Kristalyn
" kris buti naman at pumasok ka na, anong nangyari sayo kahapon? Hindi ka umuwi sa apartment natin, hindi ka din pumasok, hindi mo din sinasagot ang mga tawag namin, nagreply ka nga sa text namin pero anong oras na, alam mo bang alalang alala kami sayo kahapon, galit na galit nga yung bakla sayo dahil nag aalala talaga yun kahapon kasi nga hindi ka namin ma contact. " mahabang litanya ni elena pagkapasok ko pa lang sa accounting office, dito na ako dumiretso pinauna ko na din si kian sa office niya, ayaw pa nga sanang pumayag ng mokong buti nalang at na kumbinsi ko, ang oa naman kasi ng lalaking yun, halos ayaw nang humiwalay at laging na lang nakabuntot sa akin simula nung malaman niyang buntis ako.
" sorry talaga elena ha, may nangyari lang kasi kahapon at naiwan ko din ang phone ko sa condo ni kian, mamaya ko nalang e kukwento sa inyo, asan nga pala ang mga bakla? " tanong ko sa kanya di ko kasi nakita si carlita at sarah pag pasok ko.
" may hinatid na documents si sarah kay manager at ewan ko sa baklang si carlita kung nasaan yun nandito lang yun kanina ehh. " sabi niya sa akin habang nililibot ang tingin niya sa paligid siguro para hanapin ang bakla.
" excuse me miss kris pinapunta po ako ni sir kian dito para kunin po ang mga gamit niyo na ililipat sa office niya. " nagulat ako sa bigla nalang pagsulpot ni nely sa kung saan, eto nanaman tong mokong nato nang abala na naman ng ibang tao ehh kaya ko namang dalhin ang mga gamit ko.
" nako nely wag na salamat nalang pero kaya ko nang dalhin ang mga gamit ko, kaya ako nalang ang magdadala mamaya, naabala ka pa tuloy, sobrang oa kasi niyang amo mo. " sabi ko sa kanya ,hindi naman na kasi kailangan pang e utos sa ibang tao ang pagdadala ng gamit ko ehh, hindi naman ganoon kadami ang mga gamit na ililipat ko sa opisina niya.
" i insist miss kris pagagalitan po ako ni sir kian pag hindi ko sinunod ang utos niya at baka mawalan pa po ako ng trabaho at tsaka ok lang po talaga, saan po ba ang table niyo? " pag pupumilit niya kaya pumayag nalang ako dahil baka mawalan pa siya ng trabaho dahil sa pag iinarte ko.
" ohh ok, ikaw ang bahala, sandali ha ilalagay ko muna sa box ang mga gamit ko, hindi ko pa kasi naayos ang mga gamit ko kakadating ko lang din kasi. " sabi ko kay nely at naglakad na ako papunta sa table ko, habang sumusunod naman sa akin si nely at elena.
" kris anong nangyari? lilipat ka bakit? " sunod sunod na tanong ni elena sa akin.
" mamaya ko na e kukwento sa inyo pagdating nila bakla, tulungan mo na muna ako mag ayos ng gamit ko please. " sabi ko naman kay elena nakakahiya kasi kay nely kung mag hihintay pa siya ng matagal. alam ko naman na busy din siya sa sarili niyang trabaho, nakakainis naman kasi yung kian na yun.
" Bruha ka! buti naman at naisipan mo nang pumasok, lumapit ka dito sa akin ng masabunutan kita ng bonggang bongga, alam mo ba kung gaano kami nag alala sayo kahapon ha, hindi namin alam kung anong nagyari sayo kung bakit hindi ka pumasok at bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag namin. " napalingon ako dahil sa lakas ng boses ng bakla na nagtatalak habang naglalakad palapit sa akin.
" bakla sorry talaga naiwan ko kasi ang phone ko sa bahay ni kian kahapon, mamaya ko na ikukwento sa inyo ok. " sabi ko sa bakla habang patuloy sa pag iimpake ng mga gamit ko at sana tumigil muna to kakatalak.
" ohh ehh anong ginagawa mo? bakit mo nililigpit lahat ng gamit mo jan sa table mo? ano senisante ka na ng jowa mo ganon? " sunod sunod na tanong ng bakla sa akin habang nagliligpit ako ng mga gamit ko, buti nalang tinutulungan ako ni elena kaya mabilis lang kaming natapos.
" ehh kasi pinapalipat ako ni drake sa office niya kaya hindi ko alam kung mapapalitan din ang trabaho ko malayo namam kasi ang office niya dito sa accounting dept. parang nakakapagod magpabalik balik dito pag may kailangan ako sa inyo, baka tanggapin ko nalang yung offer niya na pagiging PA daw niya, ewan ko sa lalaking yun masyado naman kasing oa yun ehh. " sabi ko na ikinakunot ng noo ng bakla.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romancedahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...