Kristalyn
Kakauwi lang namin galing davao at huling araw na namin ngayon dito sa probinsya dahil bukas na ang balik namin sa manila tumawag kasi ang kapatid ni kian na nasa manila nadaw sila kaya mas mapapaaga ang balik namin sa manila, nakikita ko ang lungkot sa mga mata ng pamilya ko dahil aalis na naman ako pero sinabi ko naman sa kanila na dalawang buwan lang naman at magkikita na naman kaming muli.
Sa kabila ng lungkot na nararamdaman ng pamilya ko ay alam kong mas lamang pa din ang saya sa kanila dahil sa alam naman nila na mabuti at magiging masaya ako sa manila sa piling ng mga bago kong pamilya.
Nandito kami ngayon sa bahay at nagkakasiyahan dahil nagpahanda na naman ang pamilya ko ng salo salo para farewell party nga daw sa pag alis namin bukas, kaya heto kami ngayon sa bakuran ng aming maliit na bahay nagkukumpulan kasama ang mga pinsan at kapatid ko.
Masaya kaming nag kukwentuhan, nagbibiruan at nag aasaran, lalo na at nagsimula na naman ang bakla at si elena na wala na atang araw na hindi nagbabangayan kahit nung namamasyal kami ay wala talagang pinalagpas na araw ang dalawa, pero imbis na mainis ang mga iba pang kaibigan namin ay ginawa nalang nilang katuwaan ang pakikinig sa asaran ng dalawang bakla.
" oi kris wag mo kaming kakalimutang imbitahin sa kasal mo ha, bakit naman kasi ang layo ninyong magpakasal dito nalang sana para lahat kami makapunta. " sabi ni kuya lito sa akin isa sa mga pinsan ko.
" oo naman kuya lahat naman kayo imbitado, wag kayong mag alala sagot na namin ang sasakyan niyo papuntang maynila kaya makakapunta pa din kayo. " sagot ko naman na nagpalawak ng ngiti niya.
" talaga? Wow naman bigatin nga talaga tong mapapangasawa mo biruin mo ang mahal mahal kaya ng pamasahe, tapos ok lang sana kung ilan lang kami ehh kita mo nga sa dami ng mga kamag anak natin, ok lang ba yun sa inyo? " napangiti nalang ako sa sinabi ni kuya lito bago ko siya sinagot.
" ano kaba kuya ok lang yun kaya huwag mo na pong alalahanin ang pag dalo sa kasal ko dahil settled napo lahat yun, sina mama nalang ang mag sasabi sa inyo kung kailan ang punta niyo sa manila. "
" salamat kris ha, kaya ikaw ang paborito ko sa mga pinsan natin ehh masyado kang mabait at hindi man lang yumabang kahit na alam nating lahat na nakakaangat ka na talaga ngayon sa buhay. "
" asus si kuya nambola pa. " natatawang sabi ko naman sa kanya.
" alam mong hindi kita binobola kris at totoo lahat ng sinabi ko. " aniya pa kaya naman napangiti nalang ako. " kaya maswerte ka sa pinsan naming yan pare dahil sa hindi lang maganda at matalino yan sobrang bait pa, kaya naman inaasahan naming lahat ng kapamilya ni kris na aalagaan mo siya at hindi sasaktan dahil pag sinaktan mo yan nako marami rami kaming susugod sayo. " dagdag pa nito na kay kian naman bumaling.
" yeah i know how lucky i am with kris, and don't worry I'll do my best to give her everything that can make her happy. " sagot ni kian kay kuya lito na nagpalukot naman ng mukha ng huli kaya hindi ko tuloy mapigilang matawa.
" alam mo pare gustong gusto kita para kay kris walang halong bola yun, kaso parang mauubusan ata ako ng dugo sa pakikipag usap sayo ehh. " reklamo ni kuya lito kaya hindi ko na napigilan ang paghalakhak, kunot noo naman akong tiningnan ni kian na hindi nakuha ang ibig sabihin ni kuya lito.
" hey baby what's wrong? Is there something funny about what he said? And why would he run out of blood when he's talking to me? " naguguluhang tanong ni kian sa akin na mas lalo lang nagpalakas ng tawa ko kaya sa akin na nakatingin lahat ng kasama namin na halata ang pagtataka sa mga mukha nila o hindi kaya ay iniisip nilang nababaliw na siguro ako.
" oh my gosh! Im sorry baby i just can't help but to laugh at you, ang hina mo naman kasing makuha ang ibig sabihin ni kuya lito. " sabi ko habang nagpipigil pa din ng tawa samantalang patuloy pa ding nakatingin sa akin ang mga nagtatakang mukha nila.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romancedahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...