KABANATA 21

2.2K 32 0
                                    

Kristalyn

" bakla bakit ngayon ka lang kanina ka pa hinahanap ni sir kian, dumiretso ka na daw sa office niya. " sabi ni carlita sa akin pagkapasok ko palang sa office namin.

" bakit daw? " tanong ko naman sa kanya

" aba'y hindi ko alam, pumunta ka na lang doon at ang jowa mo ang tanungin mo, malay ko kung bakit ka pinatawag non baka namiss ka lang. " sabi ng bakla sa akin habang may nang aasar pang ngiti sa mga labi nito.

" ewan ko sayong bakla ka, jan ka na nga wala kang kwentang kausap. " sabi ko sa kanya sabay talikod upang pumunta na sa office ni kian ano na naman kaya ang kailangan sa akin nung lalaking yun.

" abat ako pa ngayon ang walang kwentang kausap, hoy ayusin mo yang pananalita mo sa aking bakla ka ha. " narinig ko pang sabi ng bakla bago ako tuluyang makalabas ng office namin.

" oh kris san ka pupunta? " tanong sa akin ni sarah ng makasalubong ko siya sa labas ng office namin.

" punta lang ako sa office ni sir kian pinapatawag daw ako ehh. " sagot ko sa kanya.

" ohh ok, sige na baka hinihintay ka na nun. " sabi niya sa akin

" sige punta na muna ako don. " sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa office ni sir.

Bakit kaya ako pinapatawag ng lalaking yun, baka kakausapin niya ako tungkol sa pagpunta namin sa bahay ng parents niya mamaya,hindi kasi kami natuloy nung pag uwi namin galing palawan dahil gabi na masydo nang makarating kaming manila, kinakabahan na talaga ako, paano kung strikto ang mga magulang ni kian, paano kung hindi nila ako magustuhan para sa anak nila, paano kung paghiwalayin nila kami, yes fake lang ang pagiging mag on namin pero ang alam ng ibang tao may relasyon talaga kami at hindi kami pwedeng maghiwalay hanggat hindi pa tapos ang trabaho ko sa kanya dahil papaano ko siya mababayaran sa sobrang laking utang ko sa kanya sa pagpapaopera kay papa kung tututol ang mga magulang niya sa amin, lord kayo napong bahala sana naman matapos ko tong trabahong to na walang magiging hadlang, bakit naman kasi ako pa ehh, ang dami naman kasing iba jan, yung mayaman din na tulad niya,sabagay kung hindi niya din ako kinuha sa trabahong to hindi ko din alam kung nailigtas ko ang buhay ng papa ko kung sakali, haaay ewan ang daming paano na tanong sa isip ko ngayon, isa lang talaga ang dasal ko na malampasan ko ang araw na ito na walang maging problema lalo na sa pagharap ko sa mga magulang ni kian mamaya.

" miss kris buti nandito napo kayo kanina pa po kayo hinihintay ni sir kian, pasok nalang po kayo sa loob." nagulat pa ako ng magsalita ang secretary ni kian sa harap ko, sobra na batalaga ang pag iisip ko at hindi ko man lang namalayan na nandito na pala ako sa harap ng opisina ni kian.

" ohh ganon ba, thanks nely, at nga pala kris nalang wag na miss, parehas lang naman tayo na employee dito. " nakangiting sabi ko kay nely bago ako kumatok at pumasok sa opisina ni kian.

" babe, finally you're here, come here i want you to meet my mom. " salubong ni kian sa akin pagkapasok ko sa opisina niya,at bigla nalang nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi niya kasabay ng malakas na tibok ng puso ko, shit nandito ang mommy niya, anong gagawin ko bakit hindi man lang niya ako tinawagan or tinext man lang na nandito pala ang mommy niya di man lang ako nakapaghanda, bwisit talaga tong lalaking to alam naman niya na hindi pa ako handa makiharap sa mommy niya.

" walang hiya ka talagang lalaki ka bakit hindi mo man lang ako sinabihan na nandito pala ang mommy mo hindi man lang ako nakapaghanda. " bulong ko kay kian ng makalapit siya sa akin.

" its ok hmmm, just relax babe, mom won't bite you. " sabi ni kin sa akin at iginiya na ako paharap sa mommy niya. " mom meet my girlfriend kris. " pakilala ni kian sa akin sa mommy niya.

His Hired Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon