Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Damang dama ko pa din ang lungkot habang pababa kami ng eroplano.Ilang beses ko na din namang natityempuhan si GARI na may mga sinasabi na against sa akin.Hindi ko naman yun itinatanggi dahil totoo namang sinasadya ko talaga ang kulitin sya.Way ko yun para mapansin nya ko.Pero ang hindi ko napaghandaan ay ang bwelta nya sa akin na KAHIT DAW KELAN AY HINDI SYA MAGKAKA GUSTO SA LESBIAN.Sa kauna unahang pagkakataon,Ngayon ko lang naranasan ang harap harapang MA REJECT.
"Hey Twinnie,Bakit bigla ka yatang naging malungkot dyan?Talo mo pa yung namatayan ah.Umayos ka nga at madami ang nakatingin sa atin oh!_Maui.Saka ako napatingin sa paligid namin.May mga taga media nga na naka abang sa amin habang naglalakad papalabas ng Airport ng Bangkok.
"Bakit ba naman kasi may mga mediamen pa,Hindi naman tayo mga artista ah.Wala ako sa mood makipag plastikan ngayon.Gusto ko ng dumiretso na lang sa hotel natin at magpahinga._AKO.
"Asa kapa? Wala tayong pahinga dahil pagtapos dito ay hotel na tayo kaagad didiretso para magbaba lang ng mga gamit natin.Magla lunch tapos makikipag meeting daw si Tatay sa mga ka business nya na kasama tayo._Maui.
"Ano ba ang ipinunta natin dito,Diba para makiramay? Bakit daw may pa business meeting pa? At bakit kailangang kasama pa ang buong pamilya?_AKO
"Wow ha,Coming from you? Ikaw na businessminded ding gaya ng Tatay,Alam mong kalakaran ng mga kagaya ni tatay na businessman din.Hindi yan basta pupunta lang sa isang lugar na walang kaugnayan sa business.Kinausap lang naman sya ng may ari ng sikat na hotel resort sa Phuket Para makipag merge sa kanya.Kaya after nating makiramay kina Britt mamayang gabi,Dun tayo sa resort pupunta kinabukasan._Maui.
"Baka magpaiwan na lang ako sa hotel.Wala ako sa mood mag ikot sa beach dahil mainit dito na parang sa atin din.Balikan nyo na lang ako pagtapos nyong mamasyal dun._AKO.
"Ikaw ang bahala.Sigurado namang hindi naman ako mabo boring dun dahil kasama ko si Gari eh.Kaya lang dahil wala kami parehong dalang swimwear,Dadaan muna kami sa mall dito mamaya para magshopping._Maui.Napakunot ang nuo ko.Tama ba ang nadinig ko,Kasama sa resort si Gari? Papanong mangyayari yun samantalang naka duty sya ngayon bilang FA?
"Papano namang makakasama mo si FA Asuncion eh naka duty yun?Im sure pabalik na yun maya maya lang sa Pilipinas _AKO.Base sa pagkaka alam ko sa sked nila,Mamayang alas sais ng gabi ang departure time nila pabalik sa bansa.
"Nag request ako kay Tatay na ipa iwan na lang si Gari para kako may kasama ako dun sa resort.Mas ma eenjoy kasi natin ang pagbisita dun kung may mga kasama tayo. Since matatagalan pa bago maka recover si Britt sa pagkawala ng Daddy nya,Hindi ko na muna din sya makakasama palagi for sure kaya si Gari na muna._Maui
"Ginawa mo pang panakip butas yung tao.Inabala mo pa sa trabaho nya.Mabuti at pumayag sya kahit na biglaaan mo lang syang niyaya?_AKO
"Bukod sa hindi naman sya makakatanggi kay tatay syempre,Sa palagay ko naman gusto nya din akong kasama. At FYI lang sa sinabi mong ginagawa ko lang syang panakip butas...That's not true!Kaibigan din ang turing ko kay Gari at ganun din sya sa akin kaya alam nyang sincere ang pakikipag lapit ko sa kanya._Maui.Kahit papano ay unti unti na din namang nagmatured itong si Maui dahil na din siguro sa nobya nyang si attorney Zee.
"Enjoy na lang kayo dun.Paki bilhan na lang din ako ng Nomyen(pink milk) pagbalik nyo._AKO.Saka ako mabilis nadumiretso na sa pagsakay sa nakaabang sa aming van.
"AJ anak,Bakit ang sabi ni Maui ay hindi ka daw sasama sa amin bukas sa resort? Nakakahiya naman dun sa kausap ng tatay mo.Ang alam ay kumpleto ang pamilya nating papasyal duon.May dinaramdam kaba ha anak ko?_Nanay Sally.Kinatok nya ako sa room ko at saka nag aalalang kinapa ang nuo at leeg ko.
"Nanay,Wala po akong dinaramdam.Okey lang po ako.Hindi ko lang po kasi feel yung maglibot dun sa resort.Masyado po kasing mainit dito sa Thailand ngayon.Nakakapaso ang init._AKO
"Pupwde ka namang hindi lumabas.kahit dun ka lang sa room mag stay.Kahit naman kami ng Tatay mo ay sa loob ng resort lang din mag i stay.Sina Maui at Gari lang ang siguradong maglalangoy sa beach nyan.Akala ko ay masama ang pakiramdam mo kaya kita pinuntahan kaagad.Btw,Halika na sa restuarant para makapag lunch na tayo.Kanina pa nandun sina Maui at Gari._Nanay Sally.
"Sige po Nanay,Sunod na po ako.Magpapalit lang ako ng pang itaas ko.Seeyou later Nanay._AKO.Matapos kong humalik sa kanya ay kaagad akong naghanap ng maisusuot. Isang simpleng tshirt ang napili kong ipalit sa suot ko kaninang polo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa taglay na ganda ni Gari.Sa simpleng bestida na suot nya,Talaga namang hindi mapagkakaila ang taglay nyang pang akit sa akin.Gayun pa man ay kailangan kong pigilan ang damdamin kong tuluyang mahulog sa kanya...Dahil alam ko namang ayaw na sa isang lesbian na kagaya ko.
"I'm glad your now here anak.Akala ko ay muli ka na namang kakatukin ng Nanay mo sa kwarto mo eh.Btw,Im sure naman ay kilala mo na ang best employee natin na si Miss Gari over here.Sya ang makakasama natin ngayon sa mga lakad natin._Tatay.Sumulyap lang ako sa kanya at saka tumango ng bahagya.
"Hello...Hello captain Villareal.Its nice to see you again po._Gari.
"Napaka formal naman ng captain Villareal my gosh!Pwede naman sigurong AJ nalang since wala naman tayo ngayon sa loob ng eroplano diba? _Maui.
"Tama nga naman iha,Ituring mo na ding kaibigan mo itong si AJ gaya ni Maui.Kapag nasa loob kayo ng Val saka na lang kayo mag usap at magtawagn ng ganyan.Para naman walang ilangan gaya ngayon.Para kayong di magkakilala nyan eh._Nanay Sally.
"Hahahaha.Hindi nyo maiaalis yun basta basta.Lalo pa at magkasama sila parehas sa trabaho.Talaga namang mahirap i balance ang work at ang pakikipagkaibigan.Maninimbang ka kung papano mo ba iti treat yung head mo na hindi naman sya ma ooffend.Hayaan na lang muna natin silang dalawa na mag adjust muna._Tatay
"Maui iha,Ang mabuti pa ay isama nyo na lang sa pagsa shopping nyo si Aloha para mas maging komportable sila ni Gari.Tamang tama naman na after this ay diretso na kami ng Tatay nyo sa conference room kaya mamayang alas sais na tayo magkita ulit.Wag nyong kalimutang tawagan kami kung nasaan kayo para hindi kami mag alala ng Tatay nyo okey?_Nanay Sally.
Dahil wala naman akong choice kundi sumama kahit na gusto ko na ngang iwasan muna si Gari ay wala akong magawa.Lalo pa at napaka insensitive din naman ni Maui na nagawa pang kami ni Gari ang pagtabihin sa backseat ng kotse na maghahatid sundo sa amin sa sikat na mall dito sa Bangkok.