41.GARI

765 30 5
                                    

Maaga pa lang ay agad na kaming nagkita ni Gold sa CK mall para bumili ng damit na isusuot namin para naman sa Anniversary ng VILLAREAL AIRLINES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maaga pa lang ay agad na kaming nagkita ni Gold sa CK mall para bumili ng damit na isusuot namin para naman sa Anniversary ng VILLAREAL AIRLINES.Ngayon na lang kasi ulit ang bakante naming araw at sunod sunod na naman ang flight schedule namin sa mga susunod na mga araw.

"Grabe girl,Ang mamahal naman ng mga gown ngayon.
Sana pala sa divi na lang tayo namili para mas mura.
Imagine,Halos isang buwang sweldo na natin yung worth nung sinukat kong gown tapos di naman ako masyadong kagandahan._Gold.

"Ikaw talaga,Sinukat sukat mo pa kasi agad tapos di mo muna itinanong kung may discount yun.Hahahaha.Buti na lang at di nagalit yung saleslady sayo.Mamaya dyan masira pa yun at magka damage noh._AKO.Mabuti na lang at ipinakita namin yung mga ID namin na sa  VAL kami nagtatrabaho kaya hindi kami tinarayan nung manager.

"E bakit ba,Sa mahal naman talaga yung gown nila noh!
Nakalagay sa labas,50% discount tapos hindi naman pala lahat.Saan na tayo bibili ngayon nyan?_Gold.

"Hindi ko nga din alam eh.Mag ask kaya tayo sa ibang saleslady baka may ibang boutique pa sila dito._AKO.
Itinuro nya kami sa bandang likod na side ng mall.
Meron daw kasing mini patahian duon at baka daw may mga tahi silang gown.

"Hindi ko alam na may mga mall pa palang may mga nagtatahi.Akala ko ay mga papaputol na pantalon lang ang meron sila._Gold.Kahit ako man ay nagulat din na may maliit na patahian dito sa gilid ng mall.

Kahit ako man ay nagulat din na may maliit na patahian dito sa gilid ng mall

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Good Morning po Ma'm.Magtatanong lang po kami kung nananahi kayo ng mga gown.Yung simple lang po na gown sana kung sakali._Gold.Isang may edad ng matanda ang nasa tapat ng makina nya at nananahi ng isang kulay puting suit.

"Pasok kayo mga ineng.Maupo muna kayo at tatapusin ko lang itong ginagawa ko._Aling Mananahi.Maputi na ang buhok nya pero malinaw at malakas pa naman syang tignan.
Inabutan nya kami ng isang folder na may mga litrato ng siguro'y mga design nyang mga gown.

"Ohhhh em geeeh!Ang gaganda naman ng mga ito.Kayo po ba ang mga gumawa nito Nanay?_Gold.

"Oo ako nga.Dalaga pa ako ay gumagawa na ako ng mga yan.
Sarili ko ding design at style ang mga yan kaya walang katulad.Sa isang folder naman ay mga barong tagalog at mga suits na mga gawa ko din.Baka sakaling gusto nyong pagawan din ng suit ang mga nobyo ninyo._Aling mananahi.

"Kayo po ba ang may ari ng boutique na ito? Para po kasing ngayon lang namin nalaman na may ganito palang patahian dito sa CK mall eh.__AKO

"Ang totoo kasi nyan ay bago pa lang ako dito sa pwestong ito.Mga anim na buwan pa lang.Sa dating bahay ko ako dati nakapwesto talaga pero ng ibinenta ko na ay dito na nga ako lumipat.Pero dagsa na ang mga nagpapagawa kaya halos wala akong pahinga sa pananahi._Aling Mananahi.Halos kaedad siguro sya ng Inang sa tantya ko.

