Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kalat na kalat na sa buong VAL ang pagpo propose ko kay Aloha nung nakaraang gabi.Nag viral na din sa social media ang ginawa kong pagluhod sa kanya at pag abot ng bulaklak.Dahil sa kalasingan ay nalagay ang pangalan ko sa kahihiyan.Kaya naman hindi ko magawang lumabas muna ng bahay sa hiya.Nagpaalam din ako sa Val na hindi na muna makakapag duty pansamantala.
"Gari ano ba,Lumabas ka na dito at kakain na!Tigilan mo na yang pagpapabebe mo dyan at hindi kana nakakatuwa!_Ate Marie.Buhat ng mag open kaming lahat kay Inang about sa relasyon at pagkatao namin,madalas ng umuwi dito ang Ate Marie.Tuwing unang linggo naman ng buwan ay nag i stay dito sina Ate Issay at ang asawa nya.Yun kasi ang parehong nilang RD na magkasabay sila.
"Ate,Hindi ako nagpapabebe okey!Wala lang talaga ako sa mood.Mamaya na lang ako kakain kapag nagutom ako._AKO. Mula sa kwarto ko ay malakas ang pag uusap namin dahil ayaw kong pagbuksan sya ng pinto.
"Maglalasing lasing ka tapos mahihiya ka sa pinag gagagawa mo! Ano namang masama kung ikaw ang mag propose sa nobyo mo ha,Uso na ngayon yun!Kita mo nga,Nag viral pa kayong dalawa.Mamaya nyan,Magiging Sikat ka ng FA at mai interview kapa sa tv pag nagkataon._Ate Marie.
"Ate naman eh! Isa ka pang mapang asar! Kita mo na ngang hiyang hiya na yung tao,Lalo mo pang pinaaalala.Umalis kana nga lang,Ayoko kitang kausap!_AKO.Saka ko tinakpan ng kumot ang dalawang tenga ko para wala na akong madinig.
Maya maya lang ay nadinig kong may nagbukas ng pinto sa kwarto.Nakatalikod kasi ako sa pinto. Malamang ay si Ate Marie yun at hiniram kay Inang ang duplicate key.
"Ate naman Marie naman eh.Bakit ba ang kulit mo! Sinabi ko na ngang ayoko na munang makipag usap eh.Kung aasarin mo lang din ako dahil sa kahihiyang nagawa ko,Wag na tayong mag usap muna.Wala ako sa mood ngayon!_AKO.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hindi naman kita aasarin eh...I ko comfort lang kita para kahit papano mabawasan yang nararamdaman mo._ Saka ako napalingon sa may bandang pintuan.Kundi ako nagkaka mali si AJ ang nagsasalita at tama nga,Sya nga at wala ng iba pa.
"AJ... What are you doin here? Hindi ba't isang buwan ka pa sa Brisbane? Anong ginagawa mo,Papano ka nakauwi kaagad?_AKO.Kaya ako naglasing ng husto last night dahil nga isang buwang mawawala si AJ.May assembly/seminar kasi ang mga junior piloto at sya ang napiling representative ng kanilang batch.
"Well,Ayaw ko namang mag isa lang na harapin ng mahal ko ang mga nangyayari ngayon sa kanya.Syempre naman,Dapat lang na bigyan natin ng justice ang mga nagyari sayo para naman hindi kana masyadong mahiya sa kanila.At para tigilan ka na din nilang lahat._Aloha.Saka ako napa kunot nuo sa sinabi nya.
"Teka papanong mabigyan ng justice? Saka papano nga kasing nandirito ka na ngayon at wala ka sa Brisbane? Paki explain mo nga muna sa akin.Naguguluhan kasi ako._AKO.Napabangon ako sa kama ng di oras.
