Kristalyn
" kris matagal ka pa ba jan? Tara na kris anong oras na ohh. " sigaw ni elena sa akin habang nasa labas ito ng kwarto namin ni kian, kanina pa siya kumakatok sa pinto dahil hindi ko ito pinagbuksan, hindi ba napapagod ang bruhang to kakasigaw.
" oo na anjan na. " sigaw ko pabalik sa kanya at tiningnan ko muna sa huling pagkakataon ang sarili ko sa full length mirror na nasa kwarto namin ni kian, nakasuot ako ng high neck long sleeve lace dress with the combination of white and gold color, abot ito hanggang gitnang hita ko lang, conservative nga sa harap pero sobrang open naman sa likod, haiissst wala naman akong magawa dahil si ate kiara at terry ang bumili nitong damit na to, hindi talaga ako komportableng magsoot ng ganitong mga damit.
" wow! Ikaw na talaga bakla, kaya baliw na baliw si sir kian sayo ehh, nakakapaglaway kasi talaga yang kagandahan mo. " papuri ni elena sa akin na tumitili pa na parang baliw pagkabukas ko sa pinto.
" ano ba elena ang ingay ingay mo tigilan mo kakatili jan kung ayaw mong makurot kita sa singit, nakakarindi na yang boses mo ha! " saway ko sa kanya kaya napanguso nalang siya.
" to naman ang taray, pasalamat ka maganda ka hmmmp! Tara na nga kanina pa tawag ng tawag si miss terry sa akin, nasaan na daw tayo. " sabi niya sabay hila sa akin palabas ng condo ni kian.
" sandali! " sigaw ko sa kanya sabay bawi ng kamay kong hawak hawak niya, kung makahila kasi tong babaeng to parang hindi buntis ang kinakaladkad niya ehh, naka heels pa man din ako, patay talaga ako kay kian nito pag nalaman niyang nagsuot ako ng heels, hindi pa naman halata ang tiyan ko pero sobrang oa naman kasi ng lalaking yun, lahat ng galaw ko bantay sarado niya, buti nga ngayon wala siya dito dahil hinila siya ng mga kaibigan niya may sarili din kasi silang bachelors party daw, ayaw pa nga sana niyang umalis hanggat hindi pa ako nakakaalis kaso walang nagawa ang pag mumura niya dahil pinagtulungan na siyang hilahin ng mga kaibigan niya.
" ano na naman? " naiiritang tanong ni elena sa akin.
" kaya kong maglakad lena, hindi mo na ako kailangan pang kaladkarin. " sabi ko sa kanya at nauna nang maglakad palabas.
" hoy antayin mo ako, ang taray mo ngayon ha, ganyan ba talaga pag buntis? "
" che! ewan ko sayo, sino ba kasing matutuwa pag kinaladkad mo ha? " inis na tanong ko sa kanya.
" sorry naman, ang tagal mo naman kasing mag ayos ehh. " nakangusong sabi niya sa akin, kaya inirapan ko nalang siya
" greg paki hatid kami sa KS Hotel branch one. " sabi ko sa lalaking nakatayo sa gilid ng isa sa mga sasakyan ni kian, si greg ang isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ni kian na ngayon ay bodyguard ko na, kahit saan ako magpunta naka buntot lang siya sa akin kahit ayaw kong may sumusunod sunod sa akin wala akong magawa dahil yan ang gusto ng kumag na si kian, sabi ko nga na sobrang oa niya diba.
" yes maam. " tipid na sagot ni greg at pinagbuksan niya kami ng pinto ng kotse sa backseat.
" ang hot talaga niyang bodyguard mo kris, pang model ang dating ehh, bakit kaya hindi mag model yang lalaking yan sayang naman ang yummy niyang body at gwapong mukha. " bulong ni elena sa akin pagkapasok namin sa sasakyan, umiral na naman ang kalandian ng bruha, gwapo naman kasi talaga si greg yung tipong pang model nga naman ang dating.
" tumigil ka nga jan lena, pinagnanasaan mo na naman yan si greg, sumbong kita kay stephen ehh. " pang aasar ko sa kanya, may napapansin kasi talaga ako sa dalawang to, madalas na din pumupunta si Stephen sa kompanya na ewan ko kay elena kung bakit tinatarayan niya ito lagi pag pinupuntahan siya ni stephen.
" bruha ka, at bakit na naman na sali ang pangalan ng malanding lalaking yun? " nakataas pa ang isang kilay na tanong niya sa akin,ang taray lang ng bruha in denial naman.
BINABASA MO ANG
His Hired Baby Maker
Romancedahil sa kahirapan ng buhay nila sa probinsya kaya naisipan ni kris na makipagsapalaran sa manila. kahit tutol ang mga magulang sa desisyon ni kris ay wala din nagawa ang mga ito upang pigilan ang anak sa gusto nitong mangyari. pagdating ni kris sa...