Strict,old fashion and witch...Ganyan ang pagkakakilala ng lahat sa F.A(flight attendant)na si Margarita Asuncion a.k.a OMG (Old Maid Gari).At dahil baguhan pa lang ako sa profession ko as PILOT,Sya ang madalas na na a assign sa aking mag assist sa...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dumating na ako sa point na kailangan ko na ding manindigan sa pagmamahalan namin ni Aloha.Nahihiya na din kasi ako sa kanya sa walang sawang pag iintindi at pag unawa nya sa sitwasyon ko.Unfair naman sa kanya na sya lang ang kailangang mag adjust at palagi nya akong sinusunod sa mga desisyon ko.
"Bunso,Mabuti nalang at nandito ka.Balak ko talaga sanang tawagan ka at pauwiin dito ngayon._Ate Issay. Nagulat din ako ng madatnan ko sya dito habang si Ate Marie naman ay kausap sina Inang at Tiya sa balkonahe.
"Bakit ate,May problema ba?Parang seryoso naman yata nyang itsura mo.Dont tell me,Sasabihin mo sa aking buntis ka?_AKO.Saka ko napatakip ng bibig.Kapag nga kasi about pag papakasal at pagkakaroon ng anak ay ayaw nyang pag usapan.
"Hindi Gari,Hindi ako buntis.Imposible yung mangyari dahil wala naman akong nobyo.Pero may kinalaman sa personal kong buhay ang ipagtatapat ko sa inyong lahat. _Ate Issay.Bahagya akong kinabahan.Baka may sakit syang malala na kaya nya kami gustong kausapin lahat?Wag naman sana.
"Pasensya na kayong lahat kung biglaan ang paguwi ko ngayon dito.Tapos eto pa,May sasabihin pa akong hindi ko alam kung papano ko ba sisimulan._Ate Issay.Magkakaharap kaming lahat sa malambot na sofa.Dito kami pinulong ng ate dahil mayroon nga daw syang mahalagang anunsyo.
"Wow naman Ate,Nakaka suspense naman nyan.Nakaka nerbyos. Pwede bang kumuha na muna ang tubig baka nerbyusin ang Inang eh._Ate Marie.Dinaan nya lang sa biro pero totoong kahit ako man ay kinakabahan sa sasabihin nya.
"Kaya ko kayong lahat pinulong ngayon para kausapin ay dahil mayroon akong gustong ipagtapat.Inang,Wag po sana kayong magagalit sa akin.Wag nyo po sana akong itakwil at ngayon pa lang po ay humihingi na ako ng kapatawaran sa kasalanan ko._Ate Issay
"Ate naman,Kahit sino ay kakabahan sayo eh.Maghinay hinay ka lang ha,Alam mo naman ang kundisyon ng Inang. _AKO
"Wag kayong mag alaala,Maayos na ang lagay ng puso ko. Hindi ako nagpapabaya sa tamang pag inum ng gamot ko at tamang pagkain lamang ang kinakain ko.Sige na anak,Sabihin mo na sa amin yang bumabagabag sayo._Inang
"Kasi po Inang,Ang dahilan po talaga ng di ko pagtira dito ay hindi para iwasan kayo.Kaya lang po ay ayoko kayong bigyan pa ng alalahanin.May mga bagay po kasi talaga na hindi mapipigilan kahit na ano pong tago at pilit kong baguhin.Im sorry po Inang,Mga kapatid ko,Tiya Bering.Patawarin nyo po ako pero nagpakasal na po ako lingid sa kaalaman nyong lahat._Ate Issay.
"Nagpakasal?As in hindi ka na single ate Issay? Kelan pa?Bakit hindi mo kami inabisuhan man lang?_Ate Marie.
Pansin kong tahimik lang ang Inang.Kaya kahit ako man ay hindi na din muna nagtanong sa ate.
"Yes,Nagpakasal ako last year sa GERMANY.Hindi ko kayo nasabihan dahil bukod sa malayo ay hindi ko alam kung papayag ang Inang.Sorry po Inang kung naglihim ako sa inyo._Ate Issay.