"Talaga ho Nay?Mukha nga hong busyng busy kayo eh.
Makakasingit pa kayo ho kami kung sakali,Kasi kailangan po namin syang isuot sa darating na katapusan._Gold

"Walang problema basta kayo.Pupwede ko namang hindi na muna tumanggap ng ibang costumer sa mga darating na araw para yung sa inyo na muna ang gawin ko.Sige lang at mamili na kayo dyan ng design at kulay para masukatan ko na kayo maya maya._Aling Mananahi

"Wow naman,Ang lakas namin sa inyo Nanay ha.Salamat po.
Ano nga po palang pangalan nyo,Ako nga po pala si MARIGOLD at ito naman pong maganda sa tabi ko ay si GARI.Kami pong dalawa ang magpapasukat ng gown sa inyo._Gold.

"Tama ka naman sa sinabi mo na maganda nga syang talaga.Pero maganda ka din naman ineng...Tawagin nyo na lang akong Mama Rosa.Ako ang paboritong mananahi ni ALOHA mula pa nung bata sya.Sya din ang dahilan kaya ako nagka pwesto ngayon dito sa CK mall._Mama Rosa.Nagkatinginan kami ni Gold pagkadinig namin sa pangalan ni captain AJ

"Si captain AJ Villareal po ba ang tinutukoy nyo Mama Rosa?Yung anak ng may ari ng CK mall?_Gold.

"Oo sya nga.Kilala nyo ba sya?Siguro sya ang nagturo sa inyo na dito pumunta ano? Mga kaibigan ba nya kayo?
O baka naman para sa Anibersaryo ng VAL kaya kayo magpapatahi ng gown?_Mama Rosa.

"Tama po kayo,Para nga po sa anibersaryo ng VAL kaya kami magpapatahi ng gown.Mga flight attendant po kami duon at kakilala nga po namin si Capt.Aloha.
_AKO

"Pero Mama Rosa,Hindi nya po kami sinabihang dito magpatahi.Nag ask lang po kami sa saleslady duon sa loob ng mall kung may alam siyang bilihan ng mga gown at dito nga kami itinuro._Gold

"I see.Medyo chubby ba yung pinagtanungan nyong saleslady?hahahaha._Mama Rosa.Nagkatinginan kami ni Gold.

"Medyo chubby nga po sya,At saka mukhang alerto.Malamang na nakita nya kaming lumabas dun sa boutique na mahal ang mga gown kaya kaagad nya kaming itinuro dito sa inyo.
Bakit po,Kilala nyo din ba yung saleslady?_Gold

"Hahahhaa.Syempre naman.Apo ko yun eh.Si Mavic.
Isa yun sa scholar ni Aloha nuon.At ng maka graduate ay dito na din sa CK mall nag apply.Napakabait ng mga VILLAREAL sa amin,Lalo na si Aloha._Mama Rosa

"Papano po nyo nakilala si AJ,Nay? Isa po ba kayo sa mga dating nagta trabaho sa VAL nuon?Ang alam po kasi namin, lahat ng mga anak ng empleyado ng VAL na matagal ng nagsiserbisyo sa kanila ay binigyan ng scholarship ng foundation ni Capt.Aloha._Gold.

"Dati akong taga maintenance department.Naging ka close namin nuon si GD...Clerk pa lang sya nuon eh.
Tapos ng magkaroon na ako ng ipon,Bumili ako ng makina at nanahi na lang.Suki ko na yang si Aloha nuon pa man.
Palagi syang nagpapatahi sa akin ng mga suit kasi palagi daw gown ang ibinibili ng Nanay at tatay nya sa kanya.
_Mama Rosa.Natawa naman kami sa biro niya.

"Hahahahha.Nanay ha,Joker ka!Mukhang close kayo ni kapitan ah.Malaki ba magtip si AJ nay?_Gold.

"Sakto lang.Hindi naman sobra.Ang papwestuhin nya ako dito ay sobra sobra pa sa tip.Guminhawa ang buhay ng pamilya ko dahil sa kanila.At mayroon na akong sariling bahay at lupa na maipapamana ko sa mga anak ko._Mama Rosa.

Saka ko lalong naunawaan kung bakit pinagpapala ang mga Villareal higit lalo si capt.ALOHA.Sa dami ng mga tinutulungan nya,Madami ding tao ang nagdadasal para sa kaligtasan at pag asenso pang lalo nya.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon