34.ALOHA

713 31 5
                                    

Parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko ng makita kong masayang na uusap sina Gari at Serrano habang palabas ng resto kung saan kami ay papasok naman ni Doc Ayen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko ng makita kong masayang na uusap sina Gari at Serrano habang palabas ng resto kung saan kami ay papasok naman ni Doc Ayen.
Bakit sa dinami dami naman ng oras at araw ay ngayon pa sila nag date.Kung kelan ako napilitang samahan si AYEN para i meet yung bago nya daw na manliligaw(or jowa na) na gustong ipakilatis sa akin.

"Captain Villareal! Glad to see you here! Sayang nga lang pauwi na kami ni Gari.Mas okey sana kung nakasabay namin kayong mag dinner din._Capt.Serrano.Kumamay pa sya sa akin bilang pagbati.Alam kong masayang masaya sya sa mga oras na ito dahil kasama nya ang pinaka magandang FA ng VAL.

"Hello there!Im Doc Ayen Soriano.Hindi ko alam na mga gwapo at magaganda pala talaga lahat ng mga piloto at FA ng VAL.Parang lahat na yata kayo duon mga pinagpala._Ayen.Nakatitig sya kay Serrano na totoo namng isa sa pinaka gwapng piloto ng VAL.

"Good evening!Glad to see you here captain and Miss Asuncion.Sayang nga at mukhang pauwi na kayo.Anyways,Mas mainam nga siguro kung uuwi na si Miss Gari sa kanila bago pa lumalim ang gabi.Ingat na lang sa pag uwi Miss Gari._AKO

"Salamat.Kailangan ko na nga talagang umuwi para hindi abutan ng ulan.Salamat sa paalala.Mauuna na kami,Doc. and captain.
_Gari.Ngumiti naman sa kanya si Ayen at saka sila naglakad na sa abangan ng taxi.Saktong naka abang na nga duon ang taxi kaya mabilis naman syang naka sakay.Dali dali naman akong nagtext sa driver ko na sundan ang taxi hanggang sa Bulacan para masigurong safe makakauwi si Gari sa kanila.

"Manliligaw ba ni Gari yung pilot na yun?Iba din talaga ang karisma ni Miss Gari noh,Puro gwapo ang mga taga hanga nya.Parang gusto ko tuloy magtanong sa kanya kung anong shampoo ba ang gamit nya.hahahaha._Ayen.Saka kami pumasok sa resto at umupo sa mesa na pina reserve na daw nya talaga.

"Teka,Bakit ikaw ang nagpa reserve ng mesa gayung dapat yung ka date mo ang mag set ng dinner date para sayo?
Saka asan na ba yun?Tama bang pag antayin ka nya dito mag isa?_AKO.Medyo di na nga kasi maganda ang gabi ko dahil sa nakita ko kaya nawala ako sa focus ngayon at gusto ko ng umuwi na lang.

"Relax ka lang dyan,Padating na yun!Wag kang mag alala kasi sya naman ang magbabayad ng mga yan.Ako lang ang nagpa reserved.hahahaha._Ayen.Maya maya pa ay dumating na nga yung sinasabi nyang manliligaw na kikilatisin ko daw.

"Hello babe!Akala ko hindi kana darating eh!Halika maupo ka.Wag kang mahiya,Friend ko yang si kapitan kaya wala kang aalalalahanin.Isinama ko muna para naman di ka mailang masyado._Ayen.Hindi ako kaagad nakapagsalita.
Kasi naman ay hindi ko ini expect na babae pala ang tinutukoy ni Ayeng makaka date nya.At ang hindi ko talaga inaasahan...SI ATE MARRIETA na pangalawang ate ni GARI pala ang babaeng inaantay ni Ayen na darating.

"He...Hello Captain.Nice meeting you._Ate Marie.Inilahad nya ang kamay nya bilang pagbati at mabilis ko din namang iniabot ang kamay ko.Bahagya nya yung pinisil at saka sya bahagyang ngumiti sa akin.

"Babe,Sya yung sinasabi ko sayo before na patay na patay ako.Ang gwapo naman talaga diba?Pero nung di pa tayo nagkakakilala nun ha.Pero ngayon syempre sayo na ko ded na ded.Alam mo yan._Ayen.

"Sya pala yung sinasabi mong piloto pinaiyak ka ng husto before.Hindi naman ako magtataka kung magka gusto ka sa kanya,Kasi naman ay gwapo naman talaga sya._Ate Marie.

"Hindi naman Ate...I mean Miss Asuncion.Nagkataon lang na wala na kasi syang nakikitang tao sa paligid nya nuon dahil puro sya trabaho kaya ako ang napag diskitahan.
Mabuti nga ngayon at marunong na din syang pumarty kaya madami na syang nakikilala at nakakausap._AKO.

"Hahahaha.Grabe ka sa akin kapitan.Anyways,papano mong nalaman na Asuncion ang surname ng babe ko? Ambilis mong makasagap ng balita ah.Pero seryoso ha,First time ko pa lang makikipag relasyon sa babae din ang pormahan kaya hindi ako sanay.Kaya isinama ko itong si AJ para naman hindi tayo masyadong obvious._Ayen.Duda kong si Ate Marie ang nagdecide na magdala si Ayen ng chaperon para hindi sya mabuko kung sakaling may makakilala sa kanya na isa pala syang closet lesbian.Kahit naman kasi si Gari ay siguradong walang idea sa kasarian ng ate nya.

Kahit naman kasi si Gari ay siguradong walang idea sa kasarian ng ate nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Captain Villareal,Makikiusap sana ako sayo.Pakiusap...
Wag mong sasabihin kay Gari ang nalaman mo tungkol sa pagkatao ko.Hindi pa ito ang tamang panahon.Ayokong magkaroon kami ng problema sa bahay.Ayokong sumama ang loob sa akin ng Inang at ako pa ang maging dahilan ng pagkakasira namin._Ate Marie.Sinundan nya ako dito sa CR

"Ate Marie...Don't worry.Hindi po ako magsasalita o magsasabi kay Gari ng tungkol sa inyo.Nirerespeto ko po ang desisyon nyo._AKO

"Salamat captain.Magtatapat din ako sa Inang at sa mga kapatid ko,pero hindi pa siguro ngayon.Hindi pa kasi ako ready na harapin ang mga sasabihin nila._Ate Marie.

"Kayo po ang bahala ate Marie.Pero mas mainam kung sasabihin nyo na din kaagad para naman hindi na kayo nahihirapan.Mas mabigat kasi sa pakiramdam kapag solo mo lang dinadala yan sa puso mo.Sa palagay ko naman,Matatanggap din ng Inang at mga kapatid mo kung ano ka dahil pamilya ka nila eh._AKO.

"Alam ko yun pero sa ngayon kasi ay hindi ko pa kaya.
Naduduwag pa akong harapin sila.Pakiramdam ko,Ako ang sisira sa pamilya namin dahil sa pagiging ganito ko.
Ang taas pa naman ng expectation nila sa akin dahil ako ang pinaka matalino sa pamilya.Kaya ayoko namang basta masira yun ng ganun lang._Ate Marie.Nabanggit nga sa akin nuon ni Gari na ang pangalawang ate nya ang pinaka matalino sa kanila.Cum laude daw ito kaya mataas ang posisyon sa pinapasukang kumpanya.At sya din ang kauna unahang nagkaroon ng sarili nyang CONDO na tinitirahan nito ngayon.

"Basta ate,Kapag need mo ng tulong nandito lang ako.
Regarding naman kay Doc Ayen...Wala pong nangyari sa amin nun at never na naging kami talaga.Para na pong nakatatandang kapatid ang turing ko sa kanya kaya hindi ako kahit kelan nagkaroon ng malisya sa pagiging close nya sa akin.Mabait naman po si Doc Ayen,Kaya wag po kayong mag alala sa kanya._AKO.

"Salamat Captain.Salamat at kahit papa ano ay may napaglabasan din ako ng nasasa loob ko.May mga kaibigan naman akong nakaka alam na ganito ako pero syempre iba pa din kapag alam mong mapagkakatiwalaan mo yung pinagsasabihan mo.Salamat talaga AJ._Ate Marie.

Sabay na kaming bumalik sa mesa at masayang nagkwentuhan kasama si Doc Ayen.Kung titignan nga naman ay para lang kaming magkakaibigan na magkakasamang nag didiner.Sino bang mag aakala na ang parehong babaeng babae na sina Doc Ayen at Ate Marie pala ay magka relasyon.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon