15.GARI

748 38 5
                                    

Hindi naman talaga ako choosey sa kinakainan as long as malinis at saka gusto ko yung lasa ng pagkain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi naman talaga ako choosey sa kinakainan as long as malinis at saka gusto ko yung lasa ng pagkain.Kaya kahit madami ang tao sa Mang Inasal,Pinili ko pa ding dito kami kumain ng dalawang sosyal at mayaman kong kasama ngayon.Ewan ko na lang kung isama pa din nila ako sa susunod after nilang ma experience ang ganitong kainan.

"Excuse ma'm,Sir.Dito na lang po tayo sa kabilang upuan.Tatlo lang naman po kasi kayo.Pang maramihan po kasi dyan._Service crew.Lihim akong nangiti.Ang intensyon ko talaga ang inisin si Aloha para mainis at umalis na lang.Alam ko naman ang mayayaman ay hindi sanay mag fastfood dahil nga madaming tao.

"Yes,No problem Miss.Okey kami dito.Pwede na bang makihingi ng sabaw ate?_Aloha.Nagulat ako na alam pala nya na pwede na kaagad humingi ng soup dito kahit wala pa yung order mo.Agad akong tumayo para pumila na sa counter.

"Sasamahan na kita Miss A.Baka kasi may idagdag pa akong gustong kainin.Ikaw ba Sis,May gusto ka pang kainin liban sa pecho at saka halo halo?_Aloha.Tumingin ako kay Maui na halatang enjoy na enjoy sa paligid nya.Ni hindi ko nakitaaan ng kanegahan kahit na napakaraming taong nagsisiksikan.

"Yes,Parang gusto ko din nung kinakain nung bata.Yung sinasawsaw sa suka.Orderan nyo din ako nun._Maui.Tapos ay nag selfie selfie na sya gamit ang fone nya.

"Lumpiang toge yung gusto ni Maui.Tapos halo halo at pecho with rice,Ikaw naman anong ioorder mo Captain?_AKO
Nasa likuran ko sya ng pila kaya tinanong ko na ang order nya para mas mabilis kami maka order kaagad.Madaming babae din ang nakatingin sa kanya at saka nagbubulungan.Kasi naman ay talagang standout sya sa karamihan dahil sa porma nya at kutis na parang artista.Kahit nung nasa cashier na kami ay panay din ang pagpapa cute ng mga nasa kaha habang kinukuha ang order namin.

"I'll go with pecho din,Saka pork sisig and lumpia too.
Then white halo halo and pineapple juice.How about you Miss A?_Aloha.Actually,Sa akin lang talaga sya naka focus at hindi nya pinapansin yung mga nakatingin sa kanya.Hindi sya yung tipo na masyadong concious at maaangas porke alam nyang madaming humahanaga sa kanya.Natural lang sya at kalmado na parang ako lang yung nag i exist sa harapan nya.

"Sige na,Ako na ang bahala.Balik ka na dun at baka naiinip na si Maui sa pag aantay sa atin._AKO.Pero hindi naman sya umalis kaagad at inantay nya ako bago kami sabay na bumalik sa pwesto namin.Nadatnan naman namin si Maui na may kausap sa fone nya tru Videocall.

"Look who's here with me guys! Taaadaaan! The mighty Captain Aloha and Miss Gari!And look kung nasaan kami...
Mang Inasal! Hahahahha.Highly recommended ito ni Gari kaya excited na kong tikman yung chicken nila dito._Maui
Ipinakita nya pa kami ni Aloha na sakto namang magkatabi pa sa upuan.

"That's right guys!!! Ang sarap nung sabaw nila dito.
Unli pa.hahahahha.Pangalawang bowl ko na nga ito eh.Look,ganito daw yung pag higop dito eh.Try nyo din minsan guys._Aloha.Ipinakita nya pa kina Katie at Gucci na dun sya mismo sa bowl humihigop.Ginaya kasi nya yung nasa katabi namin mesa na dun sa bowl nila humihigop.

