74.ALOHA

736 38 6
                                    

Makapananghali bago pa ako nakarating sa bahay ng pamilya ni Gari sa Bulacan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makapananghali bago pa ako nakarating sa bahay ng pamilya ni Gari sa Bulacan.Yun kasi ang itinakdang oras ng Inang ni Gari para kami makapag usap.Pag uusap na hindi ko alam kung ano nga ba ang kahahantungan ng lahat.
Ngayong araw ko kasi ipagpapa alam sa Inang ni Gari kung pupwede ko syang ligawan.

"Magandang tanghali po Ma'am...I mean,Inang.Paumanhin po sa abala.Alam ko po na oras ng pagsi siesta nyo kapag ganitong oras kaya humihingi po ako ng dispensa sa pang iistorbo ko sa inyo._AKO. Saka ako nagmano na nakaugalian ko na din kapag papasyal ako dito sa kanila.

"Naku iha,Ako nga'y sawang sawa na din ng kahihiga palagi.Mabuti nga at nagpunta ka dito at may makakausap naman ng matino.Papano yang si Berta ay puro kalokohan ang ikinukwento sa akin palagi.At kakokorni ng mga hirit na jokes kaya akoy umay na umay na ryan sa batang yan._Inang.Bahagya akong nangiti sa biro nya.Actually,Kay Berta muna ako nagpasabi na gusto ko ngang makausap si Inang.At madali naman syang pumayag ng kausapin ko na tru videocall.

"Ganun po ba,Salamat po sa pagpayag nyong makausap ko kayo._AKO.

"Tungkol nga ba saan yang sasabihin mo? Para kasing bigla ka yatang sumeryoso dyan.Ano bang dapat mong ipagpaalam sa akin,Magpapakasal kana ba ha Iha?_Inang.

"Naku hindi po!Malayo pa po yan sa isip ko.
Ang totoo po kasi nyan,Hindi ko po alam kung papano ko ba sisimulan ang sasabihin ko.Pasensya na po at talagang kinakabahan po ako ng sobra ngayon._AKO.

"Aba'y bakit ka naman kakabahan? Kung talagang maganda ang hangarin mo at intensyon mo ay sasabihin mo na. Wag mo ng patagalin pa at magsabi ka na kaagad._Inang

"Kasi po ay hindi ko alam kung papano ko sisimulan.
Pero ang totoo po nyan,Gusto ko lang pong malaman nyo na malinis po ang hangarin ko at intensyon ko kaya po ako ngayon nagpapa alam sa inyo.Wag po sana kayong mabibigla sa ikukumpisal ko.Ngayon pa lang po ay humihingi na ako ng kapatawaran sa sasabihin ko._AKO

"Aba'y ginawa mo pa akong pari.Bakit naman mangungumpisal ka sa akin.Mali ka yata ng pinuntahan.Sa simbahan ka dapat nagpunta at hindi sa akin.hahahahha.
Pero biro lang yun anak,Gusto ko lang naman mabawasan ang kabang nararamdaman mo.Kung ano man yang sasabihin mo ay handa akong pakinggan kaya wag ka ng mangamba pa at sabihin mo na kaagad sa akin._Inang.

"Opo Inang...Kasi po ay nandirito po ako ngayon para po sana humingi sa inyo ng permiso para po ligawan si Gari.Alam ko po na mahirap ipaliwanag kung papano at kung kelan nagsimula pero malinis po ang hangarin ko sa anak nyong si Gari.Mahal ko po sya at nakahanda po akong gawin ang lahat para lang matnggap nyo ako._AKO.
Bago pa man ako dumating dito sa kanila ay pina check ko na kay Berta ang BP ni Inang at siniguradong nakainum na sya ng maintenance medicine nya.Para kung sakali man ay walang masamang mangyari sa kanya.

"Liligawan mo kamo ang anak kong si Gari? Aba'y ang alam ko ay magkasintahan na kayong dalawa hindi ba?_Inang.Napatingin ako sa kanya at saka ako biglang nag blush.Papanong nalaman ng Inang na magkasintahan na kaming dalawa?



