Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Habang papalapit na ang kaarawan ni Gari ay mas lalo akong nai excite sa preparasyon na ginagawa ko para sa kanya.Kinausap ko kasi ang pamilya nya na bigyan si Gari ng isang surpresang salo salo kasama ang pamilya nya at mga kaibigan.Maging ang mga taga Val na very close sa kanya ay sinabihan ko din na wag ipaalam sa kaniya ang surpresa ko.
"Anak,Ang sabi sa akin ni Arabella ay nagleave ka sa katapusan dahil daw may aasikasuhin ka.Ano na naman bang pinagkaka abalahan mo ngayon ha?_Tatay GD.Nasa mansyon ako today dahil pang gabi ang schedule ko ngayon at mamaya pa ako aalis.
"Yes po Tatay,Nag leave nga po ako ng dalawang araw lang naman.Pero after nun ay magkakasunod naman ang malayuang byahe ko.Dont worry Tay,Hindi po ito about sa new hobby ko.May importante lang po akong inaasikaso._AKO
"Tatay,Wag po kayong mag alala..Sooner or later naman ay magkaka apo na din kayo kaya hayaan nyo na yang sa AJ sa pinag gagawa nya.hahahah._Maui.Sinamaan ko naman sya ng tingin.Gusto ko syang batukan dahil sa kadaldalan nya.
"What? Sinong magkaka apo na sooner or later ha Maui? Tama ba ko na nadinig ko?_Nanay Sally.Saktong kabababa lang nya sa hagdanan kaya nadinig nya ang sinabi ni Maui.
"Nanay...Kasi po yang binata nyo.INLOVE! Kaso lang totorpe torpe.Dinadaan sa palihim na galawan at mga pa surpresa.Nahihiyang magtapat!_Maui.Mabilis ko syang hinampas ng throw pillow para manahimik na sya pero sige pa din sya sa pagtawa.
"Parang kilala ko na ang tinutukoy nitong si Maui Love. Kundi ako nagkakamali,Si Miss Asuncion ang babaeng kina iinlaban ng kapatid mo tama ba Maui?_Tatay.Napahawak na lang ako sa ulo sa hiya.Wala naman talaga akong maitatago pa sa kanila dahil maliit lang ang ginagalawan naming lahat.
"Ohhhh,Si Miss Gari yun hindi ba? Yung FA na iniligtas mo anak sa hostage taker dun sa eroplano.Totoo bang inlove ka na sa kanya ha anak?_Nanay Sally.
"Pasensya na po Tay,Nay kung di ko po kaagad sa inyo nasasabi ang tungkol sa kanya.Kasi naman po ay hindi pa naman talaga ako totally nanliligaw sa kanya.Dahil po sa sinabi nya nuon sa akin na hindi sya maii love sa isang LESBIAN.Kaya po natatakot akong magtapat sa kanya._AKO
"Naku naman anak,Bakit ka matatakot magtapat sa kanya? Kung malinis naman ang intensyon mo at talagang mahal mo sya,Hindi ka dapat matakot aminin na gusto mo sya. Mas mahirap yang kinikimkim mo lang.Sayang ang panahon at pagkakataon.Sige ka,Baka maunahan kapa ng iba._Nanay Sally
"Korek ka dyan Nanay! Isipin mo na lang na ganun din ang sinabi ko nuon kay Zee.Na as much as posible,Ayoko sana ng lesbian din ang maging karelasyon ko para magkaroon ng normal na buhay.Pero sabi ko lang naman yun kasi sa lesbian din naman pala ako mapo fall.So eto ngayon,Im so happy and so Inlove!_Maui.
"Anak,Gusto mo bang kausapin ko si Gari para sayo? I mean,Para lang maliwanagan sya na wala namang masama at mali sa pagiging lesbian.Sa dami na ng mga nagawa mong pagsasakripisyo para lang maiparamdam sa kanya ang pagmamahal mo...Imposible namang hindi pa din sya magkagusto sayo.Aba'y nasayo na ang lahat ah!_Tatay.
