Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hangga't maaari ay iniiwasan kong magpakita sa media. Kasi naman ay wala silang tigil sa kakatanong tungkol sa lovelife ko.Bakit ba kasi napaka bigdeal sa ibang tao na ang isang LESBIAN na kagaya ko ay walang girlfriend na ipinapakilala sa lahat.
"Kasi nga naman ay napaka gandang lalaki mo,Kaya imposibleng wala kang nakaka date manlang na magagandang babae.Bakit ba naman kasi hindi kapa nag gi girlfriend ha,Bakla kaba?_Tanya.Babaeng bakla ang tawag namin sa kanya kasi nga ay hindi sya kagaya namin nila Sky na porma at ayos lalaki.
"Hindi bakla yan,Hindi pa lang kasi nakakatagpo ng katapat.Kita nyo kapag nainlove yan,Lahat tayo hindi na papansinin nyan.Kaya hayaan nyo na muna syang maging single muna pansamantala!_SKY.Gaya ng dati,Si Sky na naman ang unang nalalasing kapag may inuman kami.
"Pero bilib ako sa bagong sports mo ngayon ha,Paragliding!Parang gusto ko ding matry yan. Ano bang kaibahan nyan sa parachute?May mga nahulog naba dyan ha AJ?_Lloydie.Sila yung mga kaibigan naming mga FA.Pero sa ibang Airline sila nagta trabaho. Dati rati kasi ay mga ka schoolmate namin sila nung college.Pero after naming grumaduate,Nagkanya kanya na kami ng landas.Kami na lang ni SKY ang nagpursue sa pagpa PILOT sa ibang bansa.
"So far wala pa namang malalang kaso ng pagkahulog sa paragliding.Ibang iba sya sa parachute dahil unang una,Hindi ka mang gagaling sa itaas dahil ikaw mismo ang magdadala paakyat ng sarili mo paitaas. Masaya din kasi lalo pa at nararamdaman mong kahit walang elise ay kaya mong makalipad._AKO
"Kaya nga sobrang badtrip ng tatay nya sa kanya eh.Papano naman,Ayaw na ayaw nyang maglaro ng golf.Takot daw syang maarawan.Tapos mas trip pa pala nyang magpalipad lipad na parang saranggola.Wala tuloy makasama yung tatay nya._SKY. Unlike Sky kasi na pareho sila ni Ninong TOP na mahilig mag golf.Magkaiba naman ang gusto naming dalawa ni Tatay GD na libangan.
"Pero maiba ko guys ha,Wala ba kayong balak na magsipag asawa na? I mean,mga tapos na naman tayo at mga magaganda ang trabaho.Wala ba kayong balak na magka baby na at magkaroon ng partner sa buhay?_Tanya.
"Ewan ko sa kanila pero ako,May kalive in na ko at nag iipon nalang kami para magka baby na.Kasi gusto ko na talagang may bata na kinakarga.Lahat naman tayo ganun ang pangarap diba?_Lloydie.Loida ang real name nya pero since ganap na syang lesbian ay nagpalit na din sya ng name.
Dati naman ay hindi pa maikli ang hair ko during college days.Pero nang bumalik dito si Sky ay saka ako nagkalakas ng loob na magpa gupit na din gaya nya. Pero kahit naman hindi pa maiksi ang hair ko dati,Alam naman na nila Nanay at tatay na Lesbian at heart ako mula ng bata pa.
"Syangapala guys,May Reunion daw ang batch natin sa HS. (MARY THE QUEEN UNIVERSITY) Exclusive school iyun na para sa mga babae lamang.Pawang anak mayamang negosyante lang ang mga nag aaral duon.
"Aba'y teka naman,Papano kami aattend nyan kung ganito ang mga itsura namin?_SKY.
"Bakit,Ano namang problema sa itsura nyo aber?_Tanya.
"Mukha na kaming mga lalaki.Ano na lang ang sasabihin ni Mother Mary sa amin kapag nakita nya kaming ganito na ang mga porma namin ni AJ?_SKY.Paborito naming teacher si Teacher Mary(Isa syang cool na madre)Marunong mag gitara,Mahilig magbiro at makisakay sa mga kalokohan namin nuong mga nag aaral pa kami.
"Ano ba naman yan Sky.Sa sobrang sikat nyong dalawa,Malamang na alam at kilala na kayong mga ladlad ni Mother Mary noh! Kaya hindi na magugulat yun kapag nakita kayong ganyan kung sakali._Lloydie.
"Tama si Lloydie guys,Saka wala naman sigurong pandi deskrima na mangyayari dun knowning na sa mga exclusive school talaga mas nag ooriginate ang mga lesbyanang gaya natin.Hindi ba't kahit naman ang iba pa nating mga ka batch ay madami din ang lantad na ngayon? Si Missy na palagi nating muse nuon,Hindi ba ang arte at landi nun before? Kita mo ngayon,Lesbian na din pala._Tanya.
"Seriously? Si Missy na palaging maiksi yung palda? Tapos palaging nagmamadaling lumabas ng school dahil may nag aantay na lalaking ka date sa gate ng school natin,Isang lesbian na ngayon?_AKO. Hindi lang kasi ako makapaniwala,Makapal kasi yun mag make up kahit dati pa.Saka hindi sya nawawalang ng boyfriend dati.
"Wala ng iba pa.At ito pa ang balita ah...Mahilig daw manulot ng jowa ng may jowa.Kasi nangyari na sa kanila yun nung bff nyang si Valerie kaya sila nagkaroon ng gap.Mismong sa condo pa nila ng jowa nya nahuli ni Val na nagsi sex yung dalawa._Tanya.
"Teka nga,teka nga! Bakit ba ang dami mong alam sa mga naging ka batch natin ha Tanya? Don't tell me madalas mo silang nakaka meet noh?_SKY.
"Naku,Walang di pinalalagpas yang si Tanya guys.Lahat ng nasa star section,Ka close kaya nyan.Kahit naman nuon pa diba,Miss Congeniality na talaga yan._Lloydie.
"Sabagay nga.Pero teka,Kelan naman daw yan gaganapin at saan kung sakali?Baka mataon na may flight tayong lahat nyan kaya dapat sabihin kaagad nila kung kelan._SKY
"Para ano pa at naging VILLAREAL itong si AJ diba? Magagawan ng paraan yan.Saka sasabihan ko naman kayo kaaagad kung may update.Wag kayong mag alala. Mas mahirap pa nga kung kami ang matatapat na may work sa araw na yun kung sakali kasi wala kaming kakilalang anak duon ng may ari ng eroplano._Lloydie.
"Hahahaha.Tomo! Kaya dapat na siguro kaming lumipat na lang din sa VAL para pwede tayong biglaang maka absent. _Tanya.
"Sira! Mas mahigpit kaya ako kaysa sa tatay ko noh.Bawal ang palaging late at absent dun.hahahha._AKO. Alam ko namang nagbibiro lang si Tanya dahil simulat sapul ay nanduon na sila sa kalabang aviation.Mga loyal awardee na sila duon kaya hindi na sila aalis sa kumpanyang iyun.
"Basta ganito na lang guys,Kapag lahat kayo ay aattend sa araw ng reunion,sabihan nyo na lang ako sasama din ako dyan.Gusto ko din silang makita ulit.Lalo na si Mother Mary._SKY.Naalala ko nuon na may crush nga pala si Sky kay Mother Mary kaya siguradong gusto nya itong makaharap muli.