Kristalyn
Nakangiti kong pinapanuod ang mag aama kong masayang naghahabulan sa dagat, simula ng dumating kami ni kian dito ay hindi na mapag hiwalay ang mga ito, buntot ng buntot ang tatlong anak niya sa kanya, kahit sa pagtulog ay magkakatabi kaming lima dahil gusto daw nilang makatabi ang daddy nilang matulog, kaya naman wala kaming nagawa ni kian kung hindi ang itabi sila sa amin sa pagtulog.
" hey love, you look so happy do you know that? " napalingon ako kay hero na bigla nalang sumulpot sa kung saan, kakarating lang din nito kanina dito, hindi kasi siya nakasabay sa amin kahapon dahil naging busy siya sa kabilaang meeting niya sa kompanya nila.
" is it that obvious? " nakangiting tanong ko sa kanya.
" yes it is, im happy for you love, i hope kian will never hurt you again, because if that happens I'll be the one who will burry him six feet under the ground. " natawa nalang ako sa sinabi niya, napaka over protective talaga ng lalaking to sa akin, well hindi lang naman siya, lahat naman silang mga kaibigan namin ni kian ay sobra ang concern sa aming mga babaeng kaibigan nila, kaya nga nagpapasalamat talaga ako na dumating sila sa buhay ko.
" thank you steve, i really owe you big time, ikaw ang nanjan noong mga panahong down na down ako, ikaw ang naging sandalan ko sa lahat ng mga pinagdaanan kong kadramahan sa buhay ko, at ikaw ang laging nanjan upang pagaanin at pasayahin ako kapag malungkot ako, im really thankful that i have a best friend like you steve, thank you so much. " hindi ko alam kung tama ba ang nakita kong sakit na dumaan sa mga mata ni hero ng sabihin kong bestfriend ko siya, o baka guni guni ko lang yun, dahil dapat nga matuwa siya diba dahil best friend ang turing ko sa kanya hindi lang ordinary friend, dahil para sa akin siya ang pinaka the best na friend ko.
" anything for you love, always remember that im just here for you any time you need me love. " aniya sa akin ngunit bakit parang ang lungkot ng mga mata niya, may pinagdadaanan bang problema ang taong to ngayon.
" Are you ok steve? Bakit parang ang lungkot ng aura mo ngayon, may problema ka ba? " nag aalalang tanong ko sa kanya.
" nahh im ok, maybe im just tired from my busy schedules and work. " ewan ko pero parang may mali kay hero ngayon, parang ang tamlay tamlay niya, hindi na siya yung hero na nakasama ko noon na maloko at laging nakangiti.
" are you sure steve? Parang ang tamlay mo talaga. " pamimilit ko sa kanya.
" im ok love don't worry about me, and by the way i just want to tell you that im leaving tomorrow. " napakunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabi niya.
" where? Business trip? Ilang araw ka namang mawawala? " nakangusong tanong ko sa kanya.
" hmmm nope... It's not a business trip, im going to Spain maybe I'll stay there for a year or two, i don't know im not really sure until when im going to stay there. " bigla namang nanlabo ang mga mata ko sa narinig ko, at bigla nalang kumirot ang puso ko ng sinabi niyang mawawala siya ng matagal na panahon, nasanay na akong lagi siyang nanjan, nasanay akong kasama siya palagi, nasanay na akong nanjan lang siya kapag kailangan ko siya, bakit ba kasi kailangan pa niyang umalis.
" why? Why are you leaving? " kagat labing tanong ko sa kanya upang pigilan ang pag alpas ng hikbi ko, ewan ko kung bakit naiiyak ako ng malaman kong iiwan niya na ako.
" i just want to find my self love, now that kian is back in your life i think i can leave peacefully already, at least i won't be worried thinking if there is someone taking care of you, because i know kian will do that, and i know he can also make you happy, but don't worry love you can still contact me anytime you want, there's a lot of social media app now that we can use to see and talk to each other even if we're miles apart right? " aniya at hindi ko na napigilan ang mga hikbi ko, at tuluyan nang umagos ang mga luha sa aking mga mata, agad naman akong niyakap ni hero na mas nagpa hagolgol sa akin ng iyak, hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaalamang iiwan na ako ni hero, siguro dahil nasanay na ako sa presensiya niya, at nasanay akong laging nanjan lang siya at malapit sa akin at syempre isa na siya sa importanteng tao sa buhay ko,naging malaking bahagi na si hero sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romansadahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...