Kian
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko, hindi ko man lang namalayang nakatulog pala ako.
" you're awake, are you ok? " napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang malungkot na mukha ni julia.
" yeah im fine, how about you? " tanong ko sa kanya, bago ako tumayo at lumapit sa tabi ng kama niya dito sa hospital.
" a bit better because you're still here, please don't leave me kian please im begging you, i need you kian. " pagsusumamo niya sa akin habang nanunubig na naman ang mga mata niya, banta na naiiyak na naman siya.
" shhhh it's ok juls, im here im just here, don't cry please it's not good for you and your baby. " pag aalo ko sa kanya habang yakap ko siya kaya kumalma naman siya.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, iniwan ko ang asawa ko na nandito din sa hospital nato, nasasaktan akong isipin na wala ako sa tabi ng asawa ko ngayon at ibang lalaki ang nag aalaga sa kanya na dapat ako ang gumagawa, kaso hindi din kasi maatim ng konsensya ko na basta nalang talikuran si julia, lalo na at walang ibang makakatulong sa kanya kundi ako lang, sobrang nahihirapan ako ngayon sa sitwasyon naming tatlo naiipit ako sa babaeng naging mahalaga din sa buhay ko at sa babaeng minamahal ko, mas lalong kumikirot ang ulo ko sa pag iisip ng dapat kong gawin.
Hinihintay kong makatulog si julia upang mapuntahan ko na ang asawa ko, miss na miss ko na ang mahal ko pero hindi ko naman maiwan si julia na mag isa dito lalo pa at gising siya, baka ano na naman ang gawin niya sa sarili niya.
Lumipas pa ang ilang oras na nanatili lang ako sa tabi ni julia, pagdating ng hapon ay nagpasalamat ako at nakatulog din siya, agad akong nagpaalam kay tita, ang mommy ni julia na pupuntahan ko muna ang asawa ko at pumayag naman siya agad, kaya dali dali na akong lumabas sa kwarto ni julia at patakbo ko nang tinungo ang kwarto ng asawa ko.
Ngunit nanghina ako ng makita kong blangko na ang silid na inukupa ng asawa ko dito sa hospital, kaya patakbong tinungo ko ang information desk upang magtanong.
" nurse i just want to ask if when did my wife got discharge? Her name is kristalyn gizelle sanchez. " tanong ko sa nurse na nasa information desk.
" wait for a minute sir I'll just check for it. " sagot nito kaya naghintay naman ako at pagkaraan ng ilang minuto ay nagsalita na ito. " kahapon pa po siya ng tanghali na discharge sir. " sabi nito sa akin kaya nagpasalamat na ako dito at dali daling bumalik sa kwarto ni julia.
Shit! Paniguradong nag tatampo na sa akin yun ngayon kasi hindi agad ako nakabalik sa kanya.
Pagdating ko sa room ni julia ay gising na siya and worst nagwawala na naman siya.
" oh god! kian, thanks you're here already kanina ka pa hinahanap ni julia, kaya nagwala siya ng hindi ka niya nakita. " salubong ng mommy ni julia sa akin kaya patakbo akong lumapit kay julia.
" juls please calm down juls, come on its ok, its ok, im just here So please calm down. " alo ko sa kanya pagkatapos ko siyang yakapin.
Pagkatapos kumalma ni julia ay nakatulog din siya agad, nanlalata naman akong napaupo sa sofa, habang iniisip ko kung paano ako makakaalis dito upang puntahan ang asawa ko, dahil sigurado akong sobrang nagtatampo na sa akin yun dahil ang sabi ko sa kanya ay babalik din ako kaagad pero hindi ko nagawa dahil sa sitwasyon ni julia, kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng pantalon ko ngunit dismayadong napatitig nalang ako dito ng makita kong deadbat na ang battery nito.
" tita im so sorry but i need to go home already, my wife got discharge from this hospital yesterday and i need to check on her also, i hope it's ok for me to leave now. " paalam ko sa mommy ni juila, binigyan niya ako ng malungkot na ngiti bago sumagot sa akin.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romancedahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...