"Hahahaha.Ay syempre totoo naman nasa anak na talaga natin ang lahat.Gwapo,Matalino,Mabuting anak at kapatid,Mabait at matulungin sa kapwa.Magaling na piloto.Magaling makisama sa lahat at syempre mayaman. Kaya naman kahit sino ay hindi tatanggi kapag ikaw na ang nanligaw sa kanila.Go lang anak.Support kami ng Tatay mo sayo._Nanay Sally.Napayakap ako sa kanya. Sa dami ng magagandang sinabi nya tungkol sa akin,Mas lalo tuloy lumakas ang loob kong magtapat na nga kay Gari.
"Pero maiba nga pala ako anak,Ang alam ko ay mas matanda sayo si Gari ng ilang taon hindi ba? Aba'y dapat na nga sigurong paspasan mo na ang panliligaw at magtapat kana bago pa abutin na mag trenta na sya.Gustong gusto ko ng magka apo kaya kung pupwede ay kasalanan na kaagad ang kasunod ha anak?_Tatay.Nagblush naman ako bigla sa sinabi ng Tatay.
"Hahahaha.Ayan,Na pressure tuloy bigla si Bunso.Bakit sa akin Tay,Ayaw mo bang mauna na kami ni Zee bago sila?_Maui.
"Ewan ko ba sa inyong dalawa akung bakit ayaw nyo pag magpakasal.Ayoko namang makialam dahil sabi mo nga ay kasisimula pa lang ni Zee sa pag aabogado nya kaya ayaw nyo pa munang magpakasal.Tapos ngayon ay magtatanong tanong kala dyan._Tatay.Natawa nama ako sa reaksyon nya.Para kasing gigil na gigil na talaga syang magkaroon na ng apo talaga.Sabagay nga naman,Sa estado ng buhay namin ngayon.Mas kailangan naming maka siguro na may mga susunod ng tagapagmana ang VAL at CK mall bago pa sila mag retiro.
"Tay,Nay...Actually po napagplanuhan na namin ni Zee na mauuna na muna kaming mag anak tapos saka kami magpapakasal.Pero wag kayong mag alala dahil napag aralan na din naman ni Zee ang tungkol sa legalization ng pag aadopt sa bata kung sakali.Gaya po ng napagkasunduan namin na ako ang magbubuntis sa baby naming dalawa._Maui.
"Pero papaano ang tradisyon? Na dapat ay legal at hindi tru IVF ang way ng pagbubuntis nyo?Love,Papano ba yun kung sakali?_Nanay Sally.
"Tama ang Nanay Sally mo Maui,Hindi pupwedeng hindi nyo tunay na dugo at laman ang magiging taga pagmana ng Villareal.Hindi yun ang napagkasunduan._Tatay.
"Pero Tay,Nay...Pareho pa din naman naming mga dugo at laman yun dahil mula yun sa pagmamahalan naming dalawa. Iba man ang tatay nya,Pareho pa din kami ni Zee na may ambag sa magiging baby namin.Kahit naman siguro sina AJ kung sakali,Hindi din naman siguro gugustuhin ni AJ na magpabuntis sya sa lalaki hindi ba Aloha?_Maui
"Yeah,Thats absolutely right!Hindi naman namin gustong sirain ang nakagisnang tradisyon na ng mga Villareal but Tatay,Nanay...kahit pa man iba ang maging tatay ng mga anak namin,Mananatiling dugo at alam pa din namin sila kasi galing sila sa amin,Ginawa sila out of LOVE.Hindi naman mahalaga kung mula sa sensya ang magiging proseso ng pagiging magulang namin diba? Ang mahalaga,Mahal namin sila at mahal din sila ng mga magiging asawa namin _AKO
Sa huli ay naunawaan din kami ng mga Tatay at Nanay. Since wala din naman kasing maaring maghabol pa sa yaman ng mga Villareal,Hindi na din ipinilit pa ng Tatay ang gusto nya at pinayagan na nyang dumaan kami pareho sa IVF kung sakali.