Kristalyn
nandito kami ngayon sa hotel room namin sa resort kasama ko na si kian na hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa taong to na bigla bigla nalang sumulpot kanina pagkatapos ng fashion show at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit siya nagagalit, pag tinatanong ko naman ayaw din naman akong sagutin, nababaliw na siguro tong lalaking ito.
" ano ba kasing problema mo drake, bakit bigla bigla ka nalang nagagalit? sinigawan mo pa talaga si terry sa harap ng maraming tao. " inis na sabi ko sa kanya
" anong problema ko?! nagtanong ka pa talaga kung anong problema ko?! ikaw ang problema ko gi ikaw! " biglang sigaw niya sa akin na ikinagulat at ikinalaki ng mga mata ko.
" at bakit ako ha?! ano bang ginawa ko sayo?! " balik sigaw ko sa kanya akala niya ha siya lang marunong sumigaw nek nek niya.
" ano sa tingin mo ang ginawa mo? " tanong na naman niya sa akin, bwisit pala tong lalaking to ehh, paano ko malalaman ang maling ginawa ko na ikinagalit niya kung hindi niya sasabihin sa akin hindi naman kasi ako manghuhula noh, hindi ako kalahi ni madam auring.
" ehh kung sabihin mo kaya sa akin para malaman ko kung anong ginawa ko na ikinagalit mo kaysa gagawin mo akong manghuhula, nako drake hindi ako kalahi ni madam auring para hulaan kung ano man ang dahilan ng pag iinarte mo jan." sabi ko sa kanya na mas ikinasama ng mukha niya, oh ano na naman bang nasabi ko bakit mas nagalit ata tong mokong nato, meron ata to ngayon ehh.
" so sa tingin mo nag iinarte lang ako ,ganon?! " sabi niya habang naglalakad palapit sa akin, kaya naman napapaatras ako dahil sa dilim ng mukha niya, nakakatakot pa lang galitin ang isang kian drake sanchez parang ano mang oras mananakmal na tong mokong na ito ehh, huhuhu kailangan kong lumabas dito sa kwartong to baka bigla nalang akong sakmalin ng taong to.
" ahh.....ehh, hehehe drake hindi ganon yung ibig kung sabihin,ahhhmmm sandali drake ha hanapin ko muna sila carlita may sasabihin lang ako sa kanila na nakalimutan kong sabihin kanina." sabi ko sa kanya at maglalakad na sana ako papunta sa pinto ng kwarto ng bigla niya akong hilahin na ikinagulat ko ng husto dahilan para mapatili ako.
" where do you think you're going huh babe, im not done with you yet, i need to punish you for being a bad girl hmmmm. " sabi nito sa akin sabay kabig sa batok upang mahalikan ako sa aking mga labi, nung una nagulat pa ako ngunit nung makabawi ako sa pagkagulat ay napapikit nalang ako at naramdaman ko nalang ang sarili kong tumutugon na sa mga halik niya,halik na nauwi sa isang maalab na pag niniig.
Ibang klase din magparusa ang mokong na to noh, parusa daw, sadyang manyak lang talaga tong lalaking to at hindi lang basta bastang manyak dahil punong puno pa ng energy ang gago, aba nakatatlong round ba naman, kailangan nadaw kasi niyang bumuo ng little kian sa sinapupunan ko para hindi ko nadaw maisip yung offer sa akin ni enrique yung modelo na nakilala ko kanina pagkatapos ng fashion show, naisip ko nga na sayang din yun malay niyo sisikat din ako diba pag nadiskubre ang beauty ko, oh ha wag nang pumalag para di makatikim ng bongang bongang batok galing sa akin.
" drake? " tawag ko sa kanya, magkatabi ang mga hubad naming katawan sa kama ngayon, habang nakayakap ang braso niya sa bewang ko.
" hmmmm? " tanging sagot niya sa akin.
" bakit ka nagalit kanina? " tanong ko ulit na nagpabuntong hininga sa kanya na ewan ko kung bakit.
" i don't like what you did a while ago. " sagot niya sa akin na nagpakunot na naman ng noo ko.
" ha?ano ba kasing ginawa ko na hindi mo nagustuhan? Sabihin mo kasi sa akin ng klaro pwede, para malaman ko kung bakit ka nag inarte kanina. " sabi ko sa kanya na ikinalukot ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romancedahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...