KABANATA 27

2K 35 0
                                    

Kristalyn

" binabakuran ka na talaga ng jowa mo bakla ahh, biruin mo ayaw niyang kumain ka sa canteen ng hindi siya kasama. " sabi ng baklang si carlita sa akin pagkapasok namin sa opisina ni kian, dapat sa canteen kami kakain ngayon pero ang oa na kian ay hindi pumayag at sinabing dito nalang kami kumain sa office niya at mag papadeliver nalang daw siya ng pagkain namin para hindi ko na kailangang magpagod kakapila sa canteen, kaya nandito kami ngayon sa opisina ni kian kasama ko ang mga bakla na tuwang tuwa naman dahil makakakain na naman daw sila ng libre at masarap na pagkain.

" huwag mo nang pansinin yun bakla sadyang oa lang talaga yung lalaking yun. " sabi ko naman sa kanya at umupo muna ako sa mahabang sofa sa opisina ni kian, tumabi naman ang mga bakla sa akin.

" so anong nangyari sayo kahapon at bakit hindi ka namin ma contact? At bakit ka din absent sa trabaho, and lastly bakit ka lumipat dito sa opisina ni sir kian? " sunod sunod na tanong ni sarah sa akin na ikinangiwi ko naman.

" woaahh, isa isa lang guys mahina ang kalaban. " natatawang sabi ko naman sa kanila habang nakataas pa ang dalawang kamay ko sa ere.

"Seryoso nga kris, ano bang nangyari sayo kahapon? alam mo bang sobrang nag alala talaga kami kung ano ng nangyari sayo dahil hindi ka namin ma contact. " pag ulit naman ni elena sa isa sa mga tanong ni sarah, habang nakataas lang ang isang kilay ng malditang bakla na nakatingin sa akin at naghihintay sa sagot ko.

" ahhhmm, ang totoo niyan ay- " naputol ang sasabihin ko ng may kumatok sa pinto ng opisina ni kian at pumasok si nely kasunod ang mga delivery boy na may bit bit na mga pagkaing inorder ni kian para sa amin.

" miss kris nandito napo ang lunch niyo na inorder ni sir kian. " sabi ni nely pagkalapag ng mga pagkain sa table ng office ni kian.

" ehh? Bakit parang ang dami naman ata niyan nely? " nakangiwing tanong ko kay nely, kasi naman sobrang dami naman kasi ng pagkaing nasa harap ko ngayon, na sa sobrang dami ay aakalain mong may fiesta sa loob ng opisina ni kian.

" hindi ko po alam kung bakit ang dami niyan miss kris, kasi si sir kian po kasi ang nag order niyan. " sagot naman ni nely sa akin.

" ganon ba, baliw talaga yung lalaking yun, bibitayin naba kami kaya pinapakain niya kami ng sobrang dami. " napapailing nalang na sabi ko.

" sige po miss kris enjoy your lunch. " sabi ni nely sa akin at tumalikod na ngunit napatigil ito sa akmang paglabas ng tawagin ko ang pangalan niya.

" teka nely kumain ka na ba ng lunch? " tanong ko sa kanya ng lumingon ito sa akin pagkatapos kong tawagin ang pansin niya.

" kakain palang po miss kris. " napangiwi naman ako ng marinig ko ang tawag niya sa aking miss kris

" ahhmm nely pwedeng pahinging favor? " nakangiwi pa ding tanong ko sa kanya.

" sure miss kris ano po yun? " nakangiting sabi niya sa akin.

" pwedeng kris nalang ang itawag mo sa akin? Hwag na ang miss? Parehas lang naman kasi tayong empleyado dito ehh. " sabi ko sa kanya na ikinatawa naman ng mga bakla, kaya sinamaan ko ng tingin ang mga ito.

" ahhmmm ok po kung yun po ang gusto mo kris. " nakangiting sabi nito sa akin.

" at isa pa pala, huwag mo na akong e po kasi nakakatanda masyado ehh, and nga pala sumabay ka na sa aming mag lunch, napakadami nitong inorder ni drake hindi namin mauubos to. " nakangiting pag aya ko sa kanya at sana pumayag siyang sumabay na sa aming kumain.

" nako nakakahiya naman sa inyo. " nahihiya pang sabi niya.

" hay nako huwag ka nang mahiya, sumabay ka na sa amin hindi din naman namin mauubos lahat to, at isa pa bakit ka naman mahihiya sa amin ehh parehas lang tayong lahat na empleyado sa kompanyang to kaya wala kang dapat ikahiya sa amin,maganda lang kami pero maganda ka din naman kay patas lang tayo. " singit ng baklang si carlita sa amin ni nely, natawa naman kami sa huling sinabi ng bakla, kayabangan talaga ng baklang to.

His Hired Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon