Villareal ang lahing pinagmulan ko kaya naman hindi ako pupwedeng hindi kumilos at magtrabaho.Bata pa lamang ay iminulat na ako ni tatay sa buhay bilang negosyante.Sa edad na disi sais,Nagkaroon ako ng unang sasakyan na mula sa sarili kong pawis.Tinuruan ako ni Tatay GD na mag invest.Mula sa private plane na pagma may ari nya,Nagta trabaho ako bilang tourguide/interpreter sa mga foreigners na ka business deal nya."AJ anak,Bukas pala ay darating yung ka business partner ko from China.
Gusto mo bang rumaket? Gusto ko sanang ikaw ang makasama ko kaysa kay Drake dahil mas matuturuan kita sa pagsasara ng malaki laking deal.
This time,Makukuha na natin ang partnership ng CHAN AIRLINES at mas lalaki na ang sakop ng ating kumpanya._Tatay GD.Hindi biro ang usapan sa pagsasanib pwersa ng CHAN at VILLAREAL AIRLINES dahil Bilyong piso ang pinag uusapan dito."Tay,Gusto ko sanang sumama sa inyo pero nakapangako na ko kay SKY na bibisitahin namin yung kaibigan nyang naputulan ng paa sa pakikipag laban sa mga terorista.Ilang linggo na din kasi namin yung napag planuhan at the same time,Tutulong din kami sa iba pa nilang kasamahang nasa hospital din._AKO.Biglaan din kasi ang pag yayaya ng Tatay kaya mas minabuti kong unahin ang pagtulong.Isa pa,alam ko naman na kahit wala ako,Magiging succesful pa din ang deal na yun ng Tatay.
"Alam ko,Biglaan din kasi ang pagyaya ko sayo.Saka ko na lang naalala at nagbakasakali lang din ako na baka sakaling wala kang commitment na natanguan kaya kita sinabihan ngayon.Anyways,Alam ko naman na priority mo palagi ang pagtulong kaya proud na proud ako sayo anak.
Ipagpatuloy mo lang yan at suportado mo ako sa lahat ng iyong mga magagandang hangarin para sa kapwa.O sya paano,Mauna na ako sayo at sa bahay na lang tayo magkita later.Namimiss ko na ang Nanay Sally mo kaya,Gusto ko ng makauwi._Tatay GD.Napangiti naman ako sa kanya bilang pag sang ayon.
Masaya akong kahit ilang taon na ang nagdaaan,Mahal na mahal pa din ng Tatay ang Nanay Sally.At ganun din naman si Nanay Sally sa kanya."Yes Tatay,Pakisabi din kay Nanay na miss ko na din sya.Seeyah later po Tay.Ingat po sa pag uwi._AKO.Saka ako humalik sa kanya bago pa sya tuluyang lumabas ng room.Inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng silid ni Tatay.May malaking larawan ang buong pamilya dito including our lolo and lola.
"Mukhang nagsisimula ka ng mag practice sa pagpapatakbo nitong VAL ah! Talagang pini feel mo na ang bawat sulok at amoy nitong opisina ni Ninong GD,Balak mo na ba talaga syang palitan?_SKYLER. Hindi ko namalayan ang pagsulpot nya sa loob ng opisina kaya bahagya akong nagulat sa pagsasalita nya.
"Tado ka Skyler,Aatakihin ako sayo ah! Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot ha? Saka anong nagpa practice ka dyan.Madami pa kong kakaining bigas bago ko mapalitan ang mga nagawa at legacy ng tatay ko dito sa VAL.Walang wala sa kalingkingan ng alam ko ang mga nagawa nya at ginagawa nya para mapalago ng husto ang kumpanya.Kaya hindi ko na siguro sya kayang palitan.Okey na ko bilang PILOTO nalang ng VAL._AKO.
"Pero hindi naman yun uubra.Wala din naman kasing ibang magmamana nito kundi ikaw lang din balang araw.Si MAUI naman na kasi ang magiging REYNA ng CK mall kaya dapat lang na ikaw ang maging hari ng VAL.Wala kang choice dude.hahahaha._Skyler.
"Ayoko na munang isipin yun.Matagal pa yun at sa ngayon,Mas magpo focus na muna ako sa pagpapalipad ng eroplano kaysa magpatakbo ng malaking kumpanya.Anyways,Bakit ka nga pala nandito? Hindi ba may schedule kang flight today?_AKO.
"Oo meron nga sana kaya lang na cancel ang flight dahil may bagyo sa Thailand.Kaya mamayang gabi na tayo aalis ha,mag handa kana._Sky.
"Teka,Bakit naman mamayang gabi na kaagad? Usapan natin tomorrow pa ng tanghali diba?_AKO
"Nag change ako ng plan dahil mainit daw pala dun sa pupuntahan natin.
Mas mainam ng gabi tayo umalis para sa umaga natin isagawa ang mission.Mga tatlong oras daw ang lakarin papuntang San Marcelino at matarik daw na mga bundok ang lalakarin natin papunta duon._SKY"Anong silbi ng chopper kung hindi gagamitin diba? Bakit pa magpapakahirap maglakad kung pwede namang sumakay na lang?_AKO
"E Kasi nga po,Hindi lang naman tayo ang kasama sa mission.May mga doctor,nurses at mga health workers ding kasama at ilang mga myembro ng kapulisan.Papano tayo kakasya sa chopper nun aber?Alangan namang tayong dalawa naka Helicopter tapos sila nagsisipag lakad sa bundok?_Sky
May point naman si Sky duon.Mahiya naman kaming dalawa na naka chopper kami at ang iba'y nagsisipag akyatan pa ng bundok para makarating sa lugar."E di sumakay sa helicopter lahat.Mga limang chopper siguro kaya na?
Or pwede naman sigurong gamitin yung private Jet ni Tatay GD para ma accommodate lahat?_AKO.Pero sa palagay ko,malaking gastos ang naiisip ko.Hindi praktikal."Seryoso ka ba dyan ha AJ? Alam mo kung gano kamahal ang gastos kapag nag plane tayo.Imbis na yung magagastos mo dun sa gasolina,Ibigay mo na lang sa mga pamilya nung mga nasaktan at nasugatan para makatulong sa kanila.Ano ba naman yung maglakad tayo paminsan minsan hindi ba?_Sky.
Saka naman ako parang nahiya.May katwiran si Sky.Ano ba namang mag sakripisyo ka ng kaunti sa paglalakad para sa hangaring makatulong sa kapwa."Okey,Tama ka naman dun.Yung gagastusin ko sana sa pag rent ng plane, Idodonate ko na lang sa pamilya nung mga nasugatan.Malaking tulong yun para sa kanila.At isa pa,Mas maganda nga sa katawan ang paglalakad.
Hindi mo na kailangan pang magpunta ng gym._AKO."Hahahaha.Sabi ko sayo eh,May purpose kaya tayo pupunta duon.
Siguradong masaya ito.Panibagong adventure na naman.So,papano? Uuwi na muna ko sa Unit ko para makapag prepare na ng mga damit na dadalhin ko.Basta mamaya ha,Kita na lang tayo._SKY."OO na.Excited ka kasi kasama siguro si Doc Maureen noh?Ikaw talaga, May mga hidden agenda ka din kapag mga ganitong lakad eh.Sinasamantala mo ang pagkakataon para maka iskor.Babaero ka talaga! Hahahaha._AKO.
"Dude Sorry ka nagbago na ko noh! Saka hindi ko type si Doc Mau.Masyadong pabebe yun eh.Mas type ko yung nurse na assistant nya.
Hahahaha.Joke! Basta mamaya na tayo let mag usap.Seeyah later._SKY.After lumabas ni Sky ng room ay saka naman ako nag handa na ding magligpit ng mga kalat duon.Sa bahay na ako dideretso para makapag paalam ng mas maaga kina Nanay at Tatay.Ang alam din kasi nila ay bukas pa ang alis namin ni SKY.
BINABASA MO ANG
" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXG
RomanceStrict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...