Kristalyn
" excited na talaga akong makarating sa lugar niyo kris marami bang magandang pasyalan doon sa inyo? " tuwang tuwang tanong ni elena sa akin habang sakay kami ng kotse ni kian papuntang airport ngayon na kasi ang araw ng pagbyahe namin pauwi sa probinsiya namin.
" tumahimik ka na nga jan babaeng mas mukha pang bakla sa akin,ang ingay ingay mo diyos ko naman kanina pa yang bunganga mo dada ng dada hindi ba yan napapagod kaka putak? " ayan na ang malditang bakla na walang ginawa kung hindi ang awayin si elena kanina pa yang dalawang yan nagbabangayan buti na nga lang at hindi pa nabibingi si kian sa dalawang to dahil may pa ngiti ngiti pang nalalaman ang kumag.
" aba hoy! baklang mukhang palaka tigilan mo kakabwisit sa akin dahil pag ako di nakapag timpi sayo itutulak na talaga kita palabas dito sa sasakyan ni sir kian, sinasabi ko sayong bakla ka, echuserang froglet kahit kailan. " nakairap pang sabi ni elena kay carlita na tinaasan lang ng kilay ng bakla.
" ay bakla wala ka bang salamin? teka bibigyan kita ng makita mo naman na mas mukha ka pang palaka kesa sa akin, chura nito che! " sabi na ehh wala talagang magpapatalo sa dalawang to, ang sarap na ngang pag untugin ehh pasalamat lang talaga sila at nandito ako sa harap samantalang nasa likod naman sila ng sasakyan ni kian.
" i just noticed that two friends of yours are always fighting whenever they're together babe are they really friends? " napabaling ang attention ko kay kian ng magsalita ito bigla.
" nako wag mo nalang pansinin yang dalawang yan dahil ganyan na talaga yang mga yan kahit noon pa, masasanay ka din sa pagbabangayan ng dalawang yan lalo na pag lagi mo silang makasama. " sagot ko naman sa kanya.
" hmmm yeah? By the way babe can you tell me what are your parents like? I want to know about them so atleast i know how to approach them later. " tanong sa akin ni kian.
" hmmmm,maybe just be yourself, mabait naman si papa at mama, tsaka papakasalan mo naman ako kaya wala kang dapat ipag alala, hindi naman sila yung tipo ng magulang na sobrang strikto, and kasama naman natin sila mom and dad kaya im sure wala kang magiging problema sa mga magulang ko. " nakangiting sagot ko kay kian.
Pagkatapos ng mahigit isang oras ay nasa airport na kaming lahat, mabuti nalang at private plane nila kian ang gagamitin namin kaya hindi na namin kailangan pang tumambay sa airport upang hintayin kung anong oras pa ang flight namin.
After 10minutes ay sabay2x na kaming pumasok sa private plane nila kian, pagpasok palang namin ay napasinghap na ang dalawang bakla, halata sa mga mukha nila ang pagkamangha, na kahit ako man ay ganoon din, napakagara naman kasi ng loob ng eroplano nila at ang laki pa.
Pagkaupo ng lahat at ng masigurado na maayos nang nakapwesto ang lahat sa kanya kanya naming upuan ay nag salita na ang flight attendant para ipaalam sa amin na mag tetake off na ang plane, napahawak naman ako ng mahigpit sa kamay ni kian nung maramdaman kong pataas na ang eroplanong sinasakyan namin, first time ko kayang makasakay ng eroplano kaya wag kayong ano hmmmp.
" are you ok baby? " tanong ni kian sa akin ng maramdaman niya ang pag hawak ko ng mahigpit sa kamay niya.
" yeah... " nakapikit na sagot ko sa kanya, kasi pakiramdam ko hinahalukay ang tiyan ko habang pataas na ang eroplano.
" hey are you sure? You look pale babe. " natatarantang tanong ulit ni kian sa akin.
" ok lang ako drake wag kang mag alala first time ko kasi tong makasakay ng plane kaya naninibago lang siguro ako. " sagot ko nalang sa kanya para hindi na siya masyadong mag alala sa akin.
" come here. " sabay hila sa akin palapit sa kanya at niyakap ako kaya sinandal ko naman ang ulo ko sa dibdin niya.
" are you comfortable there? " tanong niya sa akin habang hinihimas ang buhok ko kaya nakapikit na tumango nalang ako sa kanya at hinayaan nang hilahin ng antok ang gising kong diwa.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romancedahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...