"Kaya ba halos hindi ka na nauwi dito nung nakaraang taon dahil nga nag asawa kana pala?Bakit hindi ka nagsasabi sa akin?Dahil ba baka hindi ko tanggapin bilang manugang ang napangasawa mo ha Issay?_Inang. Lumuhod si Ate Issay sa kanya at saka napahagulgol.
"Inang,Patawarin nyo po ako.Hindi ko po gustong paglihiman kayo ng mga kapatid ko.Ang totoo po ay gustong gusto ko syang ipakilala sa inyo pero natatakot ako na baka hindi nyo sya tanggapin._Ate Issay.
"Issay,Papano mo naman nasabi yun? Kami pa bang mga kapamilya mo ang hindi ka matatanggap kung mag asawa kana? Aba'y hindi naman yata tama yang dahilan mo na yan._Tiya Bering.
"Pasensya na po Tiya,Mga kapatid ko,Lalo na po kayo Inang.Alam kong hindi tama na naglihim ako sa inyong lahat.Patawarin nyo ko. Pero Inang,Gusto ko lang pong malaman nyo na MAHAL NA MAHAL ko kayo.Wala akong ibang iniisip ng mga sandaling yun kundi kayo lang.Kasi mas magiging masaya sana ako sa mga oras na yun kung kasama ko kayo.Sorrry po Inang._Ate
"Bakit nga ba hindi mo sya maiharap sa amin ha Issay? Ano bang problema sa inyo?Kung nagmamahalan kayo at kung sa palagay mo sya na nga ang tamang tao para sayo,Sino naman ako para humadlang?_Inang.Napayakap ako kay Inang sa sinabi nyang iyun.
"Inang...Totoo pong mahal na mahal ko ang taong yun. Mahal ko sya kahit napakaraming problemang dumating sa relasyon namin.Madaming mga destruction,Panlalait,Pag aalipusta at pandidiri kaming kinaharap pero hindi kami sumuko.Nanatili kaming matatag at nagmamahalan._Ate Issay.Napangiti ako sa sinabi nya.Napaka sarap ng ganung klase ng pagmamahalan.
"Ohhhhh myyyyh gaaaad,Soo perfect!!! Ang ganda naman pala ng relasyon nyo ate eh,Pero bakit hindi mo sya ipinakilala sa amin? Anong pumipigil sayo para ilihim pa sa amin kung nagmamahalan naman pala kayong dalawa?_Ate Marie.
"Because my partner in life is a LESBIAN.Kaya hindi ko sya maipakilala sa inyo,Lalo na po sa inyo Inang.Kasi po alam kong madidisapoint kayo sa akin.Alam ko po na ang gusto nyo ay magkaroon ng madaming apo na naglalaro dito sa bakuran nyo.Im sorry Inang kung isa akong malaking dissapointment sa inyo at sa pamilya natin.Im so Sorry po talaga Inang._Ate Issay.Nagkatingina kami ng Ate Marie.Hindi naman ini expect yun mula kay ate Issay.Isang malaking rebelasyon iyon para sa amin.
"Being in a relationship with the same gender is not a crime.Hindi kita kinukunsinti pero hindi din ako ganap na sumasang ayon sayo Anak ko.Ang pag isipan ako na hindi kita kayang tanggapin sa kung ano ka ay isang malaking insulto sa akin bilang nanay mo.
"Kung ang isang anak ay tumaliwas sa tinatawag nilang tuwid na daan...Hindi sya dapat na kamuhian .Dapat syang paalalahanan na may isang inang handa syang samahan sa kanyang patutunguhan para gabayan sya at protektahan sa mga taong mapanghusga sa lipunan._Inang.Saka ko napaluha sa sinabi ng Inang. Kasi naman ay isa din ako sa mga taong naging mapanghusga sa damdamin nya.Bakit nga ba hindi ko naisip na ang ina ang syang unang makakaunawa at makakatanggap sa atin kung ano at sino ang totoong tayo bago pa ang iba.
"Inang...Im ssoooo sorrryyyy!Sorrrry po kung hindi agad ako nagsabi sa inyo.Sorry kung hindi ako kaagad nagtapat tungkol sa pagkatao ko.Sorry po sa lahat._Ate Issay.Pati kami ng Ate Marie ay nagsipag iyakan na din na yumakap kay Inang.Both of us are guilty.Kami man ay hindi din naging tooto kay Inang.