Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi ko na inantay pang mag lunch time at mabilis kong pinuntahan si Eric Serrano sa pwesto nya.Sakto namang papalabas na sya ng room ng bigla ko syang hawakan sa kuwelyo nya at isalya sa pader malapit sa may hagdan.
"Ano bang problema mo ha? Bakit moko bigla na lang sinusugod? Baka nakakalimutan mong nandito tayo sa opisina at ikaw ang unang nagsimula ng gulo._Serrano.
"Shut up! Wala akong pakialam kahit na nasa harapan pa tayo ng opisina ng head.Gusto ko lang malaman mo ang kaibahan ng pagiging tomboy sa pagiging lalaking bastos gaya mo! Masahol kapa sa hayup gago ka!_AKO.
"Hindi ko alam yang pinagsasabi mo okey.Kaya kung pupwede padaanin mo na ko at kailangan ko ng bumalik sa mesa ko._Serrano.Sinalya nya ang kamay ko at saka sya kumawala sa pagkakahawak ko sa kanya.Agad ko naman syang hinila sa kamay nya at saka ko sya sinuntok sa panga.
"Sinabi ko na sayo hindi ba,Papalampasin ko ang pambabastos mo sa akin pero wag lang kay Gari.Wala kang karapatang pagsalitaan sya ng kung ano ano!_AKO.Nakarating sa akin ang nangyaring pambabastos nya kagabi kay Gari mula kay Gold.
"Wow!Ambilis namang magsumbong sayo ni Oldmaid.Di naman obvious na may namamagitan nga sa inyo kaya ganyan katindi ang galit mo sa akin.Sabagay,Kayo naman talaga ang bagay eh...Isang masunget na FA at isang nagpi feeling lalaking pilot.Perfect combination!_Serrano. Muli ko syang sinugod pero mabilis syang nakaiwas kaya tumama ang mukha ko sa gilid ng hagdan.Bigla namang nagsidatingan ang mga security guard at sina Sky kaya natigil ang pag aaway naming dalawa at mabilis kaming inawat.
"Damn you Serrano!Hindi ko mapapalampas ang ginawa mo! Mananagot ka!Nagkamali ka ng binangga!_AKO.Mabilis naman akong hinila ni Sky papalayo sa kanya at saka nya ako dinala sa clinic para gamutan ang nagdugo kong labi.
"Ano bang kalokohan yan AJ!Bakit ka basta na lang nanugod?Sana nagsabi ka sa akin para sinamahan kita. Ano bang nangyari,Nasaktan kaba nya?May iba kapa bang injury bukod dyan sa labi mo?_SKY.
"Wala.Ayos lang ako.Hindi nya naman ako nasaling.Umiwas lang sya kaya ako napatama sa gilid ng hawakan ng hagdan._AKO
"Mabuti na lang kamo saktong napadaan ako sa cctv room.Kaya mabilis akong na inform ng mga guard na nag aaway nga daw kayo ni Serrano.Ano ba kasing problema ha?Tungkol na naman ba ito sa panliligaw ni Eric kay Gari?_Sky
"Nagsumbong kasi sa akin si Gold.Kung ano ano nga daw mga kabastusan ang pinasasabi ng gagong yun kay Gari matapos syang bastedin nito kagabi.Talagang walang sinasanto ang gago eh._AKO
"Sabi naman kasi sayo,Paalisin nyo na yan dito eh!Ang tibay din naman ng pagmumukha talaga.Ikaw pa ba ang kalabanin nya? Kahit ako din naman,Talagang makakatikim sya sa akin kung ako ang ginanun nya!_SKY.
"This time talagang kailangan ko ng kumilos para tuluyan na syang mapaalis dito.Ayoko din namang pati si Gari ay hindi mapapakali kapag nakatrabaho nya yung hayup na yun eh!_AKO
"Alam mo bro,Basta talaga pagdating kay Gari lahat gagawin mo noh?Ngayon na talaga ako naniniwala na INLOVE ka nga talaga sa kanya._Sky.
"Hindi ko lang kasi talaga maiwasang di kumilos.Kasi naman pati si Gari dinadamay nya na eh.Kung sa akin sya galit,Sa akin na lang at wag na syang mandamay pa sa iba.Masyado syang bitter sa di pagsagot ni Gari sa kanya.Dapat igalang nya kung anong pasya ng nililigawan nya._AKO.
"Mabuti pa ay magrelax kana muna dyan.Babalik ako at aalamin ko na muna kung ano ng nangyari dun sa isa. Dyan ka lang ha,Baka san san ka na naman magsuot._SKY Iniwan nya ako dito sa clinic at saka ako kinausap ng nurse na nag asikaso ng labi kong bahagyang nagdugo. Nag aalalang mukha naman ang syang bumungad sa akin pagkabukas ng pinto,Si Nanay Sally.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ohhhh my gaaaad anak,Anong nangyari sayo?Bakit kailangang humantong sa pagsasakitan at nagka ganyan ang mukha mo?_Nanay Sally.Mabilis nya akong linapitan at saka chineck kung may iba pang bahagi ng katawan ko ang nasaktan.
"Nanay,Ayos lang po ako.Hindi naman po nya ako nasaktan. Wag na po kayong mag alala.Si tatay nga po pala,Alam na din ba ang nangyari?_AKO.Kahit naman di ko sabihin sa kanila ay siguradong malalaman at malalaman din nila ang nangyari lalo pa at madaming nakakita sa amin.
"Nanduon sa opisina ni Pol at inaalam ang buong nangyari.Bakit hindi ka nagsasabi sa amin na nagkaroon na pala kayo ng argumento ni Capt.Serrano nuong una pa? E di sana hindi na lumala ng ganito at napaalis na sya kaagad agad._Nanay Sally.
"Nanay,Hindi ko na po ipinaalam sa inyo dahil ayokong mag alala pa kayo ni Tatay.Hindi ko din naman hahayaang masaktan nya ko kung sakali kaya hindi ko na kayo inabala pa.Alam ko namang madami ng inaasikasong problema sa Val ang Tatay kaya ayaw ko ng makadagdag pa._AKO
"Pero hindi dapat nangyari yun! At dito pa mismo sa teriroryo ko?Ang lakas naman ng loob nyang gago sya! Wala syang karapatang bastusin ka o kahit na sino pang empleyado ko._Tatay GD.Mula sa pinto ng clinic na bungad nyang bati sa akin pagpasok nya.
"Mahal,Huminahon ka.Wag kang masyadong magpadala dyan sa emosyon mo.Hindi yan maganda sayo.Baka kung mapano ka nyan._Nanay Sally.
"Tarantado eh!Pipili lang ng aangasan,Anak ko pa! Pasalamat sya at hindi ako demonyong mag isip.Dahil baka ako na mismo ang maghagis sa kanya papalabas ng VAL mula sa eroplano!Ano bang pinagmamalaki nya,Na magandang lalaki sya?_Tatay GD.Minsan ko lang makitaan si tatay na magalit ng ganun kaya para akong nakonsensya na pati sya ay labis na naapektuhan sa nangyari.
"Tay,Kumalma ka lang po.Hindi naman nya ko nakanti eh. At hindi ko din naman papayagang mangyari yun.Pasensya na po sa gulong dinala ko sa inyo ngayon.Hindi ko lang po talaga napigilang di sya komprontahin sa ginawa nyang pambabastos kay Miss Asuncion._AKO
"Anak,Tama lang naman ang ginawa mo.Dapat talagang turuan sya ng leksyon.Bastos talaga sya at arogante kaya dapat lang na nawala sya sa Val.Baka sya pa ang magdala ng kamalasan at kaguluhan dito kapag nagtagal pa sya._Tatay.
Tuluyan na ngang napatalsik ng VAL si Capt.Serrano dahil sa nangyari.Wala ng dapat pag padebatihan dahil lahat ng mga nasa panel ay nagpasya na din na talagang alisin na sya ng tuluyan.Pasalamat nga sya at hindi tuluyang pinatanggal pati ang lisensya nya.Konsiderasyon na din lang sa pagiging single father nya.