KristalynPagbukas ng elevator ay nagmamadali na akong lumabas dito, halos tumatakbo na ako makaalis lang sa lugar na ito, wala na akong pakialam sa mga nagtatakang mga mata na nakatingin sa akin, siguro iniisip ng mga ito na nababaliw na ako, hindi kasi maampat ang pagtulo ng luha ko kahit anong punas pa ang gawin ko dito, wala na atang katapusan ang masaganang mga luha ko sa pag tulo.
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon ay hindi ko na alam ang ginagawa ko basta nalang akong naglalakad ng walang deriksyon.
Paglabas ko ng kompanya nila kian ay dere deretso lang ako sa paglalakad habang blanko ang utak ko, ni hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung ano ang gagawin ko, hindi ko akalain na ganito kasakit ang mararamdaman ko sa muli naming pag kikita ng lalaking tanging minahal ko ng sobra at minamahal pa din hanggang ngayon.
Pero sobrang sakit lang malaman na masaya na siya sa piling ng babaeng totoong minamahal niya, ang sakit lang isipin na wala naman talaga akong halaga sa kanya, na ako lang naman ang nagmamahal sa aming dalawa, im just his hired baby maker at hindi ko dapat nararamdaman ang ganitong klase ng sakit sa puso ko ngayon, because from the start he warned me already to never fall in love with him.
Pero anong magagawa ko kung nahulog ang puso ko sa kanya, anong magagawa ko kung naniwala ang hibang kong puso sa sinabi niyang mahal niya din ako, masisi ko ba ang puso ko kung umasa ito sa mga salitang binitiwan ni kian bago paman ang kasal namin, masisi ba ako kung naniwala ako sa lahat ng mga ipinaramdam at ipinakita ni kian sa akin noong mga panahong wala pang julia ang bumabalik sa buhay niya?
Sobrang sakit lang isipin na akala ko mahal din niya ako pero sa isang iglap lang naglaho ang lahat ng mga maling akala ko ng dahil sa pagbabalik ng babaeng totoong minamahal niya.
Habang nakatitig ako sa kanila ng anak ni julia kanina na masayang nag haharutan ay parang pinupunit ng pira piraso ang puso ko, dahil naisip kong dapat sana ang mga anak ko ang kaharutan niya, dapat sana ang mga anak ko ang kasama niya habang masaya silang nagtatawanan, dapat sana ang mga anak ko ang nakakaramdam ng pagmamahal niya bilang isang ama at dapat sana ang mga anak ko ang tumatawag sa kanya ng daddy pero hindi ehh dahil iba ang kasama niya, iba ang pinili niya at hindi kami ng mga anak niya.
Isang malakas na busina ang nakapag pagising sa lumilipad kong diwa, nanlaki ang mga mata ko ng malingunan ko ang sasakyan na papalapit na sa akin, para akong kandilang itinulos sa kinatatayuan ko, hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko, nanginginig ang buong katawan ko at sobrang lakas ng tibok ng puso ko, wala na akong ibang nagawa kung hindi ang ipikit ang mga mata ko.
Ito na ba, ito na ba ang katapusan ng buhay ko? Sa ganito nalang ba ako mawawala sa mundong ito? Paano ang mga anak ko, ano ang mangyayari sa kanila pag nawala na ako, ang mga magulang ko, ang mga kaibigan ko, mawawala nalang ba ako sa mundong ito na hindi man lang makakapag paalam sa kanila.
Naimulat ko ang mga mata ko ng maramdaman kong may humila sa mga kamay ko at napasobsob ako sa malapad na dibdib ng taong humila sa akin dahil sa lakas ng pagkakahila niya.
Hindi ko na kinaya ang lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon kaya sumuko na ang katawan at ang utak ko, hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari dahil tuluyan nang nagdilim ang paningin ko...
+++++
Nagising akong sumasakit ang ulo ko, at ng imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa aking paningin ang puting kisame.
Inilibot ko ang paningin ko at nahagip ng tingin ko ang lalaking nakaupo sa tabi ng kama ko habang hawak hawak ang kamay ko at nakatitig ng mariin sa akin.
" babe thank god! you're awake, wait here I'll just call the doctor. " wala na akong nagawa ng mabilis siyang lumabas sa kwartong kinaroroonan ko upang tumawag ng doctor, at di nga nagtagal ay pumasok nang muli si kian kasama na ang isang doctor at isang nurse.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romancedahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...