Ito ang unang beses na napatawag ako ng head ng pamunuan ng VAL.Madaming beses ko na din namang nakaharap si Sir Policarpio nuon pa pero ngayon lang para kastiguhin.
Kaya naman medyo alanganin ang senaryo ngayon sa loob ng opisina."So ngayon,Bibigyan ko kayo pareho ng oras para sabihin at magpaliwanag ng kanya kanya nyong mga panig.At ang apat na nasa harapan nyo ngayon ang syang magpapasya kung ano ang nararapat na parusa para sa inyo._Head chief Policarpio.Ka edad sya ni Tatay at isa din sa mga loyal na tauhan ng VAL.
"Sir,Ganito po kasi ang nangyari.Masaya po kaming magkakausap ng mga kasamahan kong mga junior pilot din at saka yung mga FA duon sa party ng bigla na lang akong lapitan ni Villareal.Since medyo nakainum na din nga po ako,Natural na medyo hindi na din ganun kaayos ang lagay ko.I mean,halo halo din po kasi ang mga alak na iniinum sa party kaya madali kang tamaan._Eric.Napakunot ang nuo ko pero hindi naman ako nagsalita.
"So aminado ka na wala ka na din sa wisyo ng mga oras na yun ganun ba Capt.Serrano?_Sir Jaime.
"Parang ganun na nga po sir.Kaya po ng tawagin nya ako at sinabihang sumunod dun sa likuran ng stadium,Medyo nag alangan ako.May mga bodyguard pa kasi syang kasama ng mga oras na yun sir.Tapos ayun na nga,Kinumpronta nya na ako about sa panliligaw ko nga kay Miss Asuncion._Eric.
"At bakit sa palagay mo kailangan kang kumprontahin ni capt.Aloha sa panliligaw kay Miss Asuncion? Mayroon bang namamagitan sa kanilang dalawa?_Capt.Mariano.
"Hindi ko po alam Sir.Basta ang alam ko...Madalas na magreklamo itong si Miss Asuncion sa kaibigan nya na palagi daw syang inaasar at ginagalit ni Capt.Villareal.
Kaya naman bilang manliligaw nya,Natural na isaalang alang ko ang damdamin ng nililigawan ko._Eric."Ibig mong sabihin,Kaya kamo kinumpronta ka ni Capt.Aloha ay para pagsabihan ka na wag mong ligawan si Miss Asuncion? Pero bakit ka nya pagbabawalan kung sakali gayung ang sabi mo ay kinaaasaran naman pala sya ni Miss Asuncion? Ano namang motibo nya duon kung sakali?_Capt Bernardo.
"Kaya nga po sir,Dahil siguro inis sya kay Miss Asuncion kaya sa akin nya ibinunton ang galit nya dun sa FA.Parang ang gusto nyang mangyari siguro,Wag kong ligawan si FA Asuncion para masolo nya ang atensyon sa kanya ni Miss Gari._Eric.
"Tapos nang magtalo kayo,Bigla ka nya kamong itinulak tama ba?Sa palagay mo ba,Sa payat nitong si Capt.Aloha ay maisasalya ka nya ng husto sa sahig? Para namang napaka hina mo naman Capt.Serrano?_Sir Policarpio.
"Nakainum nga po kasi ako Sir kaya ganun.Kaya sa sobrang gulat ko ay bahagya akong napadapa sa lapag at hindi ko naman akalain na ganun pala sya ka bayolenteng tao._Eric
"Okey sige,Ikaw naman Capt.Villareal ang maglahad ng sarili mong version._Sir Policarpio.Tumango naman ako at saka tumingin sa kanilang lahat bago magsalita.Huminga ng malalim at saka pinakalma ang sarili.
"Sa totoo lang po,Nahihiya ako sa inyong lahat sa mga nangyari.Ayoko na po sanang iparating ito sa inyo dahil para sa akin ay himdi naman sya ganun kalaking isyu.Pero para na din sa ikakapanatag ng lahat,Sasabihin ko lang po kung ano nga ba ang talagang totoong nangyari._AKO
"Just tell them the truth at wag ka ng magpaliwanag pa.
Alam mong kaya tayo humantong sa ganito ay dahil sa tinakot moko na paaalisin ng Val.Wag mo ng paikutin pa ang lahat sa pagkuha ng simpatya na ikaw ang biktima dito._Capt.Serrano.Napangisi ako pero saglit lang.Sa totoo lanh,Ngayon ko sya gustong sapakin talaga dahil sa kasinungalingang pinagsasabi nya."Hayaan nating makapagsalita naman ang kabilang panig Capt.Serrano.Sya naman ang maglalahad ng kanyang bersyon sa nangyari kaya ireserba mo na lang yang speech mo mamaya._Sir.Jaime
"Kasalukuyan po akong nakikipag usap sa mga bisita sa party ng lapitan ako ni Capt.Serrano na halata namang nakainum na ng madami dahil medyo malakas na ang boses nya.Sinabihan nya ako na mag usap daw kaming dalawa tungkol sa ginagawa kong pang iinis palagi kay Miss Asuncion.Kaya naman para makaiwas na din sa gulo,Sinabihan ko syang sumunod sa akin sa likod nga ng stadium.Lilinawin ko lang na pinalayo ko ang mga bodyguard ko ng mga oras na yun hindi kagaya ng sinasabi nyang nasa likod ko lang ang mga bodyguard ko._AKO.
"Thats a Lie! Pinalibutan ako ng mga bantay mo._Eric.
"Capt.Serrano,I told you to keep silent.Mamaya ka na magsalita muna._Sir Policarpio.Agad naman syang tumahimik at saka ako muling nagsalita.
"Sinabihan nya ako na malakas lang daw ang loob ko kasi may mga bantay ako kaya sinabihan ko ang mga guard ko na iwanan muna kami.Pasigaw nyang sinabi sa akin na MASYADO daw akong EPAL at papansin kay Miss Asuncion.Alam ko na nga daw na nanliligaw sya pero umeeksena pa ako.Porke daw anak ako ng may ari ng VAL,Feeling ko na daw na lahat ng mga babae makukuha ko ng ganun ganun lang.
And then he push me sa isang corner kaya natural lang na itulak ko din sya.Dahil nga lasing na,Kaya siguro na out of balance kaya napasubsob sya sa sahig._AKO"Kahit lasing ako,Kaya ko ang sarili ko.Hindi mo lang ako itinulak,Talagang sinadya mo akong saktan.Kasi nga nai insecure ka dahil ako ang palaging kasama ni Miss Asuncion at ayaw nya sayo kasi palagi mo lang syang binubwisit.Sinabihan mo pa nga ako na kahit tomboy ka, kaya mo ding gawin ang ginagawa naming mga lalaki para mapaligaya ang babae._Capt.Serrano.
"Actually,hindi ko na kailangang magpaliwanag pa.Sa bibig mo na din mismo lumalabas kung anong klase kang tao talaga.Your words against mine.
May mga cctv ang buong stadium kaya malalaman naman ng lahat kung ano ba talagang nangyari.Para lang din sa kaalaman mo Capt.Serrano...KUNG TOTOONG MALINIS ANG INTENSYON MO SA PANLILIGAW mo kay MISS Asuncion,Wag mo syang gamitin para lang mapansin.Wag syang gawing dahilan para manira ng ibang tao dahil sa pansarili mong interes.At wag na wag mong MINAMALIIT ang pagiging LESBIAN ko para lang maka puntos ka sa kanya.Alalahanin mo,Hindi basta bastang babae lang si Gari.At hindi ang kagaya mo lang na BASTOS at USER ang nararapat sa kanya!_AKO.Hindi naman nakaimik sa akin si Eric.Matapos ang mahigit isang oras na pagpapaliwanagan ay saka pa lang kami pinauwi ng mga opisyal.Saka na lang daw nila kami muling ipapatawag kapag napag aralan na nila at natignan ang cctv footage.Sasangguni din daw sila sa lawyer ng VAL para mas lalong mapabilis ang kaso.
Saktong papasok na ako sa kotse ng biglang sumulpot sa harapan ko si GARI.
BINABASA MO ANG
" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXG
RomanceStrict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...