69.ALOHA

757 30 2
                                    

Sinundo ko si Gari mula airport para sabay na kaming mag dinner

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinundo ko si Gari mula airport para sabay na kaming mag dinner.Sakto kasing kadarating ko lang mula sa SG at sya ay galing naman ng Dubai.Gaya ng nakasanayan ko ng ibigay sa kanya,Isang bouquet ng flower ang pasalubong ko at syempre isang nagbabagang halik.

"Salamat honey!Palagi ka na lang may pa flowers ha,Yumayaman na ng husto yung flowers shop ng dahil sayo.hahahha._Gari.Nasa kotse na kami ng halikan ko sya.
Hindi naman kasi pwedeng makita kami ng mga tao sa ganung sitwasyon.

"Hahahahha.Para ngang gusto ko ng magpatayo na din ng sariling flower shop honey.Ano sa palagay mo?Just kidding. Anyways,May gusto ka bang kainin? Any suggestion kung saan mo gustong kumain tayo?_AKO.

"Sa Terry's grill na lang kung okey lang sayo? Nahihiya na kasi akong kumain sa Zanya's eh._Gari.Saka ako napangiti.Iilang resto lang kasi ang exclusive para sa amin.Limitado dahil hindi kami pupwedeng makita ng ibang tao.Nahiya siguro si Gari dahil dun sa nangyaring pagwo walkout nya nung last time na makita nya kaming kino comfort ko si Doc.Ayen.

"Okey lang naman sa Terry's honey,Namimiss ko na din yung sisig nila dun at saka yung adobong pusit.Sige dun na lang tayo kumain._AKO.Mabilis kong iniliko sa kabilang lane ang sasakyan ko dahil nandun ang pinaka malapit na Terry's.
Ang kagandahan sa mga kainan ng mga kaibigan namin.VIP kami duon at walang ibang taong nakakakita sa amin dahil may sariling mesa sila na para sa amin lang.

"So honey,Gusto mo bang mag beer or margarita after this? Mas masarap ipulutan itong mga inorder nating pagkain eh.hahahhaa._AKO.

"Ohhhh sure hon,Game ako dyan.Matagal na din naman yung last na uminum ako at hindi naman siguro tayo malalasing ng isa o dalawang baso lang.I'll go with champagne para maiba naman.Ikaw ba?_Gari.Nagulat ako na pumayag si Gari na uminum kami.Kaya naman sinamantala ko na din ang pagkakataon at nag order ako ng isang bote ng champagne para sa amin.

"Kamusta na nga pala ang Ate Marie mo Honey?Nag pupunta pa ba sya ng madalas sa bahay nyo?_AKO.

"Actually,Last week yung huli syang umuwi sa bahay at sa kwarto ko pa nga nakitulog eh.Siguro nalulungkot sya at saka namimiss ako kaya ayun,Biglang naghanap ng lambing.
Ayos lang naman sya sa tingin ko.Bago sya umalis ay maganda naman ang mga ngiti nya.Kahit papano siguro ay nakapagpahinga sya kaya ganun._Gari. Naisip ko na yun siguro yung time na kaka break lang nila ni Doc.Ayen kaya naghahanap ng makakausap at mapaglalabasan ng sama ng loob.Mahirap din talaga kapag wala kang mapagsabihan ng nararamdaman mo.

"Mabuti naman kung ganun.How about your Ate Issay,Talaga bang hindi sya madalas umuwi sa bahay nyo?_AKO.

"Yun nga din ang isang problema ko.Palagi kong nababalitaan na lagi syang nasa galaan pero sa amin,madalang syang pumasyal man lang.Duda ko,Kahit di nagsasalita ang Inang ay ramdam nyang umiiwas ang Ate na umuwi sa amin.Ewan ko ba dun,Masyadong malihim._Gari

"Baka naman busy lang at tungkol sa work yung pag alis alis nya.Sabi mo nga diba,Palagi syang isinasama ng boss nya sa kung saan saan._AKO

"Mabuti nga sana kung Boss yung kasama.Maiintindihan ko na trabaho nga ang dahilan ng pag liliwaliw nya.Kaso,Yung kaibigan nyang pinatira nya sa bahay nya yung palagi nyang kasama eh.Buti pa yun,isinasama nya.
Samantalang kami ng Ate Marie,Never nyang inaya na mamasyal._Gari.Napansin ko na medyo madaldal na siya at tinamaan na ng iniinum naming champagne.