"Honey naman,Kumalma ka lang okey? Para dun sa una mong tanong,Kung bakit ako nandito...Hindi kasi ako makatiis na malayo sayo ng matagal,Kaya pinaki usapan ko si Sky na sya na muna ang pumalit sa akin duon.Kaya eto,Nandito na ko ngayon.Ayaw mo ba?_AJ.Saka sya yumakap sa akin ng mahigpit.
"Buti at pumayag si Sky na pumalit sayo? Pinayagan sya ni Martha?_AKO.Hindi nagtagal ay naging magkasintahan na din kasi sila sila Skyler at Martha.
"Bakit naman di sya papayag kung pati si Martha naman ay kasama nya dun? Tuwang tuwa nga kasi matagal tagal din yung isang buwan.Libre hotel pati eroplano tapos may allowance pa kaya for sure ay mag eenjoy silang dalawa duong magkasintahan._Aloha.Mabuti na lang din at pala travel din si Martha na gaya nya kaya kahit saan ay pwede silang magkasamang dalawa.
"So papano na ko nyan,Nakakahiya! Bakit ba naman kasi ang OA ko magpakalasing.Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa mga taga Val.Sasabihin ng mga junior ko na desperada na ako kaya ko nagawang mag propose sayo sa party.haaaaist!Tapos pati sa parents mo,Ano na lang ang sasabihin nila sa akin._AKO.Since nagviral ang ginawa ko kaya halos lahat na ng tao ay kilala na ako bilang si PROPOSAL LADY.
"Honey,Wag kang mag alala.Pinabura ko na yung kumalat na videos.At saka wala ding manunukso sayo sa VAL dahil sinabihan ko na sila na bawal ng pag usapan pa ang mga nangyari.About naman kina Nanay at Tatay,Wag kang mag alala dahil hindi naman makitid ang utak ng parents ko at naiintindihan ka nila.Infact,Gusto ka nga nilang muling i invite sa house._AJ
"Honey naman,Please lang wag na muna sana ngayon.Kasi naman ay nakakahiya talaga.Ayoko na munang magpakita sa mga tao, lalo pa sa parents mo._AKO
"Okey okey sige na hindi na kita pipilitin.Tatawagan ko na lang muna sila na hindi kapa ready makipag usap. Pero please kumain kana muna.Ang sabi ng Inang,Kagabi kapa walang maayos na kain at hindi lumalabas ng kwarto. Hindi naman yata tamang magkaganyan ka dahil lang duon. _AJ
"Honey,Nasasabi mo lang yan dahil nga kasi hindi naman ikaw yung nalagay sa kahihiyan.San kaba na kakita na kababae kong tao,Ako pa yung lumuhod sayo at nagpropose? Para namang atat na atat ako sayo sa ginawa kong yun._Ako
"Ano namang masama sa ginawa mo? At ano namang problema kung babae ka? Babae din naman ako hindi ba? Dapat bang pati sa pagtatapat mo ng nararamdaman ay isa alang alang kung sino dapat ang manguna?Hindi ba dapat pantay pantay lang lahat dapat? Wala akong nakikitang nakakahiya sa ginawa mo,Bumilib pa nga ako dahil hindi ka natakot na sabihin sa akin yang totoong nararamdaman mo._AJ
"Honey...Sorry.Talaga lang nahihiya ako sa mga tao sa ginawa ko.Lalo na sa parents mo at sa mga taga Val. Hindi ko na talaga napigilan ang damdamin ko.Sa totoo lang,Natakot talaga ako eh.Isang buwan ka kasing mawawalay sa akin.Para kasing di ko kakayanin kapag di kita makita ng isang buwan.Pero hindi naman dapat dumating sa point na kinailngan ko pang lumuhod at saka mag propose sayo._AKO.
"Wag mo ng isipin pa yun.Kasi hindi naman mahalaga ang sasabihin ng iba.Ang mahalaga ay yung magkasama tayo ngayon at masayang masaya.I love you my OLDMAID Gari and I wanna be with you til the rest of my life._Aloha. Saka kami naghalik sa labi bilang tanda ng wagas naming pagmamahal sa isat isa.