KANANATA 30

2.1K 27 0
                                    

Kristalyn

" perfect! " sigaw ng baklang nag aayos sa akin pagtapos niyang matapos ang paglalagay ng kung ano anong kolorete sa mukha ko.

" wow! Mas lalo po kayong gumanda miss kris, ang swerte talaga ni mr. Sanchez sa inyo ang ganda ganda nyo at ang bait pa. " puri naman ng kasama nitong babae sa akin na nag ngangalang nena at may hawak sa damit na susuotin ko.

Nandito ako ngayon sa isa sa mga kwarto ng hotel na pag mamay ari nila kian kung saan gaganapin ang 20th anniversary ng kompanya nila, gusto ko nga sana na ako nalang ang mag ayos sa sarili ko pero hindi na naman pumayag ang mokong na yun, kaya eto ako ngayon nakaupo lang habang inaayusan ng baklang kinuha ni kian para sa hair and make up ko.

" now go and change to your gorgeous gown, dahil mamaya lang ay nandito na yung gwapo mong prince charming. " malanding sabi ng bakla sa akin, kasing landi ng baklang si carlita, napangiti nalang ako at sinunod ang sinabi ng baklang nag ayos sa akin.

" wow! Bakla ang ganda ganda mo naman, hiyang na hiyang ka ata sa pagiging juntis mo ahh, nasobrahan ka sa pagka blooming, maglalaway talaga lalo si sir kian sayo. " parang baliw na nagtitili tong si elena paglabas ko ng banyo pagkatapos kong magbihis ng gown na binigay sa akin ni nena ang kasama ng baklang nag ayos sa akin.

" baliw, teka bakit ka nandito nasaan sila sarah at carlita? " tanong ko kay elena, himala kasi na siya lang mag isa ang umakyat dito at hindi kasama ang dalawang bakla, lalong lalo na ang echuserang carlita.

" nandon na sila sa baba, pinapasundo ka lang ni sir kian sa akin magsisimula na kasi ang event, busy na din kasi sila ng pamilya niya sa pag entertain sa iba pang bisita kaya inutusan niya akong sunduin ka. " sabi ni elena sa akin, nakaramdam naman ako ng konting lungkot akala ko naman kasi si kian ang magsusundo sa akin dito, pero agad ko ding winaglit ang lungkot na nararamdaman ko, natural lang na busy na si kian dahil alam kong sobrang dami ng bisitang dadating ngayong gabi, at paniguradong mas magiging busy pa ito mamaya.

" ang ganda mo din bakla, prepared na prepared ahh. " nakangiting papuri ko dito na nagpangiti na din sa kanya.

" syempre sagot ni miss terry ang gown at hair and make up namin nila bakla. " sagot ni elena na nagpalaki ng mata ko.

" talaga?kay terry galing ang suot mo? " hindi pa din makapaniwalang tanong ko dito.

" yes, pati nadin kay sarah at baklang carlita. " woah ang bait nga naman talaga ng pamilya ni kian.

" miss kris dito na po kayo para sa finishing touch, at para makababa napo kayo dahil kakatawag lang po ni sir kian at hinahanap napo kayo nagsisimula na po kasi ang event. " sabi ni nena na nagpatigil sa usapan namin ni elena.

" nako patay ako kay sir kian nito bilisan na natin kris. " biglang tarantang sabi ni elena sa akin. " teka matagal pa ba yan? " di mapalagay na tanong naman niya kila nena.

" ito napo tapos napo, wow ang ganda niyo po talaga miss kris. " puri na naman sa akin ni nena matapos niyang ayusin ulit ang medju nagulong buhok ko dahil sa pagbibihis ko at pagkabit ng mga lahas sa katawan ko,medju naiilang pa nga akong isuot ang mga ito dahil alam kong mas mahal pa sa buhay ko ang halaga ng mga alahas nato,tinitigan ko din saglit ang singsing na binigay sa akin ni kian kaninang umaga,ang sing sing na tanda bilang fiancee niya.

" thanks nena and marla sa magic hand mo upang gumanda ako ng ganito ngayong gabi. " pasasalamat ko sa dalawang nag ayos sa akin.

" nahh don't mention it, sadyang maganda ka na talaga kaya hindi na nakakagulat na mas gumanda ka pa kapag naayusan. " sabi naman ni marla sa akin kaya napangiti nalang ako.

His Hired Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon