KABANATA 15

2.4K 23 0
                                    

Kristalyn

Dahan dahan kong binuksan ang pinto sa apartment namin ni elena, sinisigurado kong wala itong ingay na malilikha, hindi ko alam kung talagang hinintay ako ng mga bakla dahil alas onse na ng gabi ng maihatid ako ni kian sa apartment namin.

Pagpasok ko sa loob ay madilim na ang buong paligid na pinagpasalamat ko dahil paniguradong tulog na ang mga tao dito ngunit halos atakihin ako sa puso ng bigla nalang may nagbukas ng ilaw at bumungad sa akin ang lukot na lukot na mukha ng baklang si carlita.

" aba akala mo makakaligtas ka sa pang ookray kong bruha ka ano? At bakit ngayon ka lang ha anong oras na, alam na alam mong may naghihintay sayo dito! " panenermon ng bakla sa akin, sinabi ko nga hindi talaga ako makakaligtas sa baklang to.

" ehh kasi yung pinsan ni drake ayaw pa kming pauwiin, tinakasan na nga lang namin para makauwi na kami. " pagsisinungaling ko sa bakla.

" weeeh talaga lang ha, o baka naman si sir kian ang ayaw magpauwi sayo? " pang ookray ng bakla sa akin.

" ewan ko sayong bakla ka bahala ka na nga jan. "sabi ko tsaka tinalikuran siya sabay lakad papuntang kusina upang uminom ng tubig.

" hoy!  Bumalik ka dito na bruha ka huwag mo akong tatalikuran at simulan mo nang e kwento ang gusto kong malaman, dahil pag ako na imbyerna lalo sayo sasakalin na talaga kita." Sigaw ng bakla sa akin.

" bakit ba ang ingay ingay mong bakla ka! Alam mong may natutulog sigaw ka ng sigaw jan kung ayaw mong matulog magpatulog ka ha leche! " bulyaw naman ni elena sa bakla na nagising ata dahil sa lakas ng boses ng baklang carlita.

" aba nagmamaldita din tong isang bruha dito ahh, hoy! gumising ka jan dahil nandito na si kris, bruha ka hindi pwedeng ako lang ang mapuyat dapat lahat tayo kaya gumising ka jan kung ayaw mong ihagis kita palabas ng apartment nato. " sigaw ulit ng bakla kay elena, hay nako siguradong magsisimula na naman tong dalawang to.

" bwisit kang bakla ka bakit ka ba kasi nandito, umuwi ka na nga doon sa bahay mo at doon ka magsisigaw, at ako pa talaga ihahagis mo palabas sa sarili kong apartment? Ikaw kaya ihagis ko palabas, leche ka talaga, sinisira mo ang beauty rest ko! " sabi na ehh magsisigawan na naman tong dalawang to.

" beauty rest mo mukha mo, baka rest lang kasi wala akong makitang beauty sayo ilusyunada kang bruha ka, beauty daw, saan banda ha? " sabi naman ng bakla kay elena kaya pumagitna na ako sa kanilang dalawa dahil pag hindi ko inawat tong mga to aabutin hanggang umaga yang bangayan nila.

" ano ba kayo anong oras na ohh,tumahimik nga kayo, paniguradong abot hanggang sa kapitbahay yang pagsisigawan ninyo jan mahiya nga kayo para kayong mga walang kapitbahay. " sabi ko sa dalawa.

" isa ka pa, lumapit ka na dito at simulan mo nang sabihin sa akin kung paano mo kinulam si sir kian. " sabi ng bakla sa akin.

" bakla ka anong kulam kulam yang pinagsasabi mo jan, mukha bang mangkukulam yang kaibigan natin? " sabi naman ni elena sa bakla.

" ay hindi,ang totoo hindi si kris ang mukhang mangkukulam kung hindi ikaw, echusera ka hindi ikaw ang kinakausap ko kaya wag kang sabat ng sabat. " sabi ng bakla kay elena, hay ewan..

" aba't ang sama nga naman lagi ng tabas niyang dila mong bakla ka ano?  Para sabihin ko sayo mas mukha ka pang mangkukulam sa akin bakla ka! " elena kay carlita.

" tumahimik na nga kayo, eto na oh magkukwento na ako, kaya pakiusap lang tumahimik na kayo na aalibadbaran na ako jan sa bangayan ninyo, ang sarap niyo nang pag untuging dalawa alam niyo ba yun. "

" yan naman pala ehh, gusto mo pa talagang makarinig ng bangayan ehh bago ka mag salita jan. " sabi ng bakla sa akin.

" oo Na bakla para matahimik na yang kaluluwa mo, nahiya naman ako sayo,stress na stress ka sa lovelife ko ehh. " sabi ko sa bakla kaya umupo ako sa bakanteng sofa at sinimulan ko ngang e kwento sa kanila kung paano kami nagkakilala ni kian at sinabi ko din yung nangyari sa aming dalawa maliban na lang sa pagpirma ko ng kontrata kay kian, wala akong lakas ng loob na sabihin yun sa kanila, dahil sa ugali ng baklang to baka ibitin na ako ng patiwarik nito pag nalaman niya na bata lang ang kailangan ni kian sa akin at hindi totoo ang relasyon naming dalawa.

His Hired Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon