Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dahil sa sunod sunod na scheduled flight ko nitong nakaraang araw,Mayroon akong dalawang araw na pahinga. Nag doble kasi ako ng magkasunod na araw sa byahe dahil biglang nagka emergency yung isa naming senior FA na si Carmi.Kaya naman bumawi ako sa tulog ngayong araw at tanghali na ako nagising.
"Ate Marie? Wow ha,Himala yata na nandito ka ngayon.Wala ka bang pasok?_AKO.Nadatnan ko syang nakaupo sa balkonahe na may dalang isang tasa ng kape.Ngumiti sya sa akin ng bahagya.Pakiramdam ko mayroon syang problema sa itsura nya ngayon.At isa pa,Bibihirang umabsent si Ate Marie sa trabaho nya.
"Naka leave ako today.Namimiss ko na kasi kayo nila Inang.Madalang na din kasi akong maka uwi kaya naisipan kong mag leave na muna para makasama ko kayo._Ate Marie Malungkot ang mga mata nya at halatang may iniisip.
"Mukha ngang namiss mo talaga kami ate.Hindi ka naman kasi basta umaabsent sa work mo eh. Mabuti naman pinayagan ka ng boss mo na magleave.Miss na din namin kayo ni ate Issay. Gusto mo bang mag picnic tayo mamayang hapon kasama si Inang?Magpapahanda ako kay Berta ng pagkain natin para mamaya._AKO
"Ikaw ang bahala Gari.Kung anong trip nyong gawin ngayong araw,Sasali ako syempre.Sayang nga lang at wala ang Ate Issay ngayon.Nasa out of town daw sila ng kaibigan nya nya eh._Ate Marie.
"Yung kaibigan nya ba na kasama nya sa apartment nya? Teka bakit palagi silang magkasama nun e hindi ba't magkaiba naman sila ng work? Naalala ko kasi the last time na tumawag ako sa kanya,Nasa Palawan nga daw sila at yung friend na yun daw ang kasama nya.Tapos ngayon magkasama na naman sila? Daig pa nila ang mag jowa ah. _AKO.
"Hahahaha.Sira! Jowa kaagad kapag magkasama palage ha bunso? Baka naman nag eenjoy kasi sila sa company ng isa't isa kaya sila palagi ang magkasama.Teka,Hindi ba't call center agent yung si Harlene,Baka madalas mag outing yung company nila at isinasama nya si Ate Issa palage para naman mag relax.Hindi yung puro na lang trabaho diba?_Ate Marie.
"May point ka naman dun.Biro ko lang naman yun syempre. Hahahha. Btw,Kamusta na nga pala yung condo unit mo ate? Parang gusto ko na ding mag invest ng unit malapit sa Val.Para naman hindi palaging kay Martha ako nakikisiksik kapag hindi ako nakakauwi dito sa atin. _AKO
"You mean,Gusto mong bumili ng condo unit para maging investment? Well,Okey lang naman yang naisip mo pero kung ako sayo,Mas okey ang townhouse or house and lot. Hindi maganda kung sa condo ka mag i stay dahil unang una magkaka pamilya ka na din mga ilang taon pa.Mas magandang investment ang bahay at lupa para na din for future references.Hindi kagaya ko na single naman kaya pabor sa akin ang condominium talaga._Ate Marie.
"Grabeh sya oh,Para sa future kaagad.hahahaha.Para ka na din si Inang eh,Atat na atat ng pag asawahin ako at bigyan ko na daw sya ng mga apo.Papano naman kung wala pa ding dumarating na mr.Right diba?_AKO.Biglang sumagi sa isip ko si Aloha pagkabanggit ko ng Mr.Right.
"Haahahaha.Kasi nga ay ikaw na lang ang pag asa ni Inang.Kami ng Ate Issay ay malapit ng mag kwarenta kaya hindi na kami inaasahan la ng Inang sa ganung bagay._Ate Marie.Saka biglang nawala ang ngiti sa labi nya.
"Grabeh ka naman Ate.Hindi ka pa naman matanda.Sabihin na nating nasa 40's na kayo ng ate Issay pero pupwede pa din naman kayong magka baby kung gugustuhin nyo noh!_AKO
"Hep hep hep! Anong magkaka baby? At sino yang pinag uusapan ninyong dalawa ha? Bakit Marie,Buntis kaba?_Tiya Bering.Kaagad kong tinakpan ang bibig nya at baka madinig sya ng Inang.
"Tiya Bering naman.Hinaan nyo lang ang boses nyo at baka may makinig at may maniwala!Wala pong may magkaka baby sa amin,At lalong walang buntis.Kaya huminahon lang po kayo._Ate Marie.
"Ganun ba? Akala ko naman ay totoo na.Pasensya na kayo. Syangapala,Ipinatatawag na kayo ng Ate.Magsipag kain na daw tayong lahat para mamaya sa picnic ay hindi tayo gugutom gutom.Halika na kayo._Tiya Bering.Saka kami sumunod ng Ate papunta ng kusina.Nakahain na ang ibat ibang putahe na ipinaluto ng Inang.Kapag kasi nauwi ang mga ate dito,Nagpapahanda talaga ang Inang ng mga masasarap na pagkain.Kasi daw ay puro fastfood at mga naka microwave na pagkain lang ang kinakain nila ate sa mga tinitirahan nila.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ate Marie,Ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansin na hindi ka nag eenjoy sa picnic natin.Parang ang layo layo ng iniisip mo.May problema kaba?You can tell me everything at sisikapin kong unawain ka at maintindihan._AKO
"Ano kaba,Wala akong problema noh!Talaga lang hindi siguro ako sanay ng walang ginagawa.Nasanay na kasi ako sa routine ko sa araw araw na nagchi check ng mga appliances.hahahhaha. Halika na dun sa tabi ni Inang. Paranng gusto kong mahiga sa lap ng Inang na parang nuon na maliliit pa tayo._Ate Marie.Saka sya tumakbo papunta sa pwesto nila Inang at saka nya kinausap ang mag kapatid.Si Berta kasi ay kasalukuyang nag iihaw ng barbeque at hotdog.Lumapit ako sa kanya para tumulong sa pag iihaw.
"Ate Gari,Kamusta na si Captain AJ? May tampuhan ba kayong dalawa?_Berta.Nagulat ako sa tanong nya.Hindi naman siguro gagawin ni AJ na pati ang pinsan kong si Berta ay pagsabihan nyang hindi kami in good terms ngayon.
"Tampuhan?Bakit naman kami magkaka tampuhan ng Kapitan ko.Bakit mo naman nasabi yan?_AKO
"Wala naman,Hindi lang kasi ako sanay na hindi kayo magkasama ngayon.Saka hindi na din sya tumatawag at nakikipag videocall kay Tiya.Kaya naisip ko na baka may tampuhan kayo kaya wala syang paramdam._Berta.Saka ako napaisip bigla.Bakit nga ba parang hindi nangungulit ngayon si AJ? Hindi ko din ini expect na magmamatigas sya ng ganun.
"Pero Ate,Sa atin atin lang naman toh ha.Parang obserbasyon ko lang naman.Sa palagay ko,Botong boto si Tiya kay Kapitan para sayo.Sobrang giliw nya kasi sa Inang mo kapag magkausap sila.Magalang,Sweet at saka palaging may baong joke.Kaya tuwang tuwa sa kanya si Tiya.Lalo na kapag wala ka at sa malayo ang Flight mo. Palihim ka nyang kinukunan ng larawan at sini send kay Tiya.Kaya aliw na aluw sa kanya ang Inang mo eh._Berta
Saka ko lang nalaman ang mga bagay yun.Mga bagay na hindi ko masyadong pinag tutuunan ng pansin pero malaking impact para sa Inang.Ang makita syang masaya at malakas ang tanging kaligayahan ko.Pero mas ikinatutuwa ko yung mga effort na ipinapakita ni AJ sa inang ko para lang mapasaya sya.