17.GARI

795 32 2
                                    

Aaminin kong nag enjoy din akong kasama kanina ang kambal

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Aaminin kong nag enjoy din akong kasama kanina ang kambal.
Bibihirang pagkakataon na naging open ako sa mga taong bago ko pa lang naman nakakasama at nakakausap.
Pero nakakapagtakang para kaming matagal ng magkakakilala habang magkakausap kanina.
Maging kay Madam Sally na Nanay nina Maui at AJ ay ganado akong magkwento tungkol sa buhay ko.

"Kamusta naman ang pagsa shopping mo inday? Mukhang madami dami kang napamili ah.Ano ba yan,Libre lang ni Maui V? Baka pwede namang maka arbor dyan kahit isang blouse lang?_Gold.Sa Office ng Val pa kasi ako nagpahatid ulit dahil nandun pa ang mga gamit ko.At isa pa,Kailangan ko ding magpaalam ng maayos sa head namin sa biglaan kong pag alis kanina.

"Loka!Ako ang nagbayad ng mga shinopping ko noh!
Nakakahiya namang magpalibre ako,Wala naman akong kahihiyan nun.Discounted lang ako kasi nga sale dun sa CK mall today._AKO.

"Talaga ba? Bakit yata kakaiba yang glow ng mga mata mo ha?May nameet ka bang gwapong papa dun sa mall kaya ka masaya? Ay maiba nga pala ako,Nagkausap na kami kanina ni Captain AJ.Nagsabi na ako sa kanya na humihingi ka ng despensa sa pagtataray mo sa kanya.At ngayon mo lang nalaman na anak pala syang may ari ng VAL._Gold.

"Kaya naman pala ganun na lang nya ako asarin kanina.Kasi alam nya ng alam ko na, Na anak sya nina Boss GD at Madam Sally.Lalo tuloy lumaki ang ulo at malakas syang mang asar ngayon kaysa dati._AKO

"Bakit,Nagkita ba kayo kanina? Saan? Kaya pala nagmamadaling umalis kanina kasi alam nyang nasa CK MALL ka.hahahah.Alam mo,Kundi lang sya anak ng mga BOSSES natin,Iisipin ko CRUSH ka nya._Gold.

"Gooooldilocks ano kaba! Yang bibig mo baka may makarinig sa atin nakakahiya!Kung ano ano yang pinagsasabi mo,Mabuti pa kumain na muna tayo ng dinner bago ka umuwi sa inyo.Gutom lang yan._AKO

"Ano namang nakakahiya sa sinabi ko aber?Aba,Hindi naman na lugi si Captain AJ sayo noh! Kahit pa sabihing mas matanda ka sa kanya ng apat na taon,Hindi ka naman mukhang matanda.At saka maganda at sexy ka.
Di hamak na maganda kaysa sa mga FA na nandito._Gold.

"Luka luka ka talaga! Basta wag nating pag usapan yan kapag nandito tayo sa Val.Baka kung anong isipin ng mga nakakarinig.Ayoko namang pagmulan pa yan ng ikasisira nila sa akin._AKO.

"Pero aminin mo,Napaisip ka din diba? Kasi naman kahit palagi ka nyang inaasar,Nakikita ko yung chemistry sa inyo kapag magkausap kayo.Alam mo yung parang sa mga magkaka loveteam on screen sa showbiz...Iba yung dating eh!_Gold.

"May chemistry ka pang nalalaman!Papano kung hindi ako into LESBIAN thing? I mean,Alam naman natin na iba yung family na nakagisnan nila sa family namin.At saka imposibleng ligawan ako nun,Sa dami ng mga nagkakagusto sa kanya.Siguradong hindi ako mapapansin nun.Bukod sa mas malaki ang tanda ko sa kanya.Parang ate na lang ako nun noh!_AKO

"Gagah!Anong Ate ka dyan.Age doesnt matter kaya.Saka love is love kahit anong gender pa yan noh!_Gold

"Pero imposible pa din yang sinasabi mo.Lalo na yang parehong babae pa kami.As in,Siguradong unang unang tututol ang nanay ko sa ganyang relasyon.Alam mo namang masyadong matuwid yung Inang ko at hindi nun matatanggap na ang maging nobyo ko ay isang NOBYA._AKO.

"E di sige hindi na kung hindi.Ang sa akin lang naman, Nagsasabi lang ako ng naaayon sa obserbasyon ko.
Pero what if?..What if magkatotoo yung akala ko? May chance ba na magustuhan mo din ang isang lesbiang gaya ni Captain ALOHA?_Gold.

"Alam mo,Ayaw kong magsalita ng tapos.Pero nakapaka imposible na magka gusto sa akin ang taga tagamana ng VAL.Pero kung sakali man na magkatotoo yang sinasabi mo,Hindi ko alam kung anong gagawin ko syempre.Ano ba ang mas mananaig,Yung gusto ng Inang ko o yung sarili kong kagustuhan? Napakahirap mag desisyon kung sakali._AKO.

"Mahirap na desisyon pero lahat naman ng nangyayari sa atin ay may dahilan.Kaya dapat lagi kang handa sa mga pwedeng mangyari sa buhay mo.Wag yung palagi mo na lang iniisip kung ano ang sasabihin ng iba.Dapat dun ka sa kung saan ka mas higit na sasaya.Kita moko,No regrets kahit na hindi kasing laki ng kita ko yung sweldo ng asawa ko.Pero masaya kami kasama ng mga anak namin. Kasi nga mas pinili ko kung ano ang sinasabi ng heart ko at hindi ng isip ko._Gold.

"Grabeh,Ang lalim naman nung hugot na yun!Oo na,Ikaw na ang expert pagdating sa LOVE.Mabuti na lang at mabait din kasi ang napangasawa mo.Tapos hindi pa madamot kaya kahit kasama nyo ang pamilya mo hindi yun naging isyu sa kanya._AKO.Nasa kanila din kasi nakatira ang nanay at tatay nya at dalawa pang nakababatang kapatid na sya din ang nagpapa aral.

"Maswerte din naman ang asawa ko sa akin noh!
San pa sya makakakuha ng maganda na masipag pa aber?
At saka malapit ng makatapos yung mga kapatid ko kaya makakapag ipon ipon na din kami para naman sa mga anak namin.Ganyan lang naman talaga ang life,Basta mabait ka, pagpapalain ka.Kaya tayo mga pinagpapala palage eh.Kasi mababait na anak tayo._Gold.

"Oo naman,Maswerte din si Kuya Ver sayo syempre.
Match na match nga kayo talaga pati sa pangalan.Gold ka tapos sya naman SILVER diba?hahahha._AKO.
Biro ko madalas yun sa kaniya pero Vergel talaga ang name ng asawa nya.

"Gagah ka talaga! Ang lakas mo din mang trip noh? Kung alam lang ng mga nasa VAL na pakitang tao mo lang yang pagpapanggap mong mataray ka at estrikta siguradong walang maniniwala sayo! Sa susunod,Kapag tinarayan mo pa din yang si Captain Aloha,baka tuluyan ka ng ipatanggal sa VAL!_Gold.

"Hahahaha.As if naman ganun kadali nya akong mapapa alis noh? Halos sa VAL na umikot ang mundo ko mula pa nuon, Wala akong kahit isang natanggap na reklamo mula sa mga naging pasahero ko at wala silang masisilip na palpak sa mga performance ko kaya confident ako na hindi ako basta maaalis sa kumpanya ng ganun ganun lang.Baka nga kahit makapag asawa na ako,Hinding hindi pa din ako titigil sa pagtatrabaho ko duon hanggat kaya ko pa._AKO.

Nahinto ang pag kukwentuhan namin ng biglang may pumalakpak sa likuran ko.Sabay kaming lumingon ni GOLD at pareho kaming namutla pagkakita sa taong pumalakpak.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon