Hero
" How is she and her babies doc? " tanong ko sa doctor na kakalabas lang galing sa operating room kung saan ipinasok si kris kanina.
" fortunately their ok for now, we manage to stop the bleeding, but we still need to observe her condition until tomorrow, dahil kung hindi naagapan agad ang pag bebleeding niya maaring wala na ang mga anak niya ngayon, masyadong maselan ang pag bubuntis niya dahil triplets ang dinadala niya, kaya sana mas igihan niyo pa ang pag iingat sa mag ina niyo, you can see her after we transfer her at her room. " paliwanag ng doctor sa akin, thank god they're ok, dahil hindi ko alam ang magagawa ko kay kian kung sakaling may nangyaring masama sa mga anak niya, damn him humanda sa akin ang lalaking yan oras na malaman ko lang kung anong dahilan ng pagkakaganito ni kris, makakatikim talaga sa akin yung gagong yun.
Nakatitig lang ako sa magandang mukha ni kris na payapang natutulog, kanina pa siya nalipat dito sa private room niya pero hindi pa din siya nagigising.
Lumabas ako saglit upang bumili sana ng kape sa malapit na coffee shop dito sa hospital kasi wala pa akong breakfast, nasa opisina kasi ako kanina ng tumawag si kris, sobrang busy ko din dahil ang dami ng kailangan kong asikasuhin wala kasi si dad ngayon dahil nag yaya na naman ng tour ang spoiled kong mommy kaya sa akin naiwan lahat ang pag aasikaso sa kompanya namin, busy din ako sa pag aasikaso sa bagong airport project namin sa italy na kaka construct palang, kaya kahit pagkain ng breakfast man lang ay di ko na magawa.
Natigil ako sa paglalakad sa hallway ng hospital ng mahagip ng paningin ko ang lalaking masayang nakikipag kwentuhan sa babaeng nakaupo sa hospital bed sa loob ng isa sa mga private room dito.
Napakuyom ang kamao ko at hindi ko napigilan ang sarili kong katukin ang pinto ng nakabukas na kwarto kaya napunta ang attention ng mga taong nasa loob sa akin.
" can i have a talk with you? " malamig ang boses na tanong ko habang nakasentro lang ang tingin ko sa lalaking ngayon ay gulat na gulat na nakatingin sa akin, asshole kaya siguro muntik ng mapahamak ang mag ina niya dahil sa kagaguhang pinag gagawa niya ngayon.
" cortez... What a surprise, what are you doing here? " tanong ni kian sa akin pagkalabas niya sa kwarto at matapos niyang isara ang pinto nito.
" yeah what a surprise you asshole! " singhal ko sa kanya sabay lapat ng nanginginig kong kamao sa mukha niya.
" what the fvcking hell is your problem cortez?! " galit na tanong niya sa akin habang hawak ang panga niya na tinamaan ng kamao ko.
" what is my problem? Your asking me what is my fvcking problem?! You being an asshole bastard of a husband is my fvcking problem sanchez! Fvck you! " ganting sigaw ko sa kanya habang nanginginig na sa galit ang buong katawan ko.
" what are you trying to say cortez? " nakakunot noong tanong ng gago.
" huh! Yeah right you don't know anything because you're so busy taking care of your crazy bitch! " nagulat ako sa biglang pagdapo ng kamao ni kian sa mukha ko na hindi ko inaasahan kaya natumba ako ng tamaan ako nito.
" watch that fvcking mouth of yours cortez, julia is also your friend before you know very well that she's not like that, you don't have the right to call her that way!" galit na sigaw na naman niya sa akin.
" fvck you sanchez! Magsama kayo ng babae mong baliw, just remember this asshole i will make sure that you're going to regret this day in your whole fvcking life! "
Pagkasabi ko non ay iniwan ko na siya na bakas ang pagtataka at kalituhan sa mukha niya.
Umikot lang ako sa kabilang way papunta sa hospital room ni kris, nakalimutan ko na ang gutom na nararamdaman ko at agad na akong bumalik sa kwarto ni kris at habang naglalakad ako ay hinihiling ko na sana gising na si kris pagdating ko sa kwarto niya dahil gusto kong makasiguro kung si kian nga ang dahilan kung bakit nandito siya ngayon sa hospital na to, kahit may hinala na ako ay gusto ko pa ding marinig galing sa bibig niya ang dahilan ng lahat ng to.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romansadahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...