"Pero Inang,Gusto ko pa din pong idaan sa tamang proseso ang lahat.Ayoko pong isipin nyo na binalewala ko kayo ay hindi isinaalang alang ang damdamin nyo.Kaya nga po ang gusto ko po sana ay muli akong umakyat ng ligaw dito sa bahay nyo kay Gari para naman po maipakita sa inyo na sincere ako kay Gari at malinis ang hangarin ko sa kanya._AKO

"Hindi naman ako makalumang tao iha.Hindi mo naman na kailangan pang gawin iyun para lang mapatunayang tapat ang hangarin mo sa aking anak.Kung talagang nagmamahalan kayo,Sino ba ako para humadlang.Ako'y nalulungkot dahil hindi ko naiparamdam sa aking mga anak na pwede naman nila akong pagsabihan ng kung anong mga nararamdaman nila.Kaya tuloy nagkaroon sila ng pader at natakot na magsabi sa akin.Hindi ko din naman sila masisisi.
Ako man ay magkakamali at pagkukulang din sa kanila._Inang.

"Inang,Wag na po nyong sisihin ang sarili nyo.Wala pong ina ang gustong mapahamak ang kanilang mga anak.
Nagkataon lang din po na nagkaroon sila ng pag aalinlangan na ipakita ang totoong sila dahil ayaw ka nilang madisappoint.Ayaw ka nilang bigyan pa ang alalahanin at suliranin.Alam ko po na pare pareho lang kayong concern sa isat isa at sobra nyo po silang minamahal at ganun din po sila sa inyo._AKO

"Kaya nga ang sabi ko sayo,Hindi mo na kailangang manligaw pa.I enjoy nyo na lang ni Gari ang pagiging magkasintahan nyo.Alam ko namang pareho kayong nagmamahalan.Nakikita ko yung pareho sa inyong dalawa kahit hindi nyo aminin sa akin._Inang.Bigla akong napayakap sa kanya at saka napaluha.Hindi ko inaasahan na mabilis nya kaming mauunawaan at matatanggap ni Gari.

Hindi ko inaasahan na mabilis nya kaming mauunawaan at matatanggap ni Gari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Maraming salamat po Inang.Pinasaya nyo po ako ng sobra!
Kapag po nalaman ito ni Gari ay siguradong masayang masaya din po sya gaya ko.Sobra po ang kaba ko kanina pag punta ko dito,Pero ngayon po ay napalitan na yun ng sobrang kaligayahan.Maraming salamat po sa pagtanggap. Hindi ko po talaga ito inaasahan._AKO

"Walang anuman.Ang mahal ng anak ko ay mahal ko na din.
Nagpapasalamat din ako sayo dahil binigyan mo ng kulay ang buhay ng anak ko.Hindi na sya gaya ng dati na mataray at masunget.Alam mo bang madami ang nagtatangkang manligaw dyan nuon kay Gari pero dahil sa kasungitan nya ay hindi na nila itinutuloy pa ang panliligaw? Kaya nagpapasalamat ako dahil hindi mo sya sinukuan._Inang.Nangiti na lang ako.Kung alam lang ni Inang ang pinagdaanan ko nuon bago ko si Gari tuluyang mapasagot.

"Matagal na pong balak ni Gari na magtapat sa inyo ng about sa amin.Kaya lang po ay natatakot sya.
Kahit ako man po ay natatakot din,Kaya lang ay talagang gustong gusto ko na po kasing maging ganap na ang pagmamahalan namin kaya po ako humarap sa inyo.
Salamat po talaga Inang sa pagtanggap._AKO

"Wala naman akong hangad kundi ang matupad ang wish ko na magkaroon na ng apo.Kaya yun sana ang hihilingin ko sayo, Bigyan nyo ako ng Apo ni Gari at wala kayong madidinig sa akin._Inang.

Nagkasundo kami ni Inang na wag na munang ipaalam kay Gari na nagsabi na ako sa kanya ng tungkol sa amin bilang magkasintahan.Ang gusto daw kasi ng Inang ay si Gari mismo ang magsabi sa kanya tungkol sa status namin at hayaan syang mismo ang mag open up sa kanya ng kanyang saloobin.Gusto lang daw ng Inang... gaya ng dalawang ate nya ay maging open na sila sa isat isa at walang itinatago tungkol sa pagkatao nila.





" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon