Kristalyn
" bakla ka, ngayon ko lang talaga ipinagpapasalamat na naging kaibigan kita. " sabi ng baklang si carlita sa akin, nandito kami ngayon sa beach resort nila kian sa palawan pinasama kasi sila ni kian para may magbantay daw sa akin pag wala siya ,hindi ko alam na sa kanila pala ang pupuntahan naming resort nung inaya ako nila terry kasi may fashion show nga daw sila dito.
" ewan ko sayong bakla ka ang sama talaga ng ugali mo kahit kailan, nasan na ba si elena? " tanong ko sa bakla silang dalawa lang ni elena ang sumama dahil ayaw sumama ni sarah may pupuntahan daw kasi sila ni edward kaya tong dalawang bakla nalang ang sumama sa amin na tuwang tuwa naman dahil pinuntahan sila ni kian sa office nung friday morning at tinanong sila kung gusto nilang sumama sa amin dito sa palawan.
" ewan ko don sa bruhang yun kagabi pa yun nagpapa cute sa mga gwapong kaibigan ni sir kian. " sagot ng bakla sa akin, sumama din kasi sa amin ang mga kaibigan ni kian dahil meron din ata silang aasikasuhin dito sa resort silang magkakaibigan kasi ang may ari nitong resort at syempre si chad para sumuporta kay terry na girlfriend niya.
" mga baklaaaaaaa!!!!!!! " sigaw ni elena na kakapasok lang dito sa room nila ni carlita iisa lang kasi sila ng kwarto pero dalawa naman ang bed sa room na kinuha ni kian para sa kanila kaya ok lang sa kanila na magkasama sa iisang kwarto, ako naman ay doon ako sa kwarto ni kian syempre papayag ba naman ang damuhong yun na sa ibang kwarto ako.
" bruha ka saan ka ba nagsususuot at anong problema mot nagsisigaw ka jan? At pewede tigilan mo yang pagsigaw sigaw mo jan kung ayaw mong busalan ko yang bibig mo, nakakarindi sa pandinig yang boses mo! " sermon ng bakla kay elena kaya napanguso naman ito.
" hoy baklang laging may regla kahit saan ka dalhin maldita ka talaga! " pang aasar na naman ni elena sa bakla.
" hoy babaeng mas mukhang bakla kaysa sa akin, di bale ng maldita ako maganda naman, hindi katulad ng iba jan. " ganting pang aasar naman ng bakla kay elena, hay nako alam ko na kung saan na naman papunta tong bangayan nilang to.
" tigilan niyo na yan mamaya magkapikonan pa kayo jan, tara na nga lang sa labas at mamasyal. " pag aaya ko nalang sa kanila dahil kung mananatili kami dito paniguradong magsasabunutan na tong dalawang to.
" oo kailangan na talaga nating lumabas dahil hinahanap ka ni miss terry, pinapasundo ka niya sa akin. " sabi ni elena sa akin
" huh? bakit naman niya ako hinahanap? " nakakunot ang noong tanong ko sa kanya.
" ewan ko basta ang sabi niya sunduin daw kita at pumunta daw tayo doon sa room niya. " sagot ni elena sa akin.
" oh ano pang ginagawa niyo jan? tara na at rumampa ang daming papa doon sa beach panigurado. " sabi ng malanding baklang si carlita sabay tayo sa sofang kina uupuan nito
" bakit sinabi ko bang kasama ka ha bakla? diba sabi ko si kris lang ang pinapatawag kaya ikaw dito ka lang, mabulok ka dito sa kwartong to! " sabi naman ni elena kay carlita.
" bwisit ka talagang bruha ka! baka gusto mong ikaw ang ikulong ko dito pag di ka tumigil jan." hay nako kahit kailan talaga tong dalawang to.
" hali na nga kayo baka hinihintay na ako ni terry bakit ba kasi ako pinatawag ng isang yun, diba mamaya na ang fashion show nila?" sabi ko sa dalawa at hinila na ang mga ito palabas ng hotel room nila bago pa magsabunutan ang dalawang to.
" abay ewan ko don basta sinabi lang sa akin nung makita ako na papuntahin daw kita sa room niya. " sabi naman ni elena habang naglalakad na kami papunta sa room ni terry
" hey! krissy sissy thank god you're here already, i really need your help right now please just this one help me ok? " sabi ni terry sa akin ng pagbuksan niya kami ng pinto ng room niya.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romancedahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...