Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mas madami pa din ang time na nasa himpapawid kami para magtrabaho ni Gari kaysa sa oras naming magkasama. Lalo na si Gari na talagang pagdating sa trabaho ay napaka dedicated at focus.She is always professional kahit na kami pa ang magkasama sa isang flight.Kapag nasa labas na kami ng airport ay saka lang kami bumabalik sa normal bilang magkasintahan.
"Honey,Matagal pa ba yang ginagawa mong report? Nagugutom na ko eh.Iwan mo na lang muna yan at balikan na lang natin bukas._AKO.Nasa opisina kasi kami ng Val ngayon para sa ginagawang report ni Gari.
"Sandali na lang ito hon,Isang page na lang.Sabi ko naman kasi sayo na mauna kana dun sa baba,Mag order kana din para pagtapos ko dito kakain na lang tayo._Gari Mula ng maging magkasintahan kaming dalawa ni Gari, madalas na din akong makisabay sa mga empleyado ng Val para kumain sa canteen.Na dati naman ay hindi ko nagagawa.Sa Cafeteria pa kasi kami kumakain nuon ni Sky kung saan din kumakain ang mga may mga katungkulan sa Val including Tatay GD.
"Ayoko namang mag isa dun sa canteen hon,Gusto ko kasama kita.Saka pwede bang sa cafeteria na muna tayo kumain ngayon,Na mimiss ko na yung tuna belly nila duon eh. _AKO.
"Para kang bata captain Aloha!hahahaha. Kahit saan mo naman gusto,Sasamahan kitang kumain.Pero please lang,Bigyan mo lang ako ng ilang minuto para makapag focus dito sa report ko okey? Saglit na lang ako dito promise._Gari.Wala naman akong choice kundi mag antay sa kanya kaya kinuha ko na muna ang fone ko at saglit na nag browse sa IG account ko.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
VILLAREAL GROUP :TOP(1)BILLIONAIRE IN THE COUNTRY TODAY.
Hindi na ako magtataka kung ang VG ang nasa top one ngayon ayon sa forbes.Kasi naman ay wala na yata halos pahinga ang parents ko sa pagpapalago ng kumpanya at hindi na kami madalas magkita kita sa bahay.Bagay na ikinababahala ko.Kasi naman ay hindi na din bumabata ang mga magulang ko at hindi magtatagal ay ako na ang susunod na mamamahala ng kumpanya.Malalampasan ko ba o mahihigitan pa ang legacy na kanilang sinimulan?
"Mukhang malalim ang hugot ng honey ko ah!Ano ba yang nabasa mo na naman sa fone mo at bigla yatang nawala yang energy mo ha? May problema na naman ba,May mga fake news na naman bang patungkol sa iyo?_Gari.Saka ako biglang napaunat.Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Gari dahil sa lalim ng iniisip ko tungkol sa kumpanya.
"Wala naman,In fact maganda nga ang balita nila ngayon eh.Ang VG ang nasa top list ngayong taon according to Forbes._AKO.Ipinakita ko sa kanya yung list ng top ten Billionaire. Nasa pang siyam ang PAMINTUAN Empire at pang sampu naman ang MONTENEGRO Group.Habang nasa pang dose na ang GUILLERMO Corp.(Madami kasi ang magkakapatid na naghati hati sa Guillermo corp kaya hindi na solid ang yaman nila.Tanging si Boss Terry Guillermo nalang na Daddy ni Katie ang talagang pinaka mayaman sa kanilang lahat)
"Wow,Ang galing naman ng VG!Parang first time nyong mag top one right hon?Para kasing last year lang ay nasa top 3 kayo tapos ngayon nasa number one spot na.Congrats honey!_Gari.Niyakap nya ako bilang pagbati.Ngumiti naman ako sa kanya pero nandun pa din ang pag aalala.
"Salamat Hon.Ang bilis nga ng pag angat ng VG eh,Parang ang hirap ng ma maintain kapag ganun.Kaya pala halos hindi na kami magkita kita sa bahay nila Nanay at Tatay kasi nga may gusto silang ma achieved. Anyways,Are you done with your report na? Lets go na._AKO.Hinawakan ko sya sa kamay at saka kami lumabas na ng office.Like any other bosses,May sariling daan ang mga VIP sa loob ng VAL at madalas na dito kami dumaan ni Gari pag magkasama pero mas pinili kong sa karaniwang exit door kami lumabas this time.
"Honey,Bakit dito tayo dumaan? Pinagtitinginan tulo tayo ng mga tao._Gari.Hindi ko kasi binitiwan ang kamay nya habang naglalakad kami.
"Hayaan mo lang silang magsipagtinginan.Mabuti na yang masanay na silang nakikita tayong magkasama.Kaysa naman kapag di tayo nakaharap ay panay ang chismisan nila about us.Relax ka lang honey.Ngitian mo lang sila kapag binati ka nila._AKO.
"Captain Villareal,Miss Asuncion! Its nice to see you both here.Aba'y matagal tagal ko na ding nadidinig ang mga bali balita tungkol sa inyo at mukhang hindi nga lang pala talaga basta chismis lang yun dahil nandito kayo ngayon._Captain Santiago.(Isa sa mga senior pilot ng Val) Nandun din sa cafeteria ang iba pang senior pilot na sina Capt.Mariano,Captain Mendoza at si capt. Ramos.
"Good afternoon po captain.Its nice to see you all here. Isang karangalan po sa amin na makasabay kayong mga senior captain ngayong araw na ito sa iisang kainan. Btw,This is my girlfriend nga po pala...Si FA Gari Asuncion po._AKO.Inakbayan ko si Gari na kagaya ko ay nahihiya din dahil nga mga nasa mataas na posisyon ang mga kaharap namkn ngayon.
"Good Afternoon po Captain.Glad to see you all here po mga sir...I mean mga boss po pala._Gari.Na halatang nini nerbyos sa mga kaharap namin.
"Hahahaha.Napaka formal nyo naman dalawa sa amin. Natatakot ba kayong makatanggap ng mababang grado sa amin kaya para kayong hindi na makapagsalita dyan ha? Wag kayong mag alala,Wala kaming dalang mga grading sheet today.Nandito kami para mag celebrate._Capt.Mendoza.Minsan ko na syang nakasama sa flight going to Hawaii kaya alam kong isa sya sa malapit kay Tatay.
"Thats right.Nandito kami para maki celebrate.Ang akala nga namin para sa pag aanunsyo na ng kasal nyo okasyon ngayon eh.hahahaha. Hindi naman sa mausisa ako noh mga anak,Kelan nyo ba balak ng lumagay sa tahimik? Alam nyo naman yang si GD,Excited ng magka apo at inggit na inggit sa amin kapag kinukwentuhan namin sa mga apo namin.hahahaha._Capt.Ramos.
"Naku mga Sir,Medyo malayo pa po yun sa plano sa ngayon. Mauna na muna sina Maui at Zee kaysa sa amin.Madami pa po kasi kaming kailangang iprioritize bago namin yun maisa katuparan._AKO.Nagkatinginan kami ni Gari at saka ko bahagyang pinisil ang kamay nya.Sa totoo lang kasi,Gustuhin ko mang yayain na siyang magpakasal kami pero pakiramdam ko ay hindi pa ako ganun ka ready.