabay at magkasama kami ng bagong piloto na si Captain Villareal sa iisang flight pa HAWAII.Ito ang una naming pagsasama sa iisang trip at takenote,Siguradong first time nya ding ma assign sa Businessclass flight bilang baguhang piloto pa lang.Napataas ang kilay ko.Mukhang malakas yata talaga sya sa management.
"Good Morning Miss Asuncion,Welcome aboard.Sa wakas,Nakasama din kita at nakasabay sa iisang flight.Matagal ko ng gustong ma experience ang pag aasikaso ng isang consistent AWARDEE na gaya mo.Sa palagay ko, Magiging maganda itong paglalakbay na ito para sa akin ngayon dahil ikaw ang makakasama ko._Capt. Villareal. Saktong pag akyat ko kasi sa plane ay sya na kaagad ang nabungaran ko. At infairness ulit,Maaaga syang dumating kahit na mas nauuna kaming dumarating kaysa sa mga piloto.Tulad ng dati,Presko ang dating nya sa akin kapag nakikita ko sya.
"Good Morning din Captain.I hope we'll have a safe and peaceful flight. By the way,Kailangan ko ng maghanda para makasigurong maayos ang lahat, So if you'll excuse me I have to go. See you na lang later captain. _AKO.Agad ko syang iniwan at dumiretso na ako sa cabin naming mga crew.Bukod sa kailangang presentable kami sa harap ng mga tao,Need ko ding mag instruct sa mga junior staff na kasama ko sa mga dapat nilang gawin.Ayokong masira ang imahe ko bilang head ng team at syempre pa, dapat ko ding masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero ng VAL.
"Ma'm Gari,Good Morning po._Sabay sabay na bati ng mga junior FA na makakasama ko ngayon.Si Marigold na kapareho ko ding senior FA ay wala pa kaya ako na muna ang nag check ng attendance nila.
"Good Morning din...Handa na ba lahat ng mga dapat nyong gawin? Make sure na very attentive kayo at palaging nakangiti sa mga pasahero natin ha,Ayokong magkaroon tayo ng problema regarding sa mga pasahero.Hindi ko ito tolerate ang mga kapalpakan nyo._AKO.Ganun ako ka estrikta pagdating sa trabaho at hindi ko pinalalampas kahit pa maliliit na detalye.
"Don't worry po Ma'm Gari,Lahat po ng kailangang gawin ay naka ready kaming lahat.Hinding hindi po namin ipapahiya ang team natin._FA Joed. (Sya yung karelasyon ni FA Jed na sinasabi kong PAMIN).Tumango tango lang ako sa kanila at saka nagsimulang i check na yung buong cabin at passenger seats kung totoong maayos na at malinis talaga.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hi Miss Asuncion,Glad to see you again.Mukhang busyng busy ka ah?Sabagay,Ikaw nga pala ang pinaka magaling na FA ng VAL,dapat lang na walang palpak ang mga tauhan mo at syempre lalo na ikaw.So, Ano bang pwede kong maitulong? Is there anything in particular na dapat ginagawa ng isang baguhang piloto gaya ko bago pa man umakyat ang mga pasahero?_Capt.Villareal. Bakit ba para yatang ako palagi ang gustong gustong pinapansin at kinakausap nitong pilot na ito?Sinasadya ba talaga nyang inisin ako? Pwes,Nagkakamali sya ng binabangga.
"Well,Since nandito na din kayo captain...Bakit hindi nyo po subukang isa isahing i check yung mga seats ng mga VIP'S natin.Baka may mga naiwang dumi or matsa yung mga seats nila.Mainam ng wala silang masasabi sa magandang serbisyo ng VAL hindi ba?_AKO.Actuallly,Hindi naman talaga gawain ng pilot ang mag check,Gusto ko lang syang inisin at para na din hindi nya na ko kulitin pa.
"Naku Miss Asuncion,Papadating na nga pala ang mga pasahero.Kailangan ko ng bumalik dun sa cockpit.Sa iba mo na lang ipa assign yung sanay ipagagawa mo sa akin ha...Or mas okey kung ikaw na ang gagawa nun para maka siguro ka.Babalik na lang ako later kapag nakasakay na lahat ng pasahero.Seeyou later Madam._Capt.Villareal.Saka sya muling kumindat sa akin at nag babye pa.
"Ohhhhhooyy,Nakita ko yun! Kinindatan ka ni Captain prettyboy. Iba din yang kamandag mo ha,Sa mga batang kapitan ka pala ma appeal eh! Marigold(Gold)_.Kagaya ko din Senior FA na madalas kong kasama sa mga flight kaya naman close kami.May pamilya na nga lang sya kaya hindi ko na makasama sa mga galaan.Kapag may mga okasyon sa pamilya nya na lang ako nakaka punta at dun lang kami nakapag bonding.
"Pwede ba,Wag kang gumawa ng isyu.Nangbu bwisit lang yun at gusto lang manira ng araw.Saka anong pretty boy ka dyan,Hindi naman sya boy noh!_AKO.Ngumisi lang sya sa akin at saka sya dumiretso sa loob.Nagsimula na din ang unti unting pagpasok ng mga pasahero kaya pansamantalang natigil muna kami sa pag uusap.Kanya kanya kaming toka sa mga duty namin kaya wala na muna kaming imikan.
After maipaliwanag sa mga pasahero ang mga safety reminders at ilang emergency tips,Nagsimula na ako sa pag ikot para kamustahin ang mga pasahero.Maya maya pa ay tahimik ng lumilipad sa ere ang plane at lahat ng tao sa deck ay kanya kanya na ng pagrerelax at paglilibang para hindi mainip sa byahe.Ang karamihan ay naghahanda na din sa pag tulog.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Gari,Mamaya kana magpahinga.I assist mo na muna sa labas si Captain Villareal.Si prettyboy.Look at him,Isa isang kinakausap yung mga pasahero. Daig pa yung pulitiko sa sipag nyang isa isahin yung mga pasahero oh! Parang gusto lang magpa empress sayo._Gold. Napasilip din ako buhat dito sa secret cabin naming mga staff. Ano nga bang gustong palabasin nito at para yatang kakaiba ang style nya bilang piloto?
"Teka,Bakit ako.Kanina pa ko lakad ng lakad dun sa labas ah.Ikaw naman ang magpakita dun sa kanila.Saka pwede ba,Tigilan mo nga yang kakatawag ng prettyboy dyan sa taong yan at hindi nga kasi sya BOY!_AKO
"Ikaw na.Mas sanay kang humarap sa mga tao noh! Saka totoo namang pretty boy sya ah,Magandang lalaki.In english prettyboy.Dont tell me di ka naga gwapuhan sa kanya ha? Lahat ng mga babaeng junior FA kaya may gusto sa kanya.Kundi lang ako kasal na,Baka pinikot ko yan eh. Sobra naman kasing gwapo kahit pa sabihing babae sya.Matotomboy ka talaga!_.Palibhasa may asawa at anak na kaya ganun magsalita,Hindi marunong prumeno.Matabil at may pagka pilya sya talaga eversince. Kung ako ang mataray,Sya naman si Maingay.Nagkasundo lang kami nuon dahil pareho kaming bago pa lang sa Val.Mayroon pa kaming isang kasabayan na si MARIETA LOPEZ. Nakapag asawa naman ng APAM kaya sa ibang bansa na naka base ngayon.
"Ikaw talaga,Palagi mo na lang akong isinusubo sa alanganin.Bakit ba kasi need nya pang umikot sa mga pasahero,Nakaka abala lang sya sa mga gusto ng mamahinga at manuod.Masyadong pa empress! Daig pa ang may ari ng VAL kung maka asta.Manong dun na lang sya mag stay sa cockpit nila at mag observe hindi yung pagala gala pa sya.Imbis na na nakaka pahinga na yung tao eh!haaaaissst!_AKO.Saka ako lumabas na sa deck para i assist yung piloto.
Huli na para makaiwas dahil saktong paglabas ko ay sya namang pagpasok nya sa loob.Kaya naman,Muli na naman nagkasalubong ang mga mukha naming dalawa sa ikalawang pagkakataon.