Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sunod sunod ang naging schedule ko trabaho kaya naman halos wala akong pahinga.May mga trainee pa akong kinailangang i seminar para sa mas maging epektibo sila kanilang mga trabaho. Kaya naman halos wala na akong panahon para makipag kwentuhan at makipagkita sa mga kaibigan.
"Miss Asuncion,Nabalitaan mo ba yung nangyaring pag aaway ng dalawang piloto daw natin? Nasa byahe kasi ako nuon kaya wala akong alam sa nangyari.Ano nga bang pinag awayan nung dalawa?_Capt.Geronimo.Maaga kasi talaga dumarating si Capt.Geronimo kaya may time pa sya para makipagkwentuhan sa mga kapwa piloto nya or minsan sa aming mga crew.
"Im sorry captain pero wala din po akong idea sa kung sino at kung anong pinag awayan nila.Madalas din po kasi akong naka duty din at walang oras para makibalita sa mga nangyayari sa Val._AKO
"Ganun ba,Sabagay ayaw na din siguro ng management na palakihin pa ang issue.Pero ang balita ko,Tungkol sa babae daw ang pinagmulan ng away nung dalawa.Pero hindi naman tinukoy kung sino.Napaka ganda siguro nung babaeng yun kaya pinag aawayan._Capt.Geronimo.Bahagya akong nangiti.Siguradong maganda nga yun at mayaman din kaya pinag aagawan.
"Ikaw ba Miss Asuncion,Wala ka pa din bang napupusuan? Aba'y matagal ka ng nagta trabaho dito sa Val pero wala akong nababalitaang may nobyo ka.Wag mong sabihinh single kapa din hanggang ngayon?_Capt.
"Ganun na nga po Captain.Wala po akong nobyo at wala pa din namang balak magkaroon sa ngayon.Masyado po akong busy sa trabaho at walang panahon para dun._AKO
"Naku,Baka naman mapaglipasan kana nyan!Masaya din naman ang may inspirasyon kahit papano.Iba yung saya na dala nya kapag inlove.Lagi kang masaya at magaan ang pakiramdam.Ikaw din,Baka sa kakaiwas mo makipag date nyan ay tuluyan ka ng mag enjoy sa pagiging single mo._Capt.
"Para po kayong Nanay ko,Palagi akong pina aalalahanan na mag nobyo na at baka malipasan na daw ako. Nasa mid 20's pa lang naman po ako at hindi pa ganun ka tanda para magmadali._AKO
"Hahahaha.Hindi ko sya masisisi.Kasi naman ay sayang ang ganda mo kung mabuburo lang.Tama ang nanay mo,Dapat ini enjoy mo din ang life habang bata kapa._Capt.Geronimo. Bahagyang natigil ang pag uusap namin ni kapitan ng may biglang sumigaw sa labas.Sumenyas ako kay Capt.Geronimo na ako na ang bahalang magcheck sa pinagmulan ng sigaw.
"Sige subukan nyong lumapit at tutuluyan ko tong babaeng to!Parepareho kayong mga hayuuupp! Mga manloloko! Mga malalandi!Hindi pa kayo makuntento sa isa kaya naghahanap pa kayo ng iba!_Isang lalaking pasahero ang nakahawak kay Ynah.May hawak syang basag na bote ng wine na malamang mula sa sini serve ng FA kapag may nagrequest na pasahero.
"Sir!Maghunusdili po kayo.Wag po tayong padalos dalos at baka masaktan nyo yang katrabaho ko.Kung ano man ho ang problema nyo ay mas makabubuting pag usapan natin._AKO. Mabuti na lang at hindi pa kami nakakalipad at nagpupuno pa lang ng mga pasahero sa loob ng plane.
"Shut up!Wala akong pakialam sayo!Isa kapang malandi ka. Lahat kayong mga babae ay kagaya ng asawa ko.Lahat kayo manloloko!Lumayo kayo at wag lalapit kung ayaw nyong laslasin ko ang leeg ng babaeng to!_Lalaking pasahero. Mabilis naman akong sumenyas sa mga tao sa may bandang likuran na lumabas na muna.
