Kristalyn
Babe calling.....
" yes baby? " tanong ko sa boyfriend ko ng sinagot ko ang tawag nito.
{ nasan ka?}
" nandito sa office bakit? " sagot ko sa kanya.
{ pwede ka bang pumunta dito sa rooftop saglit?} Sabi niya sa akin.
" ok antayin mo ko jan papunta na ako. "
sabi ko ngunit napakunot ang noo ko ng patayan niya agad ako ng phone di man lang nagpa alam, baka naputol lang di naman siguro niya sinadyang patayan ako ng phone sabi ko nalang sa isip ko ayoko na kasing mag isip na may problema kaming dalawa kahit napapansin ko na nagbabago ang pakikitungo niya sa akin nitong mga nakaraang araw parang ang lamig lamig na ng pakikitungo niya sakin nawala na yung sweet kong boyfriend.
" hep hep saan ka pupuntang babaita ka? " tanong ni carlita sa akin ng masalubong niya ako papalabas ng office namin.
" pupuntahan ko lang si larry sa rooftop tumawag kasi siya punta daw ako sa rooftop kasi may sasabihin daw siya. " sagot ko sa kanya
" ohh ok sige sunod ka nalang sa canteen mamaya doon ka nalang namin hihintayin, wag ka magtatagal ha. " sabi nito sa akin na tinanguan ko lang at naglakad na ko papuntang elevator, ng makasakay na ko sa elevator pinindot ko agad ang top floor.
Paglabas ko sa elevator ay derideritso lang akong naglakad papuntang rooftop, naabutan ko si larry na nakatayo patalikod sa akin.
" babe? " tawag ko sa kanya at napalingon naman siya agad.
" hey kris, nanjan ka na pala. " sabi niya sa akin
" yeah ano ba sasabihin mo? " tanong ko sa kanya.
" ahhhhmm ano ahh...im sorry kris pero kailangan ko ng makipaghiwalay sayo. " sabi sa akin ni larry na ikinakunot ng noo ko kasi sa pagkakaalala ko wala naman kaming problema sa relasyon namin, hindi din kami nag away, so bakit bigla nalang siyang makikipaghiwalay.
" im sorry talaga kris hindi na ako masaya sa relasyon nating dalawa masyadong plain, ni halik nga ang hirap mo pang ibigay sa akin, hindi katulad ni rita napapasaya niya ako pagdating sa alam mo na siguro yun, pinapili kasi ako ni rita kung hindi ako makikipaghiwalay sayo siya ang lalayo sa akin,kaya sorry talaga." sabi niya ulit sa akin ng hindi pa din ako nagsasalita habang naka titig lang sa kanya, ehh gago pala tong taong to ehh, katawan lang pala ang habol niya sa akin, well pasensyahan kami dahil hinding hindi ko ibibigay ang ini ingatan kong perlas sa taong katulad niya manigas siya.
" ohh ganon ba? Ok yun lang pala ehh madali naman akong kausap, hmm then is that all? Tapos ka na ba sa speech mo? Kasi sa sobrang busy ng buhay ko wala na kong panahong makinig sa isang gagong katulad mo, and pa alala lang ha, dapat prostitute hanapin mo hindi girlfriend, so if you'll excuse me sinasayang mo na kasi ang oras ko marami pa akong mas importanteng dapat gawin kaysa magsayang lang ng laway sa pakikipag usap sayo. " sabi ko sa kanya pagkatapos ay tinalikuran ko na siya at naglakad paalis sa rooftop at dumiretso na sa canteen ng company.
" kris dito. " tawag sa akin ni sarah habang kumakaway pagkapasok ko sa canteen agad naman akong lumapit sa kanila.
" hey san ka galing? " tanong naman ni elena sa akin pagkaupo ko sa bakanteng upuan.
" hmmm sa rooftop. " ako
" anong ginawa mo don? " sarah
" well nakipag break sa jowa, " sabi ko sa kanila habang natatawa pa, ewan ko ba di man lang ako nasaktan sa pakikipaghiwalay ng ex-boyfriend ko sakin, sabagay bago palang naman kasi kami kaya siguro ok lang sa akin kahit maghiwalay kami.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romancedahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...