"Hahahahha.That cool dude! Ang saya naman dyan.Ma tray nga din yan minsan.Pero hindi ba dyan din yung kinakamay dapat yung chicken kapag kumakain na? Dapat pala maghugas kayo ng kamay muna para ready na agad pagdating nung order nyo._Gucci.Since magkasama sila ni Katie sa iisang apartment lang kaya madalas na sila ang magkasama at di mapaghiwalay.

"Uu nga pala.Sige panyero,Wait lang at maghuhugas na ko ng kamay muna.Kayo na muna ang bahalang mag usap dyan._Aloha.Ibinalik nya kay Maui ang fone at saka sila muling nag usap usap.Habang si Aloha naman ay nakipila dun sa hugasan ng kamay.Natawa ako ng bigla syang itulak nung bata para sumingit sa pila.Napakamot na lang sya sa ulo at saka napatingin sa gawi namin.Nahuli tuloy nya na nakatingin ako sa kanya kaya siya natawa din.

Maya maya pa ay dumating na ang orddr naming pagkain.
Mayroon silang apat na kasamang bodyguard na nakabantay sa amin palagi.Maging sila ay inorderan din ni Aloha na sa kabilang mesa naman naka pwesto sa tabi namin.
Paminsan minsan din nilang kinakausap yung apat na malalaking manong habang masayang kumakain.Saka ko narealize na Hindi sila mahirap maging amo dahil mababait silang boss sa mga tauhan nila.Parang kapamilya ang treatment nila sa mga tao sa paligid.Akala ko kasi,Mataray sa mga tauhan at kasambahay ang mga anak mayayaman,Lalo na si Maui na ganun ang imahe na ililalabas sa social media.
Ngayon ko lang napagtanto na hindi lahat ng sinasabi at binabalita sa social media ay totoo.

"Miss A...I mean Miss Gari pala.Do you want anything? Pwede pa kong umorder para naman sulit itong food trip natin.Gusto mo ba ng black gulaman? May palabok din sila dito at saka dinuguan at puto,Wanna try it?_Aloha. Natawa ako sa kamay nyang puro kanin.Kasi naman ay halatang di sya sanay kumain ng nakakamay.Pati si Maui na naka kamay din ay nakakatuwang tignan.

"Hindi na,Okey na ko dito sa inorder ko.Ikaw,Baka gusto mo pa? _AKO.

"Okey na din ako sa inorder ko,Pero parang gusto ko pang mag extra rice.Sandali ah,Tatawag lang ako sa crew._Aloha.Napalakas ang tawag nya sa taga serve ng kanin kaya napalingon sa kanya yung mga kumakain.Nahiya naman sya at saka biglang nagtago sa likod ko.

"Hahahahha.Kambal!Para kang ewan.Halatang first time mo sa ganito.Para kang bata na nagtago pa sa likod ng katabi mo.Mahiya ka nga kay Gari!_Maui.Saka sya umapir sa akin.

"Napalakas nga kasi yung pagtawag ko kay kuya.Nakakahiya
Parang ayoko na tuloy mag extra rice.Naka dalawa na ko eh.Kailangan kong mag gym nito mamayang hapon para ma burn yung fats._Aloha.Pero wala naman syang choice ng takalan ulit sya ng kanin nung crew na tinawag nya kanina.Nag refill pala ng bagong saing na kanin kaya hindi kaagad nakabalik.

"Hahahaha.Ayan kasi ang siba mo sa unli sabaw at unli rice kaya ang laki na kaaagad ng tummy mo.yuuuck!_Maui.
Napasimangot naman sya at saka muling sumubo ng kanin.

Wala kasi syang choice kundi ubusin yun dahil sinabihan ko sya na madaming tao ang nagugutom kaya wag nyang sayangin ang pagkain.

Naging masaya naman ang naging lakad namin at sa palagay ko ay hindi malayong maulit pa ito.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon