Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Dahil nakainum at lasing na si Capt.Serrano ay hindi na sya nangimi pang lapitan ako at biglang komprontahin.Agad namang nagsilapitan ang mga bodyguard ko pero sumenyas ako na hayaan lang kaming dalawa.Sa likod ng building kami dumiretso ng punta at saka nya ako duon kinausap.
"Captain Villareal...Alam ko na anak ka ng may ari ng kumpanyang pinagta trabahuhan ko.At alam ko din na anytime ay kayang kaya mo akong paalisin sa kumpanya nyo kung gugustuhin mo.Pero ang hindi ko lang mapalalampas ay ang pang aakit mo sa alam mo namang nililigawan ko!_Capt.Serrano.
"Teka lang Kapitan,Huminahon ka.Para namang hindi tama na paratangan mo ako na inaakit ko yung nililigawan mo. Hindi naman ako ganung klase ng tao.At isa pa,Hindi naman porke anak ako ng may ari ng pinapasukan mo ay basta nalang kitang paaalisin nang walang dahilan._AKO.
"Hindi ba? Akala mo hindi ko mapapansin..Pero palagi kang lapit ng lapit kay Gari. Kunwari,Inasar mo sya para magalit sya sayo.Pero ang totoo,Gusto mo lang mapansin ka nya.Hindi ba pang aakit yun?Sinasamantala mo ang pagiging anak mo ng may ari ng kumpanya para makalapit sa mga babae.._Capt.Serrano.
"Para lang maliwanagan ka.Matagal na kaming aso't pusa ni Miss Gari talaga.Nagkataon lang siguro na mas madalas mo lang kaming mapansin ngayon kasi nga ay nasa kanya ang focus mo.Pero hindi ko talaga sya inaakit.Nag eenjoy lang talaga akong makita kapag nagtataray sya.Pero hindi naman para manamantala sa posisyon ko._AKO
"Ang hirap kasi sayo,Alam mo ng nanliligaw ako sa kanya...Umieksena kapa!Umeepal kapa!Bakit di mo pa kasi aminin,Naiinggit ka sa akin dahil mas madami ang nagkakagusto sa akin kasi nga tunay na lalaki ako._Capt.Serrano.Saka ako napakunot ang nuo.
"Hey!Teka lang naman captain...Bakit naman pati pagiging tunay na lalaki mo ay nasama sa isyu ha? So what kung lalaki ka,May problema kaba sa gender ko? At saka ano nga ulit yung sinabi mo? Naiinggit ako sayo?Ako paba ang maiinggit sayo? Ano naman ang dapat kong kainggitan sayo? Wala akong pakialam kahit sino pang magkagusto sayo.Hindi ako apektado._AKO.Kalma lang naman ako kahit na nakakapika na ang mga hirit nya.Ayoko namang patulan ang lasing.
"Talagang isyu yang pagiging tibo mo!Kasi nga insecure ka sa akin dahil wala ka kung anong meron ako.Sa palagay mo ba,Gugustuhin ka ni Gari porke anak ka ng may ari nga VAL ha? Wala ka namang kakayahang mapaligaya sya eh kaya hindi ka nya magugustuhan ever!Itaga mo yan sa bato!_Capt.Serrano.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"At sa palagay mo magugustuhan ka din ni Miss Gari sa ganyang pag uugali mo ha Captain Serrano? Alam mo,Ayaw sana kitang patulan dahil alam kong wala kasa katinuan ngayon pero sumusobra kana eh! Nakakabastos kana! Hindi na maganda yang mga salitang lumalabas sa bibig mo._AKO. Lumapit sya sa akin at kaagad nya akong kinorner sa pader.Mabilis naman akong naka kilos at kaagad ko syang itinulak papalayo sa akin kaya halos matumba na sya.
"Hindi mo makukuha si Gari.Sa akin sya mapupunta.Gagawin ko lahat para sa akin sya magkagusto at hindi sayo. Sisiguraduhin ko din na sa akin mapupunta ang simpatya nya lalo na kapag pinaalis mo ko ng VAL.Ipagkakalat ko sa lahat na ikaw ang naunang nanugod sa akin at kapag napaalis ako dito,Ikaw ang ituturo kong dahilan nuon!_Capt.Serrano.Napataas ang kilay ko sa sinabi nya.
"E di gawin mo!Tignan lang natin kung sino ang maniniwala sayo.Tignan mo ang paligid mo,Puro cctv dito kaya may ebidensya ako na ikaw ang unang umatake sa akin.Hindi ka lang bastos at mal edukado.Basagulero kapa.At dito pa mismo sa teritoryo ko ikaw nanghamon sa akin.Tignan ko lang kung hanggang saan ka dadalhin nyang pagiging best actor mo sa harap ni Gari._AKO. Mabilis naman nya akong iniwan at bumalik na sa loob.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Captain Villareal...Ano itong nabalitaan ko na nagkaroon daw kayo ng pagsasagutan ni Capt.Serrano? Totoo ba ito? _Sir Policarpio.(Pinaka mataas na posisyon sa aming lahat)Sya din ang pinaka dalubhasa sa pagpapalipad ng lahat ng klase ng eroplano.
"Sir hindi naman po.Medyo may hindi lang napagkasunduan. Medyo nakainum na po kasi yata kaya ganun._AKO
"Pero umiiyak syang nagsumbong sa amin.Ang sabi nya ay ikaw daw ang unang lumapit sa kanya at pinagbantaan sya. Kasi nga daw ay pinababawalan mo daw syang manligaw sa FA natin na si Miss Gari Asuncion.Totoo ba yun?_Sir Policarpio.
"Sir hindi po yun totoo.Wala din po akong sinabi na bawal syang manligaw kay FA Asuncion.Karapatan nya po yun at wala akong kinalaman sa isyu tungkol sa kanilang dalawa._AKO
"Iba kasi ang sinabi nya sa aming lahat.Gustong gusto mo daw kasi talaga si Miss Asuncion kaya pinapagbawalan mo syang makipaglapit sa kanya.At sinabihan mo pa nga daw sya na anytime ay kayang kaya mo syang paalisin ng VAL kapag hindi nya nilayuan si Miss Asuncion._Sir Policarpio
"Totoo nga bang may gusto ka din kay Miss Asuncion ha Captain Aloha?_Capt.Mariano.Hindi naman ako nakasagot at napayuko na lang sa tanong nya sa akin.
"Yan na nga ba kasi ang sinasabi namin kaya ayaw naming magkaroon ng ligawan sa departamento natin hangga't maaari kasi ay nagkakaroon ng conflict._FA Jaime. Pati sya ay hindi na din natiis na di mag usisa.
"Ang mabuti pa ay mag usap kayo bukas sa opisina.Ayusin nyo yan hanggat maaga pa.Ayoko ng magulo sa department ko.ayoko ng may nag aaway lalo pa at babae ang dahilan. _Capt.Policarpio.
"Opo sir.Pasensya na po sa inyo.Hayaan nyo po at di na mauulit ang ganitong mga pangyayari._AKO.Hinanap ng mga mata ko si Capt.Serrano pero hindi ko na sya nakita.
"Bro,Nabalitaan ko yung nangyari ah.Ano,Gusto mo bang turuan na natin ng leksyon yang si Serrano ha?Masyadong matabil eh.Pasalamat sya at wala ako dun,Baka nakatikim sya.Gago eh.Ikaw pa ba ang babanggain nya._SKY.
"Sino sino pa ang mga pinagsumbungan nya liban sa mga head natin? Alam na din ba ni Gari ang nangyari?_AKO
"Walang naka alam liban sa mga head.Umiyak pa daw na parang aping api yung itsura according to captain Alexandro eh. Kulang na nga lang daw maglagay ng pasa sa mukha para kunwari pinabugbog mo sa mga bodyguards mo eh._SKY.
"Mag uusap kami bukas kapag matino na sya.Hindi ko din naman gusto na mag kaaway kami.Ayoko din namang pumatol sa lasing._AKO.
"Pero curious lang ako bro ha...Sa atin atin lang naman to.Sa palagay mo ba,May basehan sya para magalit at mainsecure sayo? Sa palagay ko kasi,RAMDAM nya na ikaw ang MAHIGPIT na karibal nya kay Miss Gari eh kaya ganun na lang sya ka badtrip sayo._SKY.Hindi ako nakapagsalita pa.Posible nga kayang nararamdaman nya nga na may gusto talaga ako kay Gari kaya ganun ang reaction nya?