KABANATA 36

1.8K 23 0
                                    

Kristalyn

Maaga akong nagising at naghanda na sa mga gamit namin na dadalhin pabalik ng manila, ngayong araw na kasi ang alis namin, hinayaan ko lang munang matulog si kian dahil hindi naman kami kailangang maghabol ng oras dahil private plane naman nila ang gagamitin namin kaya walang problema kahit anong oras na kami bumyahe papuntang airport.

Pagkatapos kong maayos lahat ng gamit ko at kay kian ay naligo na ako para hindi na ako magkumahog mamaya kapag nagising tong damuhong sobrang himbing pa din ang tulog, anong oras na din kasi sila natapos kagabi nauna na nga lang akong natulog dahil bawal sa akin ang magpuyat, nagkakasiyahan pa kasi sila sa labas kaya hinayaan ko nalang din dahil kahit ang iba kong pinsan ay mga lasing na wala namang naging problema dahil maayos pa din naman ang pakikitungo nila kina kian at sa mga kaibigan ko kahit lango na sila sa alak.

Pagkatapos kong maligo ay naghanda nalang ako ng agahan namin at uminom nadin ako ng gatas ko, kahit hindi naman ako mahilig uminom ng gatas ay wala akong choice kailangan kasi to ni baby.

" good morning baby. " bati sa akin ng lalaking ngayon ay nakayakap na sa akin mula sa likuran ko.

" morning too babe, coffee? " tanong ko sa kanya.

" yes please. " sagot niya kaya pinag timpla ko naman siya agad ng kape niya.

" do you want to eat breakfast now? " tanong ko sa kanya pagkatapos kong timplahan siya ng kape.

" sure, join me? " tumango ako sa kanya at naghain na ng breakfast namin, siya naman ay nakaupo nadin sa harap ng hapagkainan.

" anong oras ba kayo natapos kagabi? Hindi ko namalayan ang pagtabi mo sa akin. "

" hmmmm i think it's already 4am when we all decided to sleep, your family and relatives are fun to be with, hindi pa nga sana kami matutulog kaso hindi pwede dahil kailangan naming magmaneho mamaya papuntang airport. "

" what? 4am na kayo natulog? At sa tingin mo sapat na yung tatlong oras ninyong tulog para hindi kayo antukin sa byahe mamaya? Ehh kung hindi ba naman kayo mga baliw alam niyo namang mahaba pa ang byahe natin ngayon papuntang airport. " inis na litanya ko kay kian, dahil sino ba namang matutuwa sa ginawa nila, paano kung antukin sila habang nagmamaneho, edi malaking problema na naman.

" it's ok babe, we can handle our selves so don't worry about us ok? " malambing na sabi niya sa akin pagkatapos niya akong yakapin nung nakaupo na ako sa tabi niya.

" siguraduhin niyo lang na kaya niyong mag drive mamaya. " paalala ko ulit sa kanya

" ofcourse, and i think some of your cousin will go with us to the airport your brothers as well. " 

" huh? Bakit naman sila sasama? " nagtatakang tanong ko sa kanya.

" because i want to give my car to your brother kiro and i think mom will give the car they're using to your older brother. " sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

" what? And why would you do that? Gosh babe ang mamahal nung mga sasakyan niyo tapos dalawa pa talaga ang ibibigay niyo? That's too much babe. " pag angal ko sa gusto nilang gawin.

" it's just a car babe and we have a lot of it in manila, and besides your brothers needs it, giro need it for his work and kiro needs it for going to school. " paliwanag naman niya sa akin.

" still it's too much baby, nakakahiya na sa inyo. " sabi ko naman sa kanya.

" nah it's not, don't think about it already babe and lets just eat ok? "

Hindi nalang ako umangal pa sa kagustohan niya at tahimik na kaming nag almusal, pero hindi pa din nawawala sa isip ko ang pagbibigay nila kian ng sasakyan sa mga kapatid ko, oo mayaman sila kian at hindi kawalan sa kanila ang dalawang sasakyan na ibibigay nila sa mga kapatid ko pero nakakahiya pa din sa pamilya niya, baka mamaya aakalain nila na pera lang ang habol ko kay kian kahit hindi naman totoo dahil alam ng diyos kung gaano ko kamahal si kian.

His Hired Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon