Kristalyn
pagkatapos naming mag dinner ni kian ay nag aya agad akong pumunta na kami kung nasaan ang mga kaibigan namin, ngunit habang naglalakad na kami papunta sa tabing dagat ay bigla nalang nag ring ang phone niya kaya napatigil siya sa paglalakad upang tingnan kung sino ang tumatawag, napahinto din ako habang hinihintay siyang sagutin ang phone niya.
" you go first there babe, i'll just answer this call i will follow you there later. " sabi niya sa akin kaya napatango nalang din ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
" hey! buti nakalabas ka na bakla, oh bakit mag isa ka ata, nasan na yung sobrang possessive mong boyfriend? " tanong sa akin ni carlita ng makasalubong ko siya na hindi ko alam kung saan galing.
" susunod nalang daw siya may kinausap lang sa phone niya. " sagot ko sa kanya
" tara don sa kanila kanina pa kami dito akala ko nga di kana makaka join sa amin ehh, galit na galit ba naman yung jowa mo kanina, pinagalitan pa nga ako nun bakit daw hindi kita pinigilang sumali sa fashion show. " sabi sa akin ng bakla, so hindi lang pala si terry ang nakatikim ng kasungitan ng baliw na lalaking yun.
" hay nako hayaan mo yun nababaliw lang yun. " sagot ko naman kay carlita habang naglalakad kami papunta sa mga kasamahan namin
" nako nagseselos lang yun lalo na nakita ka niyang may kausap na gwapong papa pagbaba mo sa stage kanina, sino nga pala yun bakla ang gwapo nun ha iba na talaga yang beauty mo lapitin ng mga hot papa. " sabi ng malanding bakla sa akin.
" hmmm model yun, si enrique , nag offer siya sa akin baka daw gusto kong mag model tutulungan niya daw ako. " sagot ko naman kay bakla.
" wow ganon ba ang swerte mo naman kung ganon so anong sabi mo? pumayag ka ba? " excited na tanong ng bakla sa akin.
" hindi, kasi dumating na si drake bago pa ako makasagot sa tanong niya,at nung umalis na si enrique tinanong niya ako kung ano daw kailangan nito sa akin, ayon sinabi ko sa kanya ang offer ni enrique at pinakita ko ang calling card nito,at ang mokong pinunit ba naman yung binigay na calling card ni enrique sa akin, ayaw din niyang pumayag na mag model ako kaya yun wala na akong magawa.
" what?! grabe naman pala yang si sir binakuran ka na talaga ha. " sabi nalang ng bakla.
" hey! krissy sissy, you're here, well where's your crazy possessive boyfriend? " tanong sa akin ni terry ng makalapit na kami sa kumpulan nila, nakapalibot silang lahat sa bonfire habang nag iinoman.
" andon pa may kausap lang sa phone ,susunod nalang daw siya, and ter sorry nga pala kanina ha kung nasigawan ka ni drake. " sabi ko kay terry sabay hingi ng paumanhin sa ginawang pagsigaw ni kian sa kanya kanina.
" nahh don't worry about it, it's not your fault, kian is just being the crazy possessive boyfriend, well he must be, with you as his girlfriend, do you know that many of the male models ask me about you? " sabi sa akin ni terry.
" huh? bakit naman sila nagtatanong sa akin? " nakakunot noong tanong ko naman sa kanya
" duh of course with your beauty krissy sissy many guys will try to get you, so kian better guard you well." sagot naman ni terry na may nakakalukong ngiti pa sa kanyang mga labi,
" hey guys why are you there? dito kayo. " tawag sa amin ni chad tumayo kasi si terry pagkalapit ko sa kanila kanina at medju lumayo kami sa kumpulan kaya ayan tinatawag na kami ng jowa niya.
" hi kris, you can sit here beside me, oh where's your crazy boyfriend? " sabi sa akin ni hero nung makalapit na kami sa kanila ulit, umupo na din si terry sa harap ni chad napapagitnaan siya ng mga hita nito, ang sweet naman talaga ng dalawang to.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romancedahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...