"Boss,Pakawalan nyo na po yang kasamahan ko.Wala naman syang ginagawang masama.Pag usapan na lang po natin kung ano man ang problema nyo.Sige na po Boss._AKO. Unti unti akong lumapit sa kanila.May nadinig akong maingay na background mula sa labas ng eroplano.Ibig sabihin,May mga pulis at mga taga 911 ng naka antabay sa labas.
"Maaaam Gaaaariiii...Tulungan nyo po ako.Please lang po, Maawa kayo sa akin.Sir,please naman po parang awa nyo na.Pakawalan nyo na po akoo._Ynah.Halatang takot na takot at nanginginig na si Ynah habang nakatutok sa leeg nya yung boteng basag na hawak nung lalaki.
"Manahimik ka!Kung ayaw mong tuluyan kong isaksak sayo yong hawak ko!Mga hayoooop kayo! Mga taksil! Wala kayong mga kwenta!Puro kayo pera! Matapos kong magpaka hirap sa Saudi,Iiwan nyo lang din ako! _Lalaking pasahero.Mabilis namang nagsipanhik sa loob ng eroplano ang mga pulis.
"Ricardo Macalintal!Bitawan mo na yang hostage mo at sumuko ka na lang sa amin!Wag mo ng dagdagan pang lalo ang kasalanan mo._Pulis.
"Miss,Bakit kayo nandyan.Baka pati kayo madamay. Bumalik kana dito.Kami ng bahala sa kanya._Isa pang pulis.
Sakto namang papalipat na sana ako papunta sa kabila ng biglang hablutin ng lalaki ang buhok ko.Agad nyang binitawan si Ynah at ako naman ngayon ang tinutukan nya ng basag na bote sa leeg.Hinila nya ako papalayo hanggang sa maramdaman kong dumidiin na yung basag na bote sa leeg ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I was still in shock.Kasi naman ay nararamdaman kong may bahagya ng tumutulong dugo sa leeg ko.Pero kailangan kong magpaka tatag at hindi sumuko.Kaya naman kahit nininerbyos na ko ay nagawa ko pa ding pigilan sya sa kamay nya para mailayo sa leeg ko ang hawak nya.
"Nagkamali ka ng binabangga mister!Hindi ako makakapayag na saktan mo ang pinaka mamahal ko._Naka uniporme ng piloto.Kaagad nyang sinunggaban yung lalaki at saka naman nagsilapitan na din ang mga pulis para dakpin sya.
"Are you okey?Lets get out of here.Kailangang madala ka sa hospital.Baka kung mapaano pa yang sugat mo._Aloha. Saka ko lang sya napakatitigan ng husto.Sya din yung mabilis na sumunggab dun sa lalaking nang hostage sa akin.
"Aloha? What are you doing here? Bakit bigla bigla ka na lang sumusugod? Hindi mo ba alam na delikado yung ginawa mo?_AKO
"Its a matter of life and death kaya hindi pwedeng wala akong gawin.Hahayaan ko na lang bang makita kang masaktan ng baliw na yun?Baka kung di ko ginawa yun,Malamang nalaslas na ng tuluyan yang leeg mo nun. _Aloha.Mabilis kaming sumakay sa kotse nya kahit na may naka antabay namang ambulance duon sa labas.
"Pero ikaw naman ang muntik ng mapahamak.May mga pulis naman dun at hindi naman nila hahayaang may mangyari sa akin.At isa pa,Medyo may alam naman ako sa self defense kaya hindi naman nya yun siguro magagawa sa akin._AKO
"Ang babagal kasi nilang umaksyon.Hindi dapat sila nag aantay na lang.That man is crazy at hindi natin alam kung kelan ka nya gagawan ng masama.Nung makita kong bahagyang nasugatan yung leeg mo,Hindi na ko nagdalawang isip pa na sugurin sya para makawala ka na sa pagkakahawak nya sayo._Aloha.Sa Guillermo Hospital nya ihininto ang kotse nya at inalalayan ako sa pagbaba.
Kaagad akong sinalubong ng tatlong doctor at limang nurse na mabilis akong iniupo sa wheelchair at saka pinagtulungang i check.So far,May maliit na sugat lang naman ako sa leeg na bahagyang nagdugo pero malayo sa bituka.Matapos ang paglilinis at paglalagay ng plaster ay kaagad din akong pinalabas sa room.