Kristalyn
" bakla sa apartment kaba matutulog mamaya? " tanong ko sa baklang si carlita nandito na ako sa office namin ngayon
" ayy nagtanong pa tong bruhang to natural dahil magdamag kang magpapaliwanag sa amin mamaya kung anong kababalaghan ang ginawa mo kay papa kian at pumatol sayo yon. " sabi ng echuserang bakla sa akin.
" makapagsalita kang bakla ka bakit ganon naba ako ka pangit para hindi ako magustuhan ni drake? "May sama ng loob na tanong ko sa kanya
" aba maka drake tong lola niyo feel na feel pa ahh, siguraduhin mo lang na seryoso sayo yang drake mong yan ha,dahil kung ginagago ka lang din niyan nako ngayon pa lang gumising ka na, alam mo naman ang mga mayayaman pag nakuha ang gusto goodbye Philippines goodbye world ka na talaga, at paniguradong maiiwan ka sa tabi na wasak pa sa lahat ng wasak. " sabi ng bakla na nagpatahimik sa akin, paano nalang kung malaman nitong baklang to na peke lang lahat ang namamagitan sa amin ni kian baka eumpog na ng baklang to ang ulo ko sa pader.
" hoy! Ikaw na bakla ka diba sinabi ko na sayo na mag preno preno ka diyan sa bibig mo paminsan minsan ha, bakit di mo nalang suportahan yang kaibigan natin sa lovelife niya kesa naman mag bitter bitteran ka jan. " sabi naman ni sarah kay carlita
" hoy Ka rin! Isa ka pang bruha ka hindi ako bitter nagsasabi lang ako ng totoo para naman magising yang kaibigan natin na sa totoong buhay walang Cinderella sa fairytale at movie lang yang mga ganyan, na ang boss ay naiinlove sa empleyado noh! Mas mabuting ihanda ko ang puso at isip nitong kaibigan nating maganda para atleast magising siya sa katutuhanan at habang maaga pa gumising na siya sa pantasyang kinalalagyan niya ngayon. " sagot ng bakla kay sarah, tama naman talaga siya, kaso iba naman kasi ang sitwasyon namin ni kian dahil gising na gising ako at alam na alam ko kung ano ang meron sa amin ni kian, empleyado niya ako at boss ko siya sa labas at loob ng kompanya, pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanila kung ano ba talaga kami ni kian hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanila, pero dahil alam kong tututol sila sa ginawa kong decision lalong lalo na ang baklang si carlita dahil kahit ganyan yan magsalita ay alam kong nag aalala lang siya sa akin kaya nasasabi niya ang mga bagay na yan para mamulat ako sa katutuhanan ng buhay na kahit kailan ay hindi mangyayaring mahalin ako ng isang kian drake sanchez.
" alam mo bakla puno lang ng negative vibes yang utak mo, hindi naman lahat ng mayaman ehh naghahanap din ng mayaman noh, malay mo nabihag lang talaga si sir kian sa ganda ng kaibigan natin, hindi naman kasi imposibleng magustuhan ng mayayamang gwapo tong kaibigan natin noh, kung ganda lang din ang pagbabasehan nako talbog pa nga yang ibang model at artista jan sa beauty nitong si kris, tingnan mo nga wala pang make up yan ha maganda na ehh yang mga mayayaman na yan maganda lang naman yan dahil ang daming nilalagay na kolorete sa mukha, pero kung walang mga kolorete ang mukha ng mga yan ewan ko lang no comment nalang ako. " sabi naman ni elena
" oo na wala na akong sinabi, mga bruha kayo pag yan umiyak iyak dahil tinapon nalang basta ni sir nako pag uumpugin ko talaga kayong tatlo makikita niyo." Nanggigigil namang sabi ng bakla.
" nako puno ng ka bitteran talaga tong baklang to, hindi ka nanaman nakahanap ng bagong papa mo ano kaya ang init init niyang ulo mo dahil tigang ka nanaman ano? " sabi ni elena sa bakla na lalong nagpalukot sa mukha nito.
" ikaw elena tigil tigilan mo ako ha baka samain ka talaga sa akin ikaw ang e umpog ko sa pader ng malinis yang madumi mong utak. " sabi naman ng bakla kay elena
" tigilan niyo na nga yang bangayan niyo pag kayo nakita ni maam pinky talagang sasamain kayo at baka masesante pa kayo. " sabi ko sa kanila nagsisimula na naman kasi sa pagiging asot pusa tong dalawang to.
" hindi pa tayo tapos na bruha ka, akala mo ha madami ka pang ipapaliwanag sa amin mamaya. " sabi sa akin ng bakla.
" ahhhmmm may lakad nga pala kami ni drake mamaya mga bakla baka late na akong makauwi, may party kasi yung kaibigan niya kailangan daw sumama ako kasi wala siyang date. " sabi ko naman sa kanila kaya ang sama na naman ng tingin ng bakla sa akin.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romancedahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...