"Hahahahha.Honey,Mukhang lasing kana ah! Pero infairness, Ang cute mo palang malasing.Namumula yang mga pisngi mo at saka para kang baby._AKO.

"Hindi pa naman ako lasing.Kaya ko pa kahit ubusin pa natin yang laman ng bote na yan.Nag eenjoy pa akong magkwento about my ATE'S.Alam mo bang kahit malaki ang agwat ng edad namin magkakapatid,Hindi naman kami nagkakalayo ng mga sizes ng damit at undies!Kagaya ko ay malalaki din ang sukat ng mga dibdib nila.Kaya kapag bumili sila nuon ng bra at panty,lagi din nila akong binibilhan kasi nga magkakasukat lang kami.hahahah._Gari

"Hahahaha.Hindi kapa lasing ng lagay na yan eh ang ingay ingay mo na nga honey.Halika na at ihahatid na kita kay Martha para makapag pahinga kana din at maagang makatulog._AKO.
Inalalayan ko na sya sa pagtayo at saka ko sya inakay palabad ng Terry's.Pinagbuksan naman ako ng pinto ng isa sa crew nila duon at saka ako nagpasalamat.

"Honey!Wag mo na kong iuwi sa bahay namin ha.Itanan mo na ko.Gusto na kitang masolo at makasama.Yung pang habambuhay na wala ng iba pang makaka agaw pa sayo sa akin.Alam mo bang mahal na mahal kita.Sobraaaaa!_Gari.
Natatawa na lang ako sa kanya habang nagsasalita sya.
Kakaiba din sya kapag nalalasing,Nagiging madaldal at prangka.Parang gusto ko na lang na sana ganyan sya ka open sa pagsasabi ng nararamdaman nya kahit hindi sya nakainum gaya ngayon.

"Honey,San naman kita dadalhin? Ayaw mo bang ihatid kita kina Martha,Dun sa apartment ni Gucci?
Hindi naman kita pwedeng itanan kaagad kasi baka magalit sa atin ang Inang mo.Saan naman tayo pupunta nito?_AKO.

"Dalhin mo ko dun sa itaas ng building na yun honey!
Dun sa lugar na walang makakakilala sa atin.Dun sa walang huhusga sa pagmamahalan natin.Ilayo moko sa lugar kung saan hindi tayo makikita ng Inang.Kasi kahit na gusto na kitang ipakilala sa kanya bilang nobyo ko,Natatakot akong baka kamuhian at itakwil nya._Gari.
Saka sya biglang napa iyak at saka yumakap sa akin.

"Tahan na honey,Its okey.Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo eh.Hindi naman tayo nagmamadali.May tamang oras para duon.Wag kang mag alala,Hindi naman ako mainipin.Ang mahalaga ay okey tayo at nagmamahalan._AKO

Honey...Wag kang magsasawang intindihin ako ha.Wag kang maiinip kaagad,Wag kang mapapagod na maghintay.Ayokong mawala ka pa sa akin.Ikaw lang ang nag iisang MINAHAL ko ng ganito.At hinding hindi ako papayag na magkahiwalay pa tayo.Mahal na mahal kita my captain!_Gari.At saka nya ako hinalikan sa labi.Hindi naman ako nagpakipot pa at gumanti din ako ng halik sa kanya.

Alam kong mali na samantalahin ko ang pagkakataong gaya nito pero hindi ko din naman kayang palampasin ang chance na masolo ko at maangkin na ng tuluyan si Gari.

Alam kong mali na samantalahin ko ang pagkakataong gaya nito pero hindi ko din naman kayang palampasin ang chance na masolo ko at maangkin na ng tuluyan